Mag-log inTumakas si Florence sa kasal niya sa lalaking hindi niya mahal ngunit para lamang maging bride ng isang estrangherong lalaki sa araw ng kasal nito. No choice si Florence kundi ang magpakasal sa lalaking Joaquin El Greeco ang pangalan dahil nasa harapan na siya ng pari at ng guwapong groom. Ngunit paano kung malaman niya na ang lalaking pinakasalan niya ay isa palang pinuno ng mafia at kaya siya pinakasalan ay para paghigantihan dahil iniisip nitong anak siya ng taong kinamumuhian nito? Ano ang gagawin niya sakaling bumalik ang totoong bride nito gayong nararamdaman niyang umiibig na siya rito sa kabila ng paiba-ibang ugaling ipinapakita nito sa kanya? At bakit kamukha niya ang babaeng dapat sana ay bride ni Joaquin El Greeco?
view moreFlorence's PovBiglang nanlamig ang aking buong katawan nang makita ko si Ramon malapit sa aking likuran. Gusto kong kastiguhin ang aking sarili dahil hindi ako nag-ingat. Heto tuloy at nakita ako ng matandang ito na aking pinagtataguan."Akala mo ay makakapagtago ka sa akin ng matagal, Florence? Nagkakamali ka. At ngayong nakita na kita ay itutuloy natin ang ating naudlot na kasal at ipapalasap ko sa'yo kung paano maging asawa ang isang katulad ko," mariing sabi ni Ramon habang madilim ang mukha. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at huminto sa aking harapan samantalang naglulumikot naman ang aking mga mata. "In your dreams!" mariin kong sagot pagkatapos ay bigla kong sinipa ng malakas ang kanyang paglalaki at tumakbo ng mabilis. Nilapitan naman ng mga tauhan niya si Ramon na biglang napaluhod sa semento dahil sa sobrang sakit ng pagkakalaki nitong sinipa ko ng malakas."Huwag ako ang asikasuhin ninyo, mga gago! Habulin ninyo ang babaeng iyon!" galit na utos ni Ramon sa mga tauhan n
Florence's PovPagkatapos ng mainit na eksena na nangyari sa amin ni Joaquin ay iniwasan kong magtagpo ang mga landas namin sa loob ng bahay. Kapag alam kong nasa bahay siya ay nasa loob lamang ako ng silid ko. Saka pa lamang ako lalabas kapag alam kong nakaalis na siya. Masama pa rin ang loob ko dahil sa kanyang mga sinabi. Wala akong ginawa kundi ang matulog at manuod ng palabas. Nabo-bored ako ngunit ayoko namang lumabas. Hindi dahil nag-aalala ako na baka magtagpo na naman ang landas ko at ng Salazar na iyon kundi dahil tinatamad lang talaga akong umalis. Mas gusto kong mahiga na lamang sa malambot kong kama. Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at naligo. Tinitigan ko ang aking mukha sa harap ng malaking salamin. Wala na ang sugat na nilikha ng kuko nang babaeng nabangga ko sa mall. Pagkatapos lumabas ni Joaquin sa aking silid matapos niya akong pagsalitaan ng hindi maganda ay kumatok naman si Manang Aida at binigyan ako ng ointment na ipinabibigay raw ni Joaquin. Hindi ko tinan
Florence's Pov "Nakita mo na ang nangyari, Feelin? Dahil sa katigasan ng ulo mo ay muntik ka nang mapahamak! Paano kung hindi ako tinawagan ng aking tauhan para ipaalam sa akin na kausap mo si Gilbert? Di natangay ka na niya kanina?" mataas ang boses na sermon sa akin ni Joaquin pagkaupo ko sa sofa. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad akong itinulak ni Joaquin paupo sa sofa. Hindi maipinta ang mukha nito sa galit. Ngunit hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya kahit na mukhang gusto na niya akong sakalin. Sa halip na takot ay inis ang nararamdaman ko sa kanya. Imbis kasi na mag-alala siya sa akin dahil muntik na akong makidnap ni Mr. Salazar ay pinapagalitan pa niya ako. Ngayon ko lamang nasiguro na magkaaway nga ang dalawa. Baka hindi lang magkaaway kundi mortal na magkaaway. Pero ano nga ba ang pinag-aawayan nilang dalawa? Negosyo? Anong klaseng negosyo ba mayroon silang dalawa at tila magpapatayan sila kapag may pagkakataon? "Salamat sa pagliligtas mo sa akin pero hindi mo n
Florence's Pov"Ikaw pala iyan, Mr. Salazar. Nag-shopping ka rin ba katulad ko?" nakangiting tanong ko sa lalaki ngunit pilit lamang ang ngiting ibinigay ko sa kanya."Shopping?" nakataas ang kilay na sagot niya sa akin pagkatapos ay lalong ngumisi. Hindi ko maintindihan ngunit tila nakakatakot ang kanyang ngiti. "Ah, shopping. You're right. Nag-shopping nga ako katulad ng ginawa mo. Wala ka bang kasamang mag-shopping? I mean, hindi mo ba kasama ang asawa mo?"Pinaandar ko ang aking isip. Ang sabi ni Joaquin ay delikadong tao si Gilbert Salazar kaya baka kung ano ang gawin niya sa akin kapag nalaman niyang hindi ko kasama si Joaquin at mag-isa lamang akong nagpunta rito."Hindi. Kasama ko si Joaquin. Sinamahan niya akong mag-shopping. Nasa loob pa siya at may kinakausap lamang kaya nauna na akong lumabas sa kanya," kinakabahang sagot ko sa kanya. Hindi naman siguro niya ako gagawan ng masama sa harapan ng mga nagdaraang tao. Marami kasing tao ang pumapasok at lumalabas sa mall nang mg
Florence's POVNagpaalam ako kay Manang Aida na aalis ako saglit dahil may pupuntahan ako. Wala si Joaquin at ilang araw ko na siyang hindi nakikitang umuuwi sa bahay kaya kay Manang Aida na lamang ako nagpaalam para sakaling dumating ito at hanapin ako ay may maisasagot ang mayordoma kung nasaan ako
Florence's POVWala akong kibo habang lulan kami ng kotse ni Joaquin pabalik sa bahay niya. Wala na si Gilbert pagbalik ko kanina kasama si Manng Aida. Kahit gusto kong magtanong kay Joaquin kung sino ang lalaking iyon o kung kaaway ba niya ito ngunit hindi na lamang ako nagsalita. Masama kasi ang lo
Florence's POVMadilim ang mukha na nilapitan ako ni Joaquin at waang babala na hinawakan niya ako sa braso pagkatapos ay hinila palayo sa hindi nakahumang si William. Nang lingunin ko siya ay nakatunganga pa rin siya sa amin habang nakalarawan ang labis na pagtataka sa mukha nito. Sinenyasan ko na l


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu