Share

CHAPTER 33

MABILIS na bumagsak ang katawan ng kapatid ni Dwight dahil sa sakit na cancer. Kaya naman ilang araw lang simula noong dumating siya sa America ay nakaratay na ito sa kama at maraming mga apparatus na ang nakasaksak sa katawan nito. Tinaningan na rin ng mga doctor ang buhay nito.

At ngayon nga ay hirap na hirap ang kalooban ni Dwight at halos madurog ang kanyang puso sa tuwing titingnan niya ang kanyang kuya Dustin na nahihirapan sa kanyang sakit. Kung puwede lang niyang akuin ang karamdaman nito ay ginawa na niya.

Malaki ang naitulong ng nakatatandang kapatid sa kanya. At sa lahat ng mga kapatid niya ay dito siya mas close. Kaya naman nahihirapan siya ngayon na nasa ganoong sitwasyon ang kanyang mabait na kuya Dustin.

Pero gaya nga ng sabi nito sa kanya, tanggap na di-umano nito ang kapalaran niyang iyon at handa na rin daw itong mawala sa mundo anumang oras.

Pagkuwa’y nilapitan ni Dwight ang kanyang kuya na nakaratay sa higaan. Umupo siya sa tabi n
Lee Jacobs

Hi Leesters! Pa-excite nang pa-excite ang story ng ating mga bida. Kaya wala na itong bitawan!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status