Semua Bab NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY: Bab 51 - Bab 60
115 Bab
CHAPTER 51
“BAKIT KAHIT na anong gawin ko, hindi ako maging masaya, ha Genis?” Umiiyak na tanong ni Wendy, kinuyumos nito ang hawak na papel, “Bakit lahat ng mahal ko, iniiwan ko? Ano bang nagging malaking kasalanan ko?” Pagkatapos umiyak ay bigla itong tumawa ng malakas, “Sige, iwanan nyo na lang ako. Pareho-pareho lang kayo!!!! Si Papa, nasaan siya ngayon? Bakit hindi man lang niya ako dinadalaw ditto?” Sigaw nito sa kanya. Hindi umimik si Genis. Paulit-ulit lang naman si Wendy sa mga sinasabi nito. Apat na taon na ito sa sanitarium. Ipinasok niya ito duon pagkatapos nitong malulong sa bisyo at mawala sa katinuan. Marahil ay hindi nito natanggap ang pagkamatay ng ama nito. Ang kanyang Ninang Linda naman ay bigla na lamang nawala at hanggang ngayon ay di pa rin niya alam kung nasaan. Kahit naman trinaydor siya ng kanyang Ninong Ben ay nag-aalala pa rin siya para sa kalagayan ni Wendy dahil kahit paano, kung wala ito nuon sa tabi niya, baka napariwara na rin siya. Si Wend
Baca selengkapnya
CHAPTER
“CANCER?” Ilang beses napakurap si Amanda habang nakikinig sa kwento ni Tom. Bigla ay naisip niya si Genis. God, paano tinatanggap ng lalaki ang kalagayang iyon ni Carina? Alam niya kung gaano nito kamahal si Carina kaya tiyak niyang nahihirapan itong makita ang pinagdadaanang iyon ng babae. Ngunit naisip niyang maswerte pa rin naman si Carina dahil kasama nito at nasa tabi lamang nito ang lalaking mahal nito. “Kaya nga gusto gusto na rin nilang maayos ang annulment papers ninyo para makapagpakasal sila sa lalong madaling panahon,” sabi pa ni Tom. At ewan ba niya kung bakit kahit na di naman kataka-taka iyon ay pakiramdam niya ay may matalas na bagay pa rin ang humiwa sa kanyang dibdib. Kanina ngang nakikita niya kung paanong mag-asikaso si Genis kay Carina ay pinapatay siya ng selos na nararamdaman. Alam niyang masasaktan ng husto si Genis sa oras na may mangyaring masama sa babae. Hinawakan ni Tom ang isang kamay niya at dinala n
Baca selengkapnya
CHAPTER 53
“MAARI KO bang mahiram ang anak ko bukas?” Tanong ni Genis nang tawagan siya nito umaga ng Sabado. Kahapon lang ay nagmessage siya rito para ipaalala ang tungkol sa annulment papers nila ngunit hindi naman ito nagreply tungkol duon. “Hindi ba dapat pinag-uusapan na natin ngayon pa lang ang tungkol sa annulment?” aniya rito, “Pirmahan mo na ang documents para maprocess na iyon sa lalong madaling panahon!” naiinip na sabi niya rito. “Hindi ka na talaga makapaghintay na makasal kay Tom. Bakit, mas magaling ba sya sa kama kesa sakin?” May sarcasm sa tonong tanong nito sa kanya. Nagpanting ang mga tenga niya. Gusto sana niyang isagot ditto na ni minsan man ay hindi niya ibinigay ang kanyang sarili sa iba ngunit naisip niyang hindi niya ito bibigyan ng satisfaction na malaman ang kung anuman sa kanila ni Tom. “Kung anuman ang nangyayari sa aming dalawa ni Tom, labas ka na dun. Pero isang bagay lang ang gusto kong tiyakin saiyo, napakalaki n
