Buntong-hininga ang narinig kong tugon ni Nanay. Sumandal din siya sa tabi ko. Sandali akong sumulyap sa kan'ya, naghintay na magsalita siya, pero nanatili siyang tahimik. "Ingat po kayo sa pag-uwi, Nay," tampo kong sabi. Gusto ko