Share

CHAPTER 30

"EHRA, nandiyan na ang suitor mo sa labas. Kanina ka pa hinihintay. Infairness, nuknukan pa rin ng guwapo at macho 'yang si fafa Nick na 'yan. Ewan ko ba sa'yo kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa siya sinasagot!" maharot na untag sa kanya ng 48 anyos na ka-opisina niyang si manang Flor na animo'y isang teenager na kinikilig. Isa itong old-maid na ayon dito ay wala nang planong mag-asawa pa. Mas peg daw nitong magpaka-forever single na lang dahil sa ilang beses na laging sawi sa pag-ibig.

Natawa siya sa reaksiyon nito. "Five minutes na lang manang at matatapos na ako rito," tugon niya. "Kung p'wede nga lang sa'yo na lang manligaw 'yang tisoy na 'yan manang Flor. At ng wala na akong iniintindi," dugtong niya na tatawa-tawa pa rin habang nakatutok sa harap ng computer.

"Aba, kung p'wede nga lang e, noon ko pa siya sinagot at niyayang magpakasal sa'kin. Kaso, imposible. Bakit ba kasi ayaw mo kay tisoy e, nasa kanya na nga ang lahat? Masyado kang choosy, Ehra!" anito n
Lee Jacobs

Hi Leesters! Please don't forget to share this story to your friends! Thank-you!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status