All Chapters of Mister ng Utangera ang Mafia King: Chapter 31 - Chapter 40
42 Chapters
Chapter 31 Ang Request ni Judith
“JUDITH…”” Parang gustong humagalpak nang tawa ni Judith ng mga sandaling iyon. Kakaiba kasi ang pagbigkas ni Storm sa kanyang pangalan. Hindi iyon naiinis o nagpipigil ng galit kundi padaing. Wariý nahihirapan ito. Kaya, parang gusto niyang isipin na naapektuhan ito sa kanyang sinabi. Marahil nga ay nai-imagine na rin nito na sila’ý magkayakap at naghahalikan. Ngunit, hindi lang doon nagtatapos ang kanyang request. Shucks, bulalas niya sa sarili. Hindi rin niya malaman kung paano niya nagawang sabihin ang mga ganoong salita gayung nu’ng isang araw ay nagwawala siya dahil rumehistro na naman sa utak niya ang kademonyohang ginawa sa kanya ng sariling ama. Ngunit, hindi naman maaaring lagi na lang siyang matatakot sa nakaraan na gusto na niyang ibaon sa limot. Masyado pa siyang bata noon kaya hindi rin niya tiyak kung nagtagumpay nga ba ang ama sa ginawa sa kanya. Nang imulat niya kasi ang kanyang mga mata, naroroon na ang kanyang ina at ang kanyang Tatay Samuel. Iyak nang iyak ang
Read more
Chapter 32 Marupok si Storm
ANG gusto sana ni Storm ay matulog na lang nang mahimbing para hindi na gumana pa ang kanyang imahinasyon. Marahas na buntunghininga ang pinawalan niya matapos niya sabihin sa sariling, “Hindi ito imahinasyon. Isa itong katotohanan! Buwisit niyang sabi sa sa sarili. Talaga kasing pinanindigan ni Judith na matulog ng walang bra at panty. Kahit tuloy himbing na itong natutulog at naghihilik pa, siya naman ay hindi makatulog. Natutukso naman kasi siyang ibaba ang tingin sa katawan nito at kitang-kita nga niya ang malulusog nitong dibdib at ang malinis nitong kabibe. Ahit na ahit kasi iyon kaya parang ang sarap s******n. “O, hindi ba sanay ka namang makakita ng n*******d, Buhay man o patay?” kunwaý takang takang tanong ni Judith nang pilitin pa niya itong magsuot ng panloob. Tinakot pa nga niya itong lilipat siya ng ibang kuwarto pero pinagtawanan lang siya nito. Tapos sinabi pa nitong masyado lang siyang naaapektuhan sa kagandahan nito. Bigla siyang natigilan. Talagang buking na buk
Read more
Chapter 33 Ang Katwiran ni Storm, bulok!
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Storm habang nagmamaneho, Para siyang robot na naging sunud-sunuran lang kay Judith kaya ngayon ay kasama niya ito papuntang ospital, Hindi man niya tiyak kung kaya ngang magpakamatay ni Judith tulad ng sinabi nito, pinili pa rin niyang sundin ang gusto nito. Ayaw lang naman kasi niya itong isama kanina dahil talagang hiyang-hiya siya sa sarili. Nagpabuking siya kay Judith na pinagnanasaan din niya ito. Na talagang nagpipigil lang siya para hindi ito magalaw. Hindi nga ba niya gagalawin si Judith?Of course not! Mariin niyang sabi. Asawa niya ito kaya may karapatan siya rito. Ngunit, kailangan muna niyang ihanda ito. Dapat munang mabura sa isip ni Judith ang nakaraan. Gayunman, parang natutukso siyang sundin ang sinasabi ni Judith na makakatulong ang mangyayari sa kanila para makalimutan nitoi ang pangit na nakaraan. Posible naman iyon pero hindi pa rin niya gusto ang dahilan. Ibig niyang kapag may nangyari sa kanila hindi lang ang katawan
Read more
Chapter 34 - Ang Solusyon ni Judith
ANG unang plano ni Storm ay dalhin agad si Judith sa hospital room ng Tatay Samuel nito pero nagbago ang kanyang isip nang makita na naman niya si Jiwan sa vicinity ng Magaling Hospital. Kahit naman hindi niya ito tanggap na kapatid, hindi niya maaatim na ipahiya ito sa lahat kapag pinagtabuyan niya. Basta wala itong ginagawang masama ay hahayaan muna niya ito. Huwag lang talaga nitong guguluhin si Judith. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Sa kaisipang nag-uumpisa na itong gumawa ng paraan para mapalapit kay Judith, parang gusto niyang bugbugin si Jiwan. Hindi man lang ito nag-alangang ipakita sa kanya kung anong nararamdaman nito kay Judith. Manang-mana talaga ito sa mang-aagaw na ama! Mararahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto sana niyang isigaw na 'hindi mo maaagaw sa akin si Judith' , pero walang lumabas sa kanyang bibig. Saka, bakit naman niya iyon gagawin iyon kung wala naman si Jiwan. "Relax ka lang," sabi ni Judith nang pabalibag niyang isara ang pinto ng kanya
Read more
Chapter 35 Ang Tagumpay ni Judith
