Semua Bab Dandelion Nights: Bab 11 - Bab 20
30 Bab
Chapter 10
Halos apat na buwan na rin ang nakakalipas simula noong huli kong makausap si Charles. May mga oras na nami-miss ko pa rin na may kausap pero nawalan na lang din ako ng pakielam. Masyado na akong maraming pinoproblema para isipin ko pa siya.Lalo pa ngayon na sinusubukan kong matapos yung mga librong hindi ko na natuloy-tuloy. Bukod pa roon, nakatira ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko. Kailangan ko magtipid ng pera dahil nag-layoff sa trabaho namin at kasama ako roon. Kasabay pa nga ng pagkawalan ko ng trabaho, wala rin akong nakukuhang freelance projects nitong mga nakaraang linggo.Napapikit ako ng mariin. Halos alas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko. Wala akong balak madagdagan ang sama ng loob ko sa mundo. Kung maririnig ko rin naman ang pagtatalo ng mga magulang ko dahil sa pera, mas gugustuhin ko na lang hindi kumain.Simula noong mawalan ng trabaho si Papa at nagkanda-baon sa utang ang mga kapatid ni Mama, naging mahirap na ang sitwasyon. Hirap n
Baca selengkapnya
Chapter 11
After 3 years…Hindi ko maiwasang mapangiti ng malawak habang nakatingin sa gilid ng stage. Rinig ko ang tilian ng mga fans habang kumakaway sa akin.Agad ko naman silang binigyan ng matamis na ngiti at kinawayan lahat. Lalong lumakas tuloy ang hiyawan nila kaya hinatak na ako ng editor ko paalis ng gilid ng stage."Ang kulit mo talaga, Crysaline! Sabi ng bawal ka sumilip doon eh. Tignan mo nga iyang itsura mo, hindi ka pa tapos make-upan tapos makasilip ka doon akala mo artists ka?" sita sa akin ng editor kong si Ms. Siana kaya napanguso ako."Sorry na. Cutie kasi nila eh. Gusto ko lang naman sila batiin." sabi ko sa kanya habang sumusunod sa kanya papasok ng dressing room."Bente sais ka na! My gosh! Act like your age! Ilang beses ka na bang umaakto na parang isip-bata. Sinabi ko rin sa'yo noong nakaraan na huwag kang lalabas ng hindi kasama iyong bodyguard mo pero hindi ka pa rin nakinig. Muntik ka na tuloy dumugin ng mga fans mo." patuloy niyang litanya hanggang makaupo na ako sa
Baca selengkapnya
Chapter 12
"Liligawan kita. Iyong totoo na. Baka kasi maagaw ka pa ng iba, mahirap na." sabi niya bago ako bigyan ng magaang halik sa noo."A-anong pinagsasabi mo riyan?! Siraulo ka na ba? Ibaba mo na nga ako!" kabado kong sita sa kanya pero ang walang modo, nagpatuloy lang sa paglalakad habang buhat ako."Seryoso ako, Crysaline. Ayokong ma-friendzoned habang buhay. Kaysa maging marupok ka na naman sa Charles na iyon, aabante na ako. 'Di hamak naman na mas pogi ako kaysa sa lalaking 'yon!" sabi niya na tila ba simpleng bagay lang ang pinagsasasabi niya."Hoy, Nathan. Huwag kang ganyan marupok ako." mahina na lang ang pagkakasabi ko sa sobrang hiya na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko sobrang pula ng magkabilang pisngi ko dahil sa pagkapahiya kaysa sa blush on ko. Shocks."Edi maging marupok ka sa akin. Sasaluhin naman kita, Crysaline Lopez." sabi niya at humalakhak pa siya."Wala ka talagang kwenta, Nathan Villegara! Kapag ako talaga nasa headline bukas ng umaga dahil sa mga ginagawa mo, lag
Baca selengkapnya
Chapter 13
Flashback 3 years ago...Nakatulala na naman ako sa kawalan habang nakatitig sa cellphone ko. Mapait akong napangiti habang binabalikan ang mga chat namin dalawa.Ilang linggo na ang nakakalipas simula noong i-chat ko siya pero hanggang ngayon wala man lang akong nakuhang sagot mula sa kanya.Gusto ko lang naman ng explanation pero bakit hindi niya maibigay iyon? Napakagat ako sa labi ko at mariin na napapikit."Miss mo na?" biglang tanong ni Vanilla kaya napatingin ako sa kanya. Nandito na naman kasi ako sa bahay nila kasi wala akong magawa sa buhay ko na matino."Oo. Ikaw ba? Miss mo na rin bebe mo?" pang-aasar ko sa kanya pabalik kaya natawa siya."Miss ko na rin bebe ko. Bugok kasi siya eh. Siya naman may kasalanan tapos ako pa susuyo sa kanya. Ano siya chicks?" sabi ni Vanilla kaya natawa na rin ako."Bahala sila sa buhay nila. Ganoon ba sila walang ka-common sense sa katawan? Kailangan sasabihin mo pa sa kanila mali nila bago nila malaman? Tangina. Tutuklawin na sila ng katangah
Baca selengkapnya
Chapter 14
Damang-dama ko ang bawat pag-dampi ng malamig na hangin sa balat ko habang nakatanaw sa malawak na siyudad dito sa balcony ng unit ko.Nilagok ko sa hawak kong yakult at napabuntong hininga. Bakit ba naaalala ko na naman ang nakaraan? Akala mo naman may past talaga kami ni Charles kung makaasta ako. Akala mo naman talaga jinowa ako nung tao para magkaganito ako.Biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng cotton shorts ko at walang tingin-tingin na sinagot ang tawag."Hello?""Nasa labas ako ng unit mo. Naiwan ko na naman spare key ko sa bahay." bungad sa akin ni Nathan pagkasagot ko ng tawag.Napailing ako ng wala sa oras nang marinig ang boses niya. Ilang araw na bang hindi nagpaparamdam ang isang 'to simula noong nanggaling ako sa unit niya? Tapos ganito na naman bigla na lang sumusulpot out of nowhere.Paano noong kinukulit niya ko ng kinukulit tungkol sa panliligaw niya pati na rin yung issue kay Charles, nasigawan ko siya. Ang hudas, tinalikuran ako at umalis n
Baca selengkapnya
Chapter 15
"Crysaline!" napalingon ako sa likod ko at nakita ang manager ko na humahangos na lumapit sa akin."Naiwan mo sa loob ng van." inabot niya sa akin iyong lumang iPad ko.Kinuha iyon sa kanya bago napakamot sa ulo ko. Makakalimutin na talaga ako."Salamat. Ingat kayo pauwi ha?" sabi ko sa kanya habang nakangiti.“Ingat ka rin. Mag-lock ka ng pinto kung wala ka kasama ha.” paalala ni Ate Chaena. Tumango naman ako sa kanya.Kumaway siya bago isinara iyong pinto ng van. Tumalikod na ako at pumasok sa lobby ng condominium. Agad na sumalubong sa akin ang nakangiting si Kuya Jose na pinagbuksan ako ng glass door."Magandang gabi po, Ms. Lopez." bati niya sa akin."Magandang gabi rin po, Kuya Jose." bati ko pabalik sa kanya.Naglakad ako papunta sa elevator at pinindot iyong button. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator, inabala ko ang sarili ko sa pagre-reply sa Senior Editor ko."Crysaline?" narinig kong tawag sa pangalan ko kaya napaangat ako ng ulo.Napalabi ako at kulang na lang ay m
Baca selengkapnya
Chapter 16
"Crysaline! Open this damn door or I will fucking break this shit!"Napatalukbong ako ng unan at kumot sa sobrang inis ko sa sarili ko. Bakit ko ba kasi siya tinanong ng ganoon? Nakakahiya!Nang ma-realize ko kanina yung sinabi ko sa kanya ay agad ako tumakbo papasok dito sa kwarto ko at ni-lock yung pinto.Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kokote ko at niyaya ko siyang matulog ng mag-katabi sa iisang kama. Talo ko pa iyong mga pick me girl sa ginawa ko."Bibilangan kita Crysaline Lopez! Kapag hindi mo talaga ako pinagbuksan ng pinto, sisirain ko talaga 'to!" gigil na sigaw niya kaya napabuntong hininga ako at inis na bumangon sa kama."Ayaw ko nga! Umuwi ka na! Gusto ko na magpahinga!" balik kong sigaw sa kanya kahit sa totoo lang nag-aalala ako na baka sirain niya talaga yung pinto ko.Ang mahal pa naman ng pagawa non. Nagtitipid ako."Sinong uuwi? Dito ako matutulog!" sigaw na naman niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko sa sobrang inis."Edi matulog ka na! Doon ka sa kabi
Baca selengkapnya
Chapter 17
Napalunok ako ng ilang beses habang nakikipag-titigan kay Nathan. Ramdam ko rin ang lalong pag-pula ng magkabilang pisngi ko habang nakatingin sa mga mata niya.Jusko. Kahinaan ko pa naman ‘to. Yung puso ko parang lalabas na sa kaba."Answer me." malumanay na sabi niya dahilan para magising ang diwa ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napaubo ng kaunti."O-oo na. Lumayo ka na, pwede?" sabi ko sa kanya pero sa iba ako nakatulala dahil sa hiya."Anong oo? Ang labo mo naman kausap." parang batang angal niya kaya bumaling ako pailalim sa kanya.Nakatitig lang siya sa akin habang kunot na kunot ang noo. Hindi ko maiwasang mapalunok sa kaba at nag-iwas na lang ulit ng tingin."Ewan ko sa'yo. Lumayo ka na nga lang. Kailangan ko ng umalis. Marami pa akong dapat tapusin kaya tigilan mo na iyang pang-aasar at pagharot-harot mo sa akin." kunwaring iritado kong sabi sa kanya.Tinanggal niya ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ko. Walang emosyon ang mukha niya habang pinagpaaptuloy ang pa
Baca selengkapnya
Chapter 18
"Can you still give me another chance to prove how much I like you? Can I court you?"Nasamid ako at halos hindi ako magkanda-ubo sa gulat.What the freak?!Napatayo naman siya sa inuupuan niya at hinagod ang likod ko."Sorry. Hindi ko sinasadya na biglain ka." paumanhin niya kaya napatingin ako sa kanya.Bakas sa mukha niya ang pagkahiya at tila ba hindi malaman ang gagawin."No, okay lang ako. Nagulat lang ako sa sinabi mo. Palabiro ka pa rin pala." sabi ko sa kanya at sinabayan pa ng tawa. Kung tawa nga ba na maituturing iyon o peke lang.Napatigil naman siya sa paghagod sa likod ko at ngumiti ng tipid."I guess...I am too late?" sabi niya kaya napayuko ako at pinaglaruan ang tissue na hawak ko.Naramdaman ko naman na lumayo na siya at umupo muli sa tapat ko. Kapwa lang kami na tahimik na tila nagpa-pakiramdaman lang. Ang awkward na nga, hindi ko pa gusto yung nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko."Sa totoo lang, sa tingin ko hindi mo talaga ako gusto. Hindi pagmamahal ‘yang nagtutu
Baca selengkapnya
Chapter 19
*Flashback*Linggo ng gabi at wala akong ginawa kundi ang umiyak at mag-kulong sa loob ng kwarto. Ilang buwan na ba akong ganito? Simula noong umuwi ako galing sa ospital, nag-simulang gumulo ang buhay ng pamilya namin.Everything is starting to fall apart. Mas malala kaysa noong nakaraang buwan.Wala na akong kinikita sa mga isinulat kong libro. Hindi ko na rin magawang makapag-sulat ng bagong istorya o ituloy man lang ang mga nasimulan ko. Kahit ang full-time na trabaho ko ay nawala na rin ng tuluyan.Bakit? Bakit nga ba ko pumayag sa ganitong set-up ng pamilya namin?Simula noong mag-desisyon ang mga magulang ko na magsama-sama na lang kami sa iisang bahay, mas lalong gumulo ang lahat. Wala na atang araw na hindi kami nagtatalo-talo. Walang gustong magpadaig. Lalo na si Mama.Puro batuhan ng masasakit na salita, pagsisisihan at pati ang pagtanaw ng utang na loob. Puro masasakit na salita na lang ang bumubungad sa akin sa umaga.Wala na akong narinig na ibang salita kundi ang 'basto
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123
DMCA.com Protection Status