Share

13 - Cry On His Shoulder

Hindi magawang titigan ni Amelia si Kraner habang abala ito sa pagpupunas ng malamig na bimpo sa namumula n’yang balat. Tanging bra na lang ang suot n’ya pang-itaas kaya naman naiilang s’ya.

“Mahapdi pa ba?”

“H-Hindi na,” nauutal na sagot n’ya.

Halata ang pamumula ng balat n’ya pero hindi naman ganun kalala ang paso.

“Wear this,” abot sa kanya ni Kraner ng muscle shirt nito.

“Paano ka?”

“Malapit lang naman ang condo mo rito kaya ayos lang kung ibalandra ko muna saglit ang katawan ko,” kalmadong sagot nito sa kanya. “Lift your arms,” utos ni Kraner sa kanya na kaagad n’ya namang sinunod.

Ang binata na mismo ang nagsuot sa kanya ng damit nito. Hindi n’ya alam kung papasalamatan n’ya ang babae kanina o sasabunutan ito.

Napaso man s’ya atleast alagang Kraner naman s’ya.

Hindi maipinta ang mukha ni Amelia habang sinasamaan ng tingin ang mga babaing pinagpipyestahan ng tingin ang katawan ni Kraner. May ibang pasimpling kinukuhanan ito ng litrato kaya naman nag-igting ang panga n’
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status