ALAM ni Judith na sobrang nagi-guilty si Storm sa kanyang pag-iyak kaya naman nilakasan pa niya ang paghagulgol. Gusto niyang lalong mataranta si Storm para mapadali ang kanyang pinaplano. "Judith…" "Hindi ako baliw!" Sigaw pa niya. Kahit naman malakas na malakas ang kanyang boses, nakasisiguro naman siyang hindi siya maririnig sa labas kaya feel na feel pa niya ang pagsinghal. Doon niya ibubuhos ang galing niya sa kanyang pag-arte. Hindi man nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan niyang makita sa telebisyon, at least, sa harap ni Storm ay magiging magaling siya. Kailangan niyang gawin ang lahat para mapaniwala ito. "Sorry…" "Sorry…sorry ka diyan pero paulit-ulit naman ang pagkakamaling ginagawa mo sa akin. Ay, di nga pala pagkakamali dahil wala ka nga palang ginagawa. Sige, hayaan mo na lang na hindi sila maniwala na may relasyon nga tayo, na mag-asawa…." Bigla siyang natigilan ng muling rumehistro sa isipan niya ang pagbigkas niya ng asawa. Para kasi siyang kinikilig sa kaisipang
Read more
Chapter 36 Ang Damdamin 
BUONG akala ni Judith ay bibitawan na siya ni Storm pagpasok nila sa elevator pero nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay. Masarap naman sa pakiramdam na nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay pero dumadagundong na ang kabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba. "Pwede mo na bitawan ang kamay ko," wika niya pero siyempre, ayaw din naman niyang bitawan ni Storm ang kanyang palad. "Ayoko," wika ni Storm na hindi man lang siya tinitingnan gayung pilit niyang sinasalubong ang mga mata nito. "Wala na naman si Jiwan…." Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin bigla siya nitong harapin at halikan sa labi. May pagsuyo siyang nararamdaman sa halik nito kaya hindi niya napigilang gantihan din ang halik nito. "Sa tingin mo ba, hinawakan ko lang ang kamay mo dahil nandoon si Jiwan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm. Mahina lang ang boses nito pero nagdidilim ang mukha nito ng bahagyang lumayo sa kanya. Sa diin nga ng pagsasalita nito'y parang gusto niyang ikumpara a
Read more
Chapter 37 Ang mga Plano ni Storm
PARA kang tanga, Storm, naiinis niyang sabi sa kanyang sarili. Ewan nga lang niya kung saan saan nga ba siya napapangiti, sa maganang pagkain ni Judith o dahil pumasok na naman sa isip niya ang sinabi bi Judith. Ikaw, iyon lang ang katagang ibinulalas ni Judith pero sapat na iyon para maapektuhan siya. Shit! Talagang nag-init ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng asawa. Asawa? Mangha niyang tanong sa sarili. Oo nga kasal sila ni Judith pero hindi pa sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon ngunit, hanggang kailan nga ba siya magpipigil?Inaalala lang kasi talaga niya ang mental health nito dahil alam niya ang pinagdaanan nito. Kung maaari nga lang ay ipasailalim muna niya ito sa psychiatrist para makatiyak siyang okay na ito pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang asawa na hindi ito nau-offend. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang okay na okay na ito kaya't hinayaan niya ang sarili na maapektuhan sa simpleng salita nito. "Ano pang gusto mong ka
Read more
Chapter 38 Sina Judith at Storm
MANGHANG mangha si Judith nang makita ang mga pagkain na isa isang ipinapasok sa kanilang bahay – chicken afritada, kare-kare, pork imbutido, pancit na nasa malalaking bilao, barbeque, inihaw na isda, binagoongan, adobong manok at baboy, at may ilan pang putahe na inihilera sa kanilang mesa."Shucks," hindi rin niya napigilang ibulalas ng may dumating pang kahong kahong pizza. "Ang dami naman nito.""Marami ka ring kapitbahay," parang walang anumang sabi ni Storm. Nang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ng asawa, natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya iyon mapaniwalaan. Ibig sabihin, sineryoso ni Storm ang panunudyo ng kanilang mga kapitbahay na magpakain. "Hindi mo naman kailangang…""Wala rin naman tayong matinong reception noon kaya ngayon na lang natin gawin," putol ni Storm sa kanyang sasabihin. Nakatitig siya rito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Talaga naman kasing nababatubalani siya kapag nakikita niya si Storm na ngiting-ngiti, lalo itong gumuguwapo.
Read more
Chapter 39 Ang Tunay na Paglalapit nina Storm at Judith
"THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar
Read more
Chapter 40 Ang Pag-Iisa nina Judith at Storm
"ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status