Share

Chapter 35 Ang Tagumpay ni Judith

ALAM ni Judith na sobrang nagi-guilty si Storm sa kanyang pag-iyak kaya naman nilakasan pa niya ang paghagulgol. Gusto niyang lalong mataranta si Storm para mapadali ang kanyang pinaplano.

"Judith…"

"Hindi ako baliw!" Sigaw pa niya.

Kahit naman malakas na malakas ang kanyang boses, nakasisiguro naman siyang hindi siya maririnig sa labas kaya feel na feel pa niya ang pagsinghal. Doon niya ibubuhos ang galing niya sa kanyang pag-arte. Hindi man nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan niyang makita sa telebisyon, at least, sa harap ni Storm ay magiging magaling siya. Kailangan niyang gawin ang lahat para mapaniwala ito.

"Sorry…"

"Sorry…sorry ka diyan pero paulit-ulit naman ang pagkakamaling ginagawa mo sa akin. Ay, di nga pala pagkakamali dahil wala ka nga palang ginagawa. Sige, hayaan mo na lang na hindi sila maniwala na may relasyon nga tayo, na mag-asawa…." Bigla siyang natigilan ng muling rumehistro sa isipan niya ang pagbigkas niya ng asawa. Para kasi siyang kinikilig sa kaisipang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status