Share

16 - The Douchebag Pt. 2

"Nasaan si Lilia?" tanong ni Amelia nang hindi n’ya makita ang isang kaibigan.

"Nagbanyo lang," sagot sa kanya ni Noah na abala sa pagsubo ng french fries nito.

Kaagad na nagtungo si Amelia sa banyo at hinanap ang matalik na kaibigan. Pagpasok n'ya palang ay rinig na n'ya ang mahinang paghikbi ng kung sino sa isa sa mga cubicle. Alam n'yang si Lilia ang umiiyak. Imbis na katukin ito ay mas pinili n'yang umalis na lang.

"Hoy! Saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Noah nang makitang paalis na s'ya. "Yong pangbayad sa kinain namin!"

"Palista muna!" Balik na sigaw ni Amelia bago tuluyang umalis.

Wala naman talaga s'yang balak na magtagal pa 'ron dahil sigurado s'ya sa mga oras na 'to ay baka tumawag na si Torre sa pulis para ipa-blater s'ya matapos n'yang basagin ang mukha nito. Gusto n'yang makausap si Lilia patungkol sa totoong nangyari pero nagbago na ang isip n'ya ng marinig itong umiiyak.

She'll fight for her.

Hindi n'ya pipiliting hingian ng statement si Lilia dahil mas lalo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status