Hi Leesters! More exciting chapter on the way. Kaya wala na itong bitawan!
TINITITIGAN lang ni Ehra ang kanyang cellphone na nakalapag sa kanyang desk. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan ba niya si Dwight o hindi. Kahit abala siya kanina sa trabaho ay hindi pa rin mapaknit-paknit sa isip niya ang binata. Katunayan, kagabi pa nagtatalo ang isip at puso niya kung kokontakin ba niya ang lalaking muling nagpagulo sa mundo niya simula noong kunin niya ang number nito. Pero ngayon, bakit para siyang nawalan ng lakas ng loob na tawagan ito? “Hija, tititigan mo na lang ba ‘yang cellphone mo maghapon? Ano bang meron at mukhang kanina ka pa titig na titig d’yan?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Manang Flor. Parang ngayon lang nag-sink in sa utak niya na nasa trabaho pala siya. At heto’t kanina pa lumilipad ang utak niya at wala sa konsentrasyon. Bumuntong-hininga siya. “Manang Flor may gusto sana akong itanong sa’yo kung ok lang?” tanong niya. “Ano ‘yon? Go on. Basta huwag lang tungkol sa reports kasi kanin
MABILIS na bumagsak ang katawan ng kapatid ni Dwight dahil sa sakit na cancer. Kaya naman ilang araw lang simula noong dumating siya sa America ay nakaratay na ito sa kama at maraming mga apparatus na ang nakasaksak sa katawan nito. Tinaningan na rin ng mga doctor ang buhay nito. At ngayon nga ay hirap na hirap ang kalooban ni Dwight at halos madurog ang kanyang puso sa tuwing titingnan niya ang kanyang kuya Dustin na nahihirapan sa kanyang sakit. Kung puwede lang niyang akuin ang karamdaman nito ay ginawa na niya. Malaki ang naitulong ng nakatatandang kapatid sa kanya. At sa lahat ng mga kapatid niya ay dito siya mas close. Kaya naman nahihirapan siya ngayon na nasa ganoong sitwasyon ang kanyang mabait na kuya Dustin. Pero gaya nga ng sabi nito sa kanya, tanggap na di-umano nito ang kapalaran niyang iyon at handa na rin daw itong mawala sa mundo anumang oras. Pagkuwa’y nilapitan ni Dwight ang kanyang kuya na nakaratay sa higaan. Umupo siya sa tabi n
DINALA si Dwight ng kanyang mga paa sa central park kung saan niya unang nakita si Ehra pagdating niya dito sa New York. Medyo malamig na ang panahon dahil parating na ang winter season. Kokonti pa ang mga tao noong dumating siya sa lugar. Papalubog pa kasi ang sikat ng araw at tinatao lamang ang lugar kapag sumapit na ang gabi. Masarap kasi tumambay doon kapag gabi lalo’t iba’t ibang mga ilaw ang masisipat roon. Idagdag pa ang naglalakihan at naggagandahang water fountain na isa sa atraksiyon ng nasabing park. Para sa kanya ay napaka-peaceful ng nasabing park at madalas din itong tambayan ng mga mag-jowa o lovers. Pumuwesto siya sa isang bench na puwede ang pandalawahan. Pagkaupo niya, kitang-kita niya ang mga taong paroo’t parito na naglalakad sa harapan niya. Iba-ibang lahi pero karamihan ay mga puti. Napabuntong-hininga siya. Kahit alam niyang wala naman talaga siyang pakay sa lugar na iyon ay mas pinili pa rin niyang mag-stay muna doon pansamantala. Nagbabakasaka
HINDI pa man sumasapit ang alas-kuwatro ay todo ayos na si Ehra. Excited na siyang muling makita si Dwight. Kanina pa niya nasend dito ang location ng opisina nila. At nagreply naman ito agad na susunduin siya before 4:00 nang hapon. Pero ngayon pa lang ay parang gusto na niyang hilahin ang oras para muli na niyang makita ang lalaking laging laman ng kanyang puso’t isipan. Katunayan, pakiramdam niya ay para siyang teenager na sabik na sabik na muling masilayan ang lalaking pinakamamahal . “Aba’t mukhang ayos na ayos ka, ha? May date ka ba mamaya?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala si manang Flor. Napansin agad nito ang ayos niya na kuntodo make-up. Sanay kasi ito na nakikita siyang walang kulorete sa mukha. Ngumiti siya. “Tama ka manang Flor. Let’s just say na may special date ako mamaya.” “Naku, siya ba iyong lalaking tinutukoy mo sa akin noon?” “Oo manang Flor. Si Dwight po.” “Dwight pala ang pangalan. Siguradong guwapo din ‘yon
