All Chapters of Isang CEO Pala Ang Forever Ko: Chapter 31 - Chapter 40
86 Chapters
Misunderstanding
MAHABA na ang leeg ko sa kahihintay kay Iñigo ngunit hindi pa rin ito dumadating."Hoy! Akala ko ba masakit pa 'yang leeg mo. Eh bakit, kanina ko pa napapansin na parang may tinatanaw ka sa malayo? Hinihintay mo pa rin ba siya?" Ani Nicole.''Tsk...kailangan niyang pumunta rito upang alagaan ako." Sagot ko na ang tinutukoy ay si Iñigo.Napagkasunduan kasi namin na tuwing umaga at hapon ay pupunta rito si Iñigo upang asikasuhin ako."Sus, 'yon lang ba talaga ang dahilan?" Pangungulit ni Nicole habang nakataas ang isang kilay."Oo naman! Bakit, may iba pa ba?"Hindi na nito nagawa'ng sagutin ang tanong ko dahil may biglang kumatok.Bahagya akong nakaramdam ng excitement dahil inisip kong si Iñigo iyon. Ngunit gayo'n na lamang ang aking panlulumo ng si Jordan pala ang dumating.Tinitigan ko siya at gano'n rin ang ginawa niya. Sa huli ay ako rin ang unang nag-iwas ng tingin."Uhm...ikaw na naman? Pa-pa'no mo nalaman ang bahay ko?"pambungad na tanong ko sa kanya."Matagal ko ng alam 'to. K
Read more
The President
MATULIN na lumipas ang mga araw at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ako sa pagpapanggap. Unti-unti ko na rin'g nasasaktan si Iñigo sa tuwing magpapang-abot sila ni Jordan. At kahit anong gawin ni Iñigo ay hindi niya pa rin maawat si Jordan sa pagdalaw sa'kin. Nakakasawa rin pala minsan na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ang parehong mukha na lang nila ang palagi kong nakikita. Ngunit hindi ko inaasahan na sa araw na ito ay maiiba ang bisita ko."Anong ginagawa mo rito?" dinig kong tanong ni Nicole matapos pagbuksan ang kumakatok."Dadalawin ko si Samantha."Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay batid kong si Lesley ang nagmamay-ari ng boses na iyon.Bigla akong nakaramdam ng kaba at bahagyang panghihina. Subalit nang maalala ko ang panloloko nila sa'kin ni Iñigo ay muli akong nagkaroon ng lakas para harapin siya."Aba't ang-""My dear Samantha! Where are you frenny?" Maarteng pagtawag nito sa'kin at hindi man lang nagpaawat kay Nicole. Nagtuloy-tuloy ito sa buong kabahayan a
Read more
Hiwalayan
NGAYON'G araw ay nagsimula akong magtrabaho'ng muli sa kompanya ni Iñigo. Sinundo niya ako sa amin kahit pa nga labag sa kalooban niya na magtrabaho na ako lalo pa't alam niyang may amnesia ako. Kapwa kami tahimik sa buong biyahe. Kaya naman nang dumating na kami sa kanyang office ay hindi ako nakatiis at ako na ang unang kumausap sa kanya."Okay ka lang ba?""Yeah." Tipid niyang tugon."Kanina mo pa akong hindi kinakausap eh. May nagawa ba akong mali?" Muli kong tanong sa kanya."Wala. May iniisip lang ako. By the way, ano nga pala ng gusto mong almusal? Magapapa-deliver na lang ako.""Huh? Kumain na ako bago umalis ng bahay Di'ba't naabutan mo pa nga ako na kumakain?" kunot noong sambit ko. "Okay ka lang ba talaga Iñigo?" Naguguluhan'g usisa ko pa sa kanya."Oh, sorry i forgot!" Napahawak pa ito sa kanyang sentido.Kukulitin ko pa sana siya kaya lang ay naunahan ako ng pagtunog ng kanyang cellphone. Bahagya ko itong sinulyapan at nahagip ng tingin ko ang pangalan ni Lesley sa screen
Read more
Confessed