Baca selengkapnya
CHAPTER 54
KINAILANGANG MAGBAKASYON ng Yaya ni Gertrude sa Cebu dahil malubha raw ang lagay ng nanay nito kung kaya’t siya lamang ang nag-aalaga sa anak. Wala tuloy siyang choice kundi pakiharapan si Genis nang sunduin nito ang bata para sa napag-usapan nilang schedule. Naghihintay sa lobby ang lalaki nang datnan niya. “Daddy!” Excited na sigaw ni Gertrude habang tumatakbo patungo sa ama. Pinilit lamang niyang maging kalmado but damn, nakita niya nang tingnan siya nito. Iyong klase ng tingin na waring tumagos hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang mga kalamnan. Kinailangan pa niyang huminga ng malalim para hindi ito makahalata sa epekto niyon sa kanya. Bakit ba naman kasi napakaguwapo nito? “Wala ang Yaya niya kaya hindi siya pwedeng mag-overnight sa bahay mo mamaya,” aniya rito. “Mahirap na, baka maglasing ka at makalimutan mong. . .” “Ganyan b aka-iresponsible ang tingin mo sakin?” iritadong tanong nito sa kanya, “Never akong uminom kapag kasam
Baca selengkapnya
CHAPTER 55
“NASAAN SI GERTRUDE?” Pormal na tanong ni Amanda sa lalaki. “Natutulog na. Nalibang ka yatang masyado sa date mo kaya nakalimutan mong may anak ka,” sarcastic na sagot sa kanya ni Genis. Nagpanting ang mga tenga niya. Wala itong karapatang sumbatan siya bilang ina. “Hindi moa lam kung anu-anong mga isinakripisyo ko para sa anak ko!” Inis na sabi niya rito saka pumasok sa loob para kuhanin ang bata. Dumilim ang anyo niya nang makita ang alak sa bar table. “May alaga kang bata pero umiinom ka? Hindi ka pa rin nagbabago! Napaka-iresponsable mo pa rin at napaka-selfish!” Sumbat niya rito. Marahas siyang hinawakan sa braso ni Genis. “How about you? Nagawa mong itago sakin si Gertrude ng limang taon? Ano sa palagay moa ng mararamdaman ko?” Galit na tanong nito sa kanya. “And what do you expect me to do, tawagan ka at ipaalam saiyo ang tungkol sa anak natin? Ni hindi mo nga ako kinikilala bilang asawa, hindi ba?” Singhal niya
Baca selengkapnya
CHAPTER 56
NILUNOD ni Genis ang sarili sa alak para kahit na paano ay maibsan ang pangungulila niya. Wala pa rin siyang lakas ng loob na ipaalam ang nangyari sa kanya five years ago. Kung alam lang ni Amanda na sinuong niya ang panganib, ni hindi siya natakot kay kamatayan matiyak lamang ang kaligtasan nito. Ngunit hindi na iyon kailangang malaman pa ni Amanda. Ayaw naman niyang kaawaan lamang siya nito. Ayaw niyang magbago ang pagtingin nito sa kanya dahil naawa lamang ito sa kanya. Iyon yata ang pinakahuli niyang gagawin. Napatingin siya sa hawak na baso. Pakiramdam niya ay napaka-empty ng buhay niya. Oo nga at umaapaw ang pera niya and yet pakiramdam niya ay para ba saan ang lahat ng iyon ngayon kung ganito naman kalungkot ang buhay niya? Umiikot na ang paningin niya nang maubos niya ang isang boteng alak kaya naman nang tumayo siya ay nagpagewang-gewang siya at natumba sa sahig. Ni hindi na niya naririnig ang kanyang phone na kanina pa tumutunog.
