Lahat ng Kabanata ng HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon): Kabanata 71 - Kabanata 80
84 Kabanata
KABANATA 71
Sky's POVKeith Kincaid...Hindi na naalis sa isip niya ang pangalan na nabasa niya sa puntod kung saan nakita niyang grabe ang iyak ni Braille.Ang mas nakakapukaw ng kuryusidad niya ay kung bakit may mga regalo roon na nakapangalan sa kanya? Ang bilang din ng mga regalong iyon ay tumutugma sa bilang ng taon kung kailan nawala siya ng bansa.Hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Braille na anak ng isa sa mga kaibigan nito ang sanggol sa puntod.Bakit iiyak ito nang gano'n na para bang ito ang ina?Bakit ando'n ang pangalan niya sa mga regalo? Ano ang kinalaman niya sa sanggol?Bumalik din sa isip niya ang ilang buwang hindi na nagparamdam si Braille sa kanya kahit nasa Pilipinas pa siya.Mula nang makita niya ito sa isang nakakaeskandalong eksena, kasama ang lalaking kinabubwisitan pa rin niya kapag naiisip hanggang ngayon ay walang araw na hindi nangungulit si Braille.Para siyang mauulol sa galit nang mga panahong iyon. Ayaw niyang makita at makausap ito dahil baka kung ano pa ang mas
Magbasa pa
KABANATA 72
Kahit hindi siya gaano'ng nakatulog kagabi ay maaga pa rin siyang nagising.Hindi siya pinatulog sa kakaisip ng maaaring dahilan kung bakit umiyak si Sky kagabi.Pagkaligo ay tinawagan niya agad si Ivan. Alam niyang naghihintay ito ng tawag niya dahil hindi sila nagkausap kagabi. Mabuti na lang at sanay na itong magising nang maaga.Halos isang oras din ang ginugol nila sa video call. Nang tingnan niya ang oras ay pasado alas otso na ng umaga. Naisip niya agad si Sky. Hindi niya alam kung saang cottage ito tumutuloy. Hindi rin niya alam kung ilang araw itong mananatili roon.Gusto niya itong kausapin. Gusto niyang sabihin na tumigil na ito para sa ikatatahimik na rin nilang dalawa.Hindi siya kumain ng breakfast. Nagpahatid lang siya ng kape sa cottage para mainitan ang tiyan niya.Ayaw niya munang makaharap sina Cynthia at Melanie. Siguradong uulanin siya ng tukso ng dalawa lalo at nauna siyang umuwi kagabi kasama ni Sky.Dumiretso siya agad sa tinatrabaho niyang lugar. Sabado nang
Magbasa pa
KABANATA 73
Halos tatlong buwan din siyang nawala sa Pilipinas. Umalis siya ng bansa no'ng panahong gusto niyang takasan ang lahat ng sakit. Nagawa pa rin naman niyang magpaalam nang maayos kay Ivan bago siya lumipad. Iyak ito nang iyak pero nangako siyang babalik din naman siya agad. Sa ilang buwang pananatili niya sa ibang bansa ay araw-araw niyang kinakausap ang bata. Nananabik din kasi siya rito kahit hindi niya ito anak. Nagkasya na muna sila ni Ivan sa video calls araw-araw. Kahit magkaiba ang oras nila ay siya ang nag-aadjust sa time niya para lang makausap ito lagi.Nagpaalam siya nang maayos kay Trevor pagkatapos ng insidente sa resort. Siya na rin ang humingi ng paumanhin sa gulong kinasangkutan nila ni Sky dahil kay Brandon. Mabuti na lang at likas na mabait ang kliyente niyang iyon at naintindihan nito ang sitwasyon. Ayaw niya sanang tanggapin na lang ang bayad nito sa trabaho niya dahil hindi rin naman niya nasunod ang kontrata pero ipinilit nito dahil masaya naman daw ito sa gawa n
Magbasa pa
KABANATA 74
Audrey's POV"Where have you been, young lady? What time is it?"Agad na sumalubong sa kanya ang galit na galit na mukha ng amang Australyano.Walang ano mang tiningnan nga niya ang relo."It's four in the morning, Dad. Did you just wait for me to ask the time?" Pangarag-ngarag pa ang paglalakad niya.Galing siya sa isang bar kasama ang mga barkada niya. "Audrey!" Galit na tawag ng Mommy niya sa kanya.Namumungay ang mga matang napatitig lang siya sa bunganga ng ina. Buka iyon nang buka pero wala na siyang nauunawaan.Lango siya sa alak at sa kung ano man iyong gamot na ibinigay sa kanya ng isang kaibigan kanina.Hindi niya pinansin ang mga ito. Dumiretso siya sa kwarto at padapang humiga sa kama.Sinundan siya ng ina niya. Talak pa rin ito nang talak."Hindi ka na tumulad do'n sa pinsan mong si Braille. Hindi iyon sakit ng ulo ng kapatid ko."Pangalan lang ng pinsan niya ang pumasok sa tenga niya. Mabilis na kinuha niya ang unan at itinakip sa tenga. Pagod na pagod na siyang ikumpar
Magbasa pa
KABANATA 75
"Hindi ko po pala kayang ipagawa ang sinasabi ninyo, Mam." Nakayukong sabi ni Manang Guada sa kanya."Kadali-dali lang ng pinapagawa ko sa'yo! Ihalo mo lang sa ipapainom mo sa kanya iyong gamot!" Inis na inis siya habang kinakausap ang katiwalang kinuha para makasama ni Braille sa bahay niya sa Tagaytay.Inutusan niya itong ihalo ang gamot sa pagkain or inumin ng babae. Ang akala niya ay sinunod ng katiwala ang ibinilin niya pero hindi pala."H-hindi ko po kaya. Maghanap na lang po kayo ng iba." Nanatiling nakayuko ang matanda.Napahinga siya nang malalim. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Ang gamot na ibinigay niya sa matanda ay pampalaglag. Hindi pwedeng siya ang gumawa no'n dahil ang gusto niya ay ang matanda ang madidiin kung sakaling mapurnada at mabistong dahil sa gamot kaya nakunan si Braille."Sige, ganito na lang. Hilutin mo ang tiyan niya. Sabihin mo na makakabuti iyon sa posisyon ng bata pero ang gagawin mo ay hihilutin mo para malaglag iyon. I'm sure alam mo iyan since
Magbasa pa
KABANATA 76
Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong
Magbasa pa
KABANATA 77
Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara
Magbasa pa
FINALE
Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi
Magbasa pa
Pasasalamat
Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN
Magbasa pa
SPECIAL CHAPTER 1 (Arch-Angel)
Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status