All Chapters of THE MAFIA'S MISTAKEN WIFE: Chapter 11 - Chapter 13
13 Chapters
Chapter 11
Florence's Pov "Nakita mo na ang nangyari, Feelin? Dahil sa katigasan ng ulo mo ay muntik ka nang mapahamak! Paano kung hindi ako tinawagan ng aking tauhan para ipaalam sa akin na kausap mo si Gilbert? Di natangay ka na niya kanina?" mataas ang boses na sermon sa akin ni Joaquin pagkaupo ko sa sofa. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad akong itinulak ni Joaquin paupo sa sofa. Hindi maipinta ang mukha nito sa galit. Ngunit hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya kahit na mukhang gusto na niya akong sakalin. Sa halip na takot ay inis ang nararamdaman ko sa kanya. Imbis kasi na mag-alala siya sa akin dahil muntik na akong makidnap ni Mr. Salazar ay pinapagalitan pa niya ako. Ngayon ko lamang nasiguro na magkaaway nga ang dalawa. Baka hindi lang magkaaway kundi mortal na magkaaway. Pero ano nga ba ang pinag-aawayan nilang dalawa? Negosyo? Anong klaseng negosyo ba mayroon silang dalawa at tila magpapatayan sila kapag may pagkakataon? "Salamat sa pagliligtas mo sa akin pero hindi mo n
Read more
Chapter 12
Florence's PovPagkatapos ng mainit na eksena na nangyari sa amin ni Joaquin ay iniwasan kong magtagpo ang mga landas namin sa loob ng bahay. Kapag alam kong nasa bahay siya ay nasa loob lamang ako ng silid ko. Saka pa lamang ako lalabas kapag alam kong nakaalis na siya. Masama pa rin ang loob ko dahil sa kanyang mga sinabi. Wala akong ginawa kundi ang matulog at manuod ng palabas. Nabo-bored ako ngunit ayoko namang lumabas. Hindi dahil nag-aalala ako na baka magtagpo na naman ang landas ko at ng Salazar na iyon kundi dahil tinatamad lang talaga akong umalis. Mas gusto kong mahiga na lamang sa malambot kong kama. Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at naligo. Tinitigan ko ang aking mukha sa harap ng malaking salamin. Wala na ang sugat na nilikha ng kuko nang babaeng nabangga ko sa mall. Pagkatapos lumabas ni Joaquin sa aking silid matapos niya akong pagsalitaan ng hindi maganda ay kumatok naman si Manang Aida at binigyan ako ng ointment na ipinabibigay raw ni Joaquin. Hindi ko tinan
Read more
Chapter 13
Florence's PovBiglang nanlamig ang aking buong katawan nang makita ko si Ramon malapit sa aking likuran. Gusto kong kastiguhin ang aking sarili dahil hindi ako nag-ingat. Heto tuloy at nakita ako ng matandang ito na aking pinagtataguan."Akala mo ay makakapagtago ka sa akin ng matagal, Florence? Nagkakamali ka. At ngayong nakita na kita ay itutuloy natin ang ating naudlot na kasal at ipapalasap ko sa'yo kung paano maging asawa ang isang katulad ko," mariing sabi ni Ramon habang madilim ang mukha. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at huminto sa aking harapan samantalang naglulumikot naman ang aking mga mata. "In your dreams!" mariin kong sagot pagkatapos ay bigla kong sinipa ng malakas ang kanyang paglalaki at tumakbo ng mabilis. Nilapitan naman ng mga tauhan niya si Ramon na biglang napaluhod sa semento dahil sa sobrang sakit ng pagkakalaki nitong sinipa ko ng malakas."Huwag ako ang asikasuhin ninyo, mga gago! Habulin ninyo ang babaeng iyon!" galit na utos ni Ramon sa mga tauhan n
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status