Baca selengkapnya
CHAPTER 57
NAKITA NI GENIS na sumandal si Carina sa dingding at waring nahihirapang humawak ito sa dibdib. Biglang nawala ang inis niya rito, napalitan iyon ng pag-aalala, “Hey, Carina, what’s happening?” “Please call my doctor,” nanghihinang sabi nito sa kanya, “I need to see him now. I can’t breathe,” dagdag pa nito. Natatarantang pinaupo niya ito sa couch saka tinawagan ang doctor nito. Mabuti na lamang at mabilis itong sumagot. Tumawag rin siya ng ambulance para madala si Carina sa ospital. Nagi-guilty tuloy siya. Alam niyang may kinalaman siya kaya ito nagkaganuon. Sumakay na rin siya ng ambulance, hawak niya ang isang kamay nito habang patungo sa ospital. Gusto niyang sapakin ang sarili habang nakikitang nahihirapan si Carina. Wala na ba talaga siyang alam gawin kundi ang magpahirap sa mga damdamin ng mga ito? “You’ll be fine, okay,” sabi niya rito habang awing-awang nakatingin ditto. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyar
Baca selengkapnya
CHAPTER 58
KAARAWAN NI CARINA at hindi matanggihan ni Amanda ang paanyaya ng dalaga na dumalo sa birthday party nito. Alas-singko pa lamang ay naroroon na si Tom para sunduin siya. Isang simpleng strapless silver gown ang isinuot niya. May mahaba itong slit sa gilid kaya kapag naglalakad siya ay lumalabas ang bilugan at mahaba niyang kaliwang hita. Tinernuhan niya iyon ng 4 inches Valentino silver shoes. Regalo iyon ni Tom sa kanya nuong nakaraang pasko kasama ng silver Channel bag na siya ring ginamit niya ngayon. Isang dangling earrings lang ang burloloy niya. Manipis lang din ang inilagay niyang make up. Ewan ba niya ngunit di siya komportableng magsuot ng makapal na make up. Hindi naman niya kasi kinahiligan ang maglalagay ng make up. Kung hindi nga lamang pormal ang okasyon na ito ay nunkang magme-make up pa siya. Pakiramdam kasi niya ay nakakatanda ang make-up at nakakasira ng balat kaya never siyang gumagamit niyon kung di naman hinihingi ng pagkakataon.
Baca selengkapnya
CHAPTER 59
“NO. THIS IS YOUR PARTY. Hindi magandang iwanan mo ang mga kaibigan mo,” sabi ni Genis sa babae, nilapitan niya ito at hinalikan sa nuo, “Just enjoy the party and don’t worry about me, okay? Tumatanda na siguro ako kaya hindi na ako nag-eenjoy masyado sa mga ganitong bagay,” pagdadahilan niya sa dalaga. “I think I’ll go ahead. I’ll see you tomorrow, okay?” “Genis?” Nagproprotesta ang mukha nito. Hinawakan niya ang baba ni Carina at itinaas ang mukha nito paharap sa kanya, “Sweetheart, it’s your special day. Pasensya ka na kung killjoy ako. Talaga lang hindi maganda ang gising ko ngayon kaya as much as I want to, hindi ko na kayang makipagsabayan. I’ll see you tomorrow, okay?” aniya at muli itong hinalikan, this time sa mga labi. Buong init naman siyang ginantihan ng halik ni Carina. Ngunit bago pa makarating sa kung saan ang halik na iyon ay mabilis na siyang kumalas ditto, “Baka hinahanap ka na ng mga friends mo. Hindi na ako magpapaalam sa
Baca selengkapnya
CHAPTER 60
“ILANG BESES ko bang kailangang ulit-ulitin saiyo ang lahat bago mo maintindihan Mrs. Locsin?” Singhal ni Genis sa kanyang bagong sekretarya saka napipikong lumabas ng kanyang opisina at nagpahatid kay Mang Doy sa bagong pub house na ipinatatayo niya. Kahapon pa niya gustong makita si Gertrude ngunit may kailangan siyang tapusin na trabaho kahapon kaya nangako na lamang siya na manunuod sila ng sine ngayon. Ngunit nagkaproblema nga sa mga dokumentong kailangan niyang pirmahan kaya napasugod siyang bigla sa opisina. Ngayon naman ay kailangan niyang tingnan ang construction ng pub house since may mga nilabag raw ang construction ng kanilang building ayon sa city engineer na nag-inspect ditto. Alam naman niyang humihingi lang ito ng karagdagang lagay. Kabisadong-kabisado na niya ang mga kalakarang ganito. Hanggang nawala na sa isip niya ang usapan nila ni Gertrude dahil sa dami ng trabahong kinaharap niya. Alas-kuwatro na ng hapon nang maalala niya ang usapan
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
45678
...
12
DMCA.com Protection Status