Share

Chapter 13

Florence's Pov

Biglang nanlamig ang aking buong katawan nang makita ko si Ramon malapit sa aking likuran. Gusto kong kastiguhin ang aking sarili dahil hindi ako nag-ingat. Heto tuloy at nakita ako ng matandang ito na aking pinagtataguan.

"Akala mo ay makakapagtago ka sa akin ng matagal, Florence? Nagkakamali ka. At ngayong nakita na kita ay itutuloy natin ang ating naudlot na kasal at ipapalasap ko sa'yo kung paano maging asawa ang isang katulad ko," mariing sabi ni Ramon habang madilim ang mukha. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at huminto sa aking harapan samantalang naglulumikot naman ang aking mga mata.

"In your dreams!" mariin kong sagot pagkatapos ay bigla kong sinipa ng malakas ang kanyang paglalaki at tumakbo ng mabilis. Nilapitan naman ng mga tauhan niya si Ramon na biglang napaluhod sa semento dahil sa sobrang sakit ng pagkakalaki nitong sinipa ko ng malakas.

"Huwag ako ang asikasuhin ninyo, mga gago! Habulin ninyo ang babaeng iyon!" galit na utos ni Ramon sa mga tauhan n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status