SA halip na umuwi sa bahay ay naisipan kong magpahatid muna kay Jordan sa isang park na malapit lang sa bahay."Sigurado ka ba na dito ka muna?" Ani Jordan. Habang magkatabi kaming nakaupo sa isang bench."Yeah. Puwede mo naman akong iwanan dito, tutal malapit naman na ito sa bahay.""Hindi. Sasamahan kita rito. Alam kong kailangan mo ng makakausap." he insisted."Salamat Jordan.""Wala 'yon. Hmm...bakit nga ba nakipaghiwalay ka kay Iñigo?"bigla ay tanong niya saakin.Isang malalim na buntonghininga muna ang aking pinakawalan bago ko siya sinagot ng isang panibagong katanungan."Ikaw ba, kapag nalaman mo bang niloloko ka ng taong mahal na mahal mo, magagawa mo pa bang ipagpatuloy at ipaglaban ang pag-iibigan niyo?" seryosong tanong ko sa kanya."Syempre hindi. Bakit ko pa ipipilit, kung araw-araw naman akong nasasaktan at nahihirapan? Mas pipiliin ko pang bumitaw na lang lalo na kung alam kong ako na lang ang mag-isang lumalaban.""Tama. So, ngayon alam mo na ang sagot sa tanong mo sa
Read more
Ex-Fiance & Ex-Boyfriend
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong sunud-sunod ang pagyugyog sa balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at naiinis na sinigawan ko si Nicole.''Ano bang problema mo? Natutulog pa ako eh.'' reklamo ko. Pumihit ako ng higa at muli kong ipinikit ang aking mga mata."Ano ba frenny, bumangon ka nga diyan!''Sa halip na sumagot ay dinampot ko ang unan at itinakip ko iyon sa aking dalawang tainga.''Parang bingi lang eh! Bumangon ka na Sam! May naghahanap sa'yo sa labas.''''Sabihin mo tulog ako!'' dumapa ako sa kama at muling ipinagpatuloy ang pagtulog.'' Nakakainis naman 'to! Bumangon ka diyan at harapin mo 'yong makulit mong ex!''Nang marinig ko ang salitang "ex" ay agad kong ibinalibag ang unan at mabilis rin akong umupo sa kama.''Huh? Sinong ex? Ex fiance or ex boyfriend?''paniniyak ko sa sinabi ng aking kaibigan.''Gaga! Nakuha mo pang magbiro. Dalian mo na!''''Sino ba kasi 'yon?'' muli kong tanong.''Si Iñigo.'' Tipid nitong sagot.''Ano?'
Read more
Pagdadalantao
KINABUKASAN ay napabalikwas na lamang ako sa higaan dahil sa kakaibang pakiramdam na gumising sa'kin. Pakiwari ko ay hinahalukay ang loob ng aking tiyan kaya't patakbong tinungo ko ang banyo. Ngunit sa halip na umupo ako sa bowl, dahil sa pag-aakalang sira lang ang aking tiyan eh taliwas 'yon sa nangyari. Halos isubsob ko na ang aking mukha sa bowl na 'yon dahil kasabay ng pagbaliktad ng aking sikmura ay siya naman'g sunod-sunod na pagduwal ko.''Frenny, okay ka lang ba?'' Sigaw ni Nicole na sumunod pala sa banyo.Hindi ko magawang sumagot dahil patuloy pa rin ako sa pagsusuka.''Frenny naman, ano bang nangyayari sa'yo?'' giit pa nito. Puno ng pag-aalalang nilapitan niya ako at walang humpay ito sa pag hagod ng aking likuran.Ilang minuto rin bago ako nahimasmasan at bago ako nakalabas ng banyo."Okay ka na ba?''aniya.''Oo, salamat ah.''''Ano ba kasi ang nangyari sa'yo?''muli niyang tanong habang naroon pa rin ito sa aking tabi.''Hindi ko rin alam eh. Basta nagising
Read more
Kasinungalingan
ISANG buwan na rin ang muling lumipas buhat ng mapag-alaman namin'g nagdadalantao ako. Medyo nahahalata na rin ang aking tiyan kung kaya't nahirapan talaga akong maghanap ng trabaho. Mabuti na lang at nariyan si Nicole. Bumalik ako sa pagdidesenyo ng mga damit at hindi ko inaasahan'g magugustuhan ng kanyang boss ang ipinasa kong mga design. Kaya heto ako ngayon, halos wala pang gaano'ng tulog dahil kailangan kong tapusin ito para sa gaganapin'g fashion show next week."Frenny, may five days pa naman na natitira. Baka gusto mo munang magpahinga?" Ani Nicole na naka-ready na pauwi."Eh, kahit pa. Ayoko naman na gahulin ako sa oras kaya't kahit malayo pa ang deadline eh kailangan ko na 'tong tapusin.""Sus, halika na. Umuwi na muna tayo. Kailangan mo rin ng pahinga. Remember, hindi ka na lang nag-iisa sa buhay. Sige ka, baka kung mapa'no pa 'yan si baby mo." Dagdag pa ng kaibigan ko na bahagya pang ngumuso upang ituro ang aking tiyan.''Sige na nga.'' Napipilitan'g pag