Ehra and Dwight were ex-lovers. After 5 years of break-up, muling nagkrus ang mga landas nila. Although naka-move on na siya, hindi pa rin niya maiwasang muling mapalapit sa binata. Lalo’t mas tumindi ang sex-appeal nito. He change a lot, physically. Pero sa bawat pagkakadaupang-palad nila ay para silang aso’t pusa na away-bati. Dwight is already in a relationship with Felicity for 3 years. And they are planning to get married. But on the verge of their relationship, Dwight found out that Felicity is cheating on him with another guy. Dahil dito ay mas lalong napalapit sa isa’t isa sina Ehra at Dwight. At habang tumatagal ay mas lalong nanunumbalik ang dating pagmamahal ni Ehra sa kanyang ex. Aminin man niya o hindi. Pero may pag-asa pa bang muli silang magkabalikan lalo’t mas dumarami ang hadlang sa kanilang dalawa? At paano pa ipaglalaban ni Dwight si Ehra kung huli na ang lahat? Lalo’t nakatanim sa isip ng dalaga na isa itong babaero at paano kung saktan ulit siya nito fo
MALAYANG iginala ni Ehra ang buong paningin sa palibot nang NAIA Terminal 1 pagkababa niya ng nasabing paliparan. It’s been five years simula noong mag-migrate siya sa US kasama ng kanyang buong pamilya. Magkakahalong excitement at kaba ang nararamdaman ng dalaga sa mga oras na iyon. It’s nice to be back, Ehra! Masayang saad niya sa sarili, saka siya humakbang palabas ng paliparan bitbit ang isang malaking maleta at shoulder bag. Her plan is a 2-months vacation. Pero mukhang matatagalan siya lalo’t sobrang namiss niya ang Pinas, especially her old friends. Nasaan na kaya sila? “Monangggg!” Natigilan si Ehra nang marinig niya ang malakas na tinig na iyon na tumawag sa palayaw niya. Bahagya siyang natawa nang marinig ang tila wangwang na tinig ng bestfriend niyang si Darla at ang palayaw na sinambit nito. Iyon ang palayaw niya na limang-taon na ring walang tumatawag sa kanya ng ganoon. Her friends and relatives in States used to call her first nam
ILANG minuto munang nag-usap si Darla at Dwight bago pumasok ng kotse ang matalik niyang kaibigan. Hindi na niya pinag-aksayahan na tingnan si Dwight nang pumasok na rin ito sa kotse nito. Nagpupuyos pa rin siya sa galit dahil sa kayabangan nito. Nasira tuloy ang mood niya. “Ibang klase ka talaga, beshy. Akala ko ay magkaka-World War 111 na kanina. Hindi naman halatang hanggang ngayon ay nasusuklam ka pa rin kay Dwight, no?” tatawa-tawang sabi ni Darla nang paandarin na nito ang makina ng sasakyan. Sambakol pa rin ang mukha niya! “Pero aminin mo, teh. Diba mas guwapo at hot ngayon si Dwight? My gas! Akala ko talaga kanina ay artista na iyong kaharap natin,” eksaheradang dugtong pa nito. “Alam mo, kesa lumalandi ka riyan, no. Bakit hindi mo man lang ako sinuportahan kanina? At dahil lang sa simpleng sorry na halata namang hindi sincere, ay nakipag-areglo ka na agad sa hambog na iyon?” pag-iiba niya. “E, ano ba’ng gusto mong ga
NAPAKUNOT-NOO siya nang makumpirmang sasama sa isang kotse si Dwight. Akala niya ay dala nito ang sariling kotse. Pero ito pa mismo ang nag-drive sa kotse ni Darla. Doon siya sa likuran umupo at sa tabi naman ni Dwight pumuwesto si Darla. “Kakilala ni Dwight ‘yung may-ari ng talyer kaya mas maganda kung isasama natin siya para mas mabilis tayong makarating sa shop,” tila alam na ni Darla ang nasa isip niya. “Don’t worry beshy, hindi tayo magtatagal doon.” Hindi siya umimik. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya at ease na kasama si Dwight. Kung puwede lang magbago ng isip. Naiinis siya sa sarili na ewan. Kahit kasi anong pilit niyang huwag mainis kay Dwight ay kusang nararamdaman ng dibdib niya ang gayong pakiramdam. She was really confident before that she can act normal na parang walang nangyari o namagitan sa kanila ni Dwight. Pero ngayong muling nagkrus ang kanilang landas, ayaw man niyang aminin, lumalabas na naiinis at nabubuwisit pa rin pala siya sa lalaking