All Chapters of He Who Broke My Heart: Chapter 31 - Chapter 36
36 Chapters
CHAPTER 30
"EHRA, nandiyan na ang suitor mo sa labas. Kanina ka pa hinihintay. Infairness, nuknukan pa rin ng guwapo at macho 'yang si fafa Nick na 'yan. Ewan ko ba sa'yo kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa siya sinasagot!" maharot na untag sa kanya ng 48 anyos na ka-opisina niyang si manang Flor na animo'y isang teenager na kinikilig. Isa itong old-maid na ayon dito ay wala nang planong mag-asawa pa. Mas peg daw nitong magpaka-forever single na lang dahil sa ilang beses na laging sawi sa pag-ibig. Natawa siya sa reaksiyon nito. "Five minutes na lang manang at matatapos na ako rito," tugon niya. "Kung p'wede nga lang sa'yo na lang manligaw 'yang tisoy na 'yan manang Flor. At ng wala na akong iniintindi," dugtong niya na tatawa-tawa pa rin habang nakatutok sa harap ng computer. "Aba, kung p'wede nga lang e, noon ko pa siya sinagot at niyayang magpakasal sa'kin. Kaso, imposible. Bakit ba kasi ayaw mo kay tisoy e, nasa kanya na nga ang lahat? Masyado kang choosy, Ehra!" anito n
Read more
CHAPTER 31
"OH MY GOD! Kahit pala saan ka pumunta, magkikita at magkikita pa rin kayo ng Dwight na 'yon. Para kayong pinaglalaruan ng tadhana," eksaheradang bulalas ni Darla habang kausap ni Ehra ang matalik na kaibigan sa phone. Sinadya niya itong kausapin para ikuwento rito ang muling pagku-krus ng mga landas nila ni Dwight sa Central Park. Maging si Darla ay halatang nagulat din sa ibinalita niya. "Feeling ko nga ay may purpose talaga ang lahat ng ito kung bakit nangyayari ngayon. I think isa na ito sa mga signs na hinihintay ko!" ang natutuwang bulalas niya. "Gaga ka ba? Hanggang ngayon ba naman ay umaasa ka pa rin na magkakagusto ulit ang Dwight na 'yon sa'yo? Akala ko ba nagkaliwanagan na tayong dalawa na kalilimutan mo na ang lalaking 'yon? Hindi naman halatang iniilusyon mo pa rin hanggang ngayon ang mokong na 'yon, ano?" "Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, Darla." "Hay naku! Bahala ka na nga sa buhay mo. Kung wala ka talagang balak na itigil 'yang
Read more
CHAPTER 32
TINITITIGAN lang ni Ehra ang kanyang cellphone na nakalapag sa kanyang desk. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan ba niya si Dwight o hindi. Kahit abala siya kanina sa trabaho ay hindi pa rin mapaknit-paknit sa isip niya ang binata. Katunayan, kagabi pa nagtatalo ang isip at puso niya kung kokontakin ba niya ang lalaking muling nagpagulo sa mundo niya simula noong kunin niya ang number nito. Pero ngayon, bakit para siyang nawalan ng lakas ng loob na tawagan ito? “Hija, tititigan mo na lang ba ‘yang cellphone mo maghapon? Ano bang meron at mukhang kanina ka pa titig na titig d’yan?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Manang Flor. Parang ngayon lang nag-sink in sa utak niya na nasa trabaho pala siya. At heto’t kanina pa lumilipad ang utak niya at wala sa konsentrasyon. Bumuntong-hininga siya. “Manang Flor may gusto sana akong itanong sa’yo kung ok lang?” tanong niya. “Ano ‘yon? Go on. Basta huwag lang tungkol sa reports kasi kanin
Read more
CHAPTER 33
MABILIS na bumagsak ang katawan ng kapatid ni Dwight dahil sa sakit na cancer. Kaya naman ilang araw lang simula noong dumating siya sa America ay nakaratay na ito sa kama at maraming mga apparatus na ang nakasaksak sa katawan nito. Tinaningan na rin ng mga doctor ang buhay nito. At ngayon nga ay hirap na hirap ang kalooban ni Dwight at halos madurog ang kanyang puso sa tuwing titingnan niya ang kanyang kuya Dustin na nahihirapan sa kanyang sakit. Kung puwede lang niyang akuin ang karamdaman nito ay ginawa na niya. Malaki ang naitulong ng nakatatandang kapatid sa kanya. At sa lahat ng mga kapatid niya ay dito siya mas close. Kaya naman nahihirapan siya ngayon na nasa ganoong sitwasyon ang kanyang mabait na kuya Dustin. Pero gaya nga ng sabi nito sa kanya, tanggap na di-umano nito ang kapalaran niyang iyon at handa na rin daw itong mawala sa mundo anumang oras. Pagkuwa’y nilapitan ni Dwight ang kanyang kuya na nakaratay sa higaan. Umupo siya sa tabi n
Read more
CHAPTER 34
DINALA si Dwight ng kanyang mga paa sa central park kung saan niya unang nakita si Ehra pagdating niya dito sa New York. Medyo malamig na ang panahon dahil parating na ang winter season. Kokonti pa ang mga tao noong dumating siya sa lugar. Papalubog pa kasi ang sikat ng araw at tinatao lamang ang lugar kapag sumapit na ang gabi. Masarap kasi tumambay doon kapag gabi lalo’t iba’t ibang mga ilaw ang masisipat roon. Idagdag pa ang naglalakihan at naggagandahang water fountain na isa sa atraksiyon ng nasabing park. Para sa kanya ay napaka-peaceful ng nasabing park at madalas din itong tambayan ng mga mag-jowa o lovers. Pumuwesto siya sa isang bench na puwede ang pandalawahan. Pagkaupo niya, kitang-kita niya ang mga taong paroo’t parito na naglalakad sa harapan niya. Iba-ibang lahi pero karamihan ay mga puti. Napabuntong-hininga siya. Kahit alam niyang wala naman talaga siyang pakay sa lugar na iyon ay mas pinili pa rin niyang mag-stay muna doon pansamantala. Nagbabakasaka
Read more
CHAPTER 35
HINDI pa man sumasapit ang alas-kuwatro ay todo ayos na si Ehra. Excited na siyang muling makita si Dwight. Kanina pa niya nasend dito ang location ng opisina nila. At nagreply naman ito agad na susunduin siya before 4:00 nang hapon. Pero ngayon pa lang ay parang gusto na niyang hilahin ang oras para muli na niyang makita ang lalaking laging laman ng kanyang puso’t isipan. Katunayan, pakiramdam niya ay para siyang teenager na sabik na sabik na muling masilayan ang lalaking pinakamamahal . “Aba’t mukhang ayos na ayos ka, ha? May date ka ba mamaya?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala si manang Flor. Napansin agad nito ang ayos niya na kuntodo make-up. Sanay kasi ito na nakikita siyang walang kulorete sa mukha. Ngumiti siya. “Tama ka manang Flor. Let’s just say na may special date ako mamaya.” “Naku, siya ba iyong lalaking tinutukoy mo sa akin noon?” “Oo manang Flor. Si Dwight po.” “Dwight pala ang pangalan. Siguradong guwapo din ‘yon
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status