Read more
Fashion Show
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita at nagkakausap ni Jordan, simula no'ng huling beses namin'g magkasagutan sa restaurant. Tatlong araw na rin ang lumipas at hindi niya rin sinubukan'g makipagbati saakin.Hindi ko rin kasi maintindihan ang aking sarili kung bakit nasasaktan ako sa mga sinabi niya kay Iñigo. Marahil ay hindi pa nga talaga ako nakaka-move on. Lalo pa ngayon na dinadala ko ang anak namin ni Iñigo, paniguradong mas lalo ko lang siyang maa-alala."Are you done with the designs frenny?" Ani Nicole. Kailangan ko na kasi itong maipasa lahat para sa gaganapin'g fashion show next week."Yeah. Naipasa ko na rin at nakausap ko na ang boss natin.""Good. Makakapagrelax ka na.""How about you?" balik tanong ko sa kanya."Naipasa ko na rin. At sana, mapili ang mga design natin, nang sa gayo'n ay more incentives tayo at tayo ang kunin na magde-design sa wedding gown ng sikat na artista sa New York." Excited na pahayag ni Nicole."Naku, sana nga." Tanging nasabi ko."H
Read more
Truth
SA halip na dumiretso sa bahay ay niyaya ko muna si Jordan na mag midnight snack sa isang cafe na malapit sa bahay. Agad naman itong pumayag kaya't hindi ko maiwasan ang mapangiti."Kape lang ang oorderin ko. Busog pa ako eh." Ani Jordan nang nakaupo na kami sa loob."Hmm...okay. Akin, tuna carbonara pa rin." Nakangiting tugon ko. Kapagkuwa'y sinenyasan ko ang waitress na kaagad naman'g lumapit. Ilang minuto lang din ay nai-serve na ang aming order kaya naman sinimulan ko ng kumain at dahan-dahan ko siyang kinausap."Uhm...Jordan, what if nalaman mong may itinatago pala ako sa'yo? Mapapatawad mo kaya ako?"Huminto ito sa pagsimsim ng kape at diretsong tumingin saakin. "Huh? Ba't mo naman naitanong?""Basta, sagutin mo na lang.""Well, depende siguro sa kasalanan." kibit balikat niyang sagot. "Bakit? May itinatago ka ba saakin?""Hmm...what if nalaman mong wala pala akong amnesia?"Isang malalim na buntonghininga ang agad niyang pinakawalan bago ako sinagot. Pagkata
Read more
Baby Boy
ISANG malusog at guwapo'ng sanggol ang isinilang ko kagabi.Karga ko ito ngayon habang kausap ang doctor na nagpaanak saakin."Sammuel po doktora." Nakangiti'ng sagot ko nang magtanong ang doktora. "That was the name na matagal kong pinag-isipan, once na lalaki ang maging anak ko." Dagdag ko pa."Wow!Very nice name. Ang cute ng baby mo mommy. Kamukhang- kamukha no'ng daddy oh." Nakangiting wika ng doktora at bahagya pang sinulyapan ang natutulog na si Iñigo."Naku, mapagbiro ka talaga doktora. Hin-""Seryoso po ako mommy. Tingnan mo naman'g maigi carbon copy ni sir. Buti na lang tulog si sir, baka parehong-pareho pa pati ang mga mata nila." Dagdag pa ng doktora.Hindi na lang ako kumibo para lumayas na ito sa silid na iyon. Ayokong magising si Iñigo at marinig ang mga pinagsasasabi ng tsismosang doktora na ito. Mabuti na lang at nagpaalam na ito, dahil kung hindi ay baka umandar na naman ang kamalditahan ko.Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan ng ward at si Nicole ang iniluwa no'n.
Read more
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status