Share

Chapter 12

Florence's Pov

Pagkatapos ng mainit na eksena na nangyari sa amin ni Joaquin ay iniwasan kong magtagpo ang mga landas namin sa loob ng bahay. Kapag alam kong nasa bahay siya ay nasa loob lamang ako ng silid ko. Saka pa lamang ako lalabas kapag alam kong nakaalis na siya. Masama pa rin ang loob ko dahil sa kanyang mga sinabi.

Wala akong ginawa kundi ang matulog at manuod ng palabas. Nabo-bored ako ngunit ayoko namang lumabas. Hindi dahil nag-aalala ako na baka magtagpo na naman ang landas ko at ng Salazar na iyon kundi dahil tinatamad lang talaga akong umalis. Mas gusto kong mahiga na lamang sa malambot kong kama.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at naligo. Tinitigan ko ang aking mukha sa harap ng malaking salamin. Wala na ang sugat na nilikha ng kuko nang babaeng nabangga ko sa mall. Pagkatapos lumabas ni Joaquin sa aking silid matapos niya akong pagsalitaan ng hindi maganda ay kumatok naman si Manang Aida at binigyan ako ng ointment na ipinabibigay raw ni Joaquin. Hindi ko tinan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status