Share

Chapter 10

Halos apat na buwan na rin ang nakakalipas simula noong huli kong makausap si Charles. May mga oras na nami-miss ko pa rin na may kausap pero nawalan na lang din ako ng pakielam. Masyado na akong maraming pinoproblema para isipin ko pa siya.

Lalo pa ngayon na sinusubukan kong matapos yung mga librong hindi ko na natuloy-tuloy. Bukod pa roon, nakatira ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko. Kailangan ko magtipid ng pera dahil nag-layoff sa trabaho namin at kasama ako roon. Kasabay pa nga ng pagkawalan ko ng trabaho, wala rin akong nakukuhang freelance projects nitong mga nakaraang linggo.

Napapikit ako ng mariin.

Halos alas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko. Wala akong balak madagdagan ang sama ng loob ko sa mundo. Kung maririnig ko rin naman ang pagtatalo ng mga magulang ko dahil sa pera, mas gugustuhin ko na lang hindi kumain.

Simula noong mawalan ng trabaho si Papa at nagkanda-baon sa utang ang mga kapatid ni Mama, naging mahirap na ang sitwasyon. Hirap n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status