Share

Chapter 13

Flashback 3 years ago...

Nakatulala na naman ako sa kawalan habang nakatitig sa cellphone ko. Mapait akong napangiti habang binabalikan ang mga chat namin dalawa.

Ilang linggo na ang nakakalipas simula noong i-chat ko siya pero hanggang ngayon wala man lang akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Gusto ko lang naman ng explanation pero bakit hindi niya maibigay iyon? Napakagat ako sa labi ko at mariin na napapikit.

"Miss mo na?" biglang tanong ni Vanilla kaya napatingin ako sa kanya. Nandito na naman kasi ako sa bahay nila kasi wala akong magawa sa buhay ko na matino.

"Oo. Ikaw ba? Miss mo na rin bebe mo?" pang-aasar ko sa kanya pabalik kaya natawa siya.

"Miss ko na rin bebe ko. Bugok kasi siya eh. Siya naman may kasalanan tapos ako pa susuyo sa kanya. Ano siya chicks?" sabi ni Vanilla kaya natawa na rin ako.

"Bahala sila sa buhay nila. Ganoon ba sila walang ka-common sense sa katawan? Kailangan sasabihin mo pa sa kanila mali nila bago nila malaman? Tangina. Tutuklawin na sila ng katangah
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status