Share

CHAPTER 32

TINITITIGAN lang ni Ehra ang kanyang cellphone na nakalapag sa kanyang desk. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan ba niya si Dwight o hindi. Kahit abala siya kanina sa trabaho ay hindi pa rin mapaknit-paknit sa isip niya ang binata. Katunayan, kagabi pa nagtatalo ang isip at puso niya kung kokontakin ba niya ang lalaking muling nagpagulo sa mundo niya simula noong kunin niya ang number nito.

Pero ngayon, bakit para siyang nawalan ng lakas ng loob na tawagan ito?

“Hija, tititigan mo na lang ba ‘yang cellphone mo maghapon? Ano bang meron at mukhang kanina ka pa titig na titig d’yan?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Manang Flor. Parang ngayon lang nag-sink in sa utak niya na nasa trabaho pala siya. At heto’t kanina pa lumilipad ang utak niya at wala sa konsentrasyon.

Bumuntong-hininga siya. “Manang Flor may gusto sana akong itanong sa’yo kung ok lang?” tanong niya.

“Ano ‘yon? Go on. Basta huwag lang tungkol sa reports kasi kanin
Lee Jacobs

Hi Leesters! Please help me share this story! Thank-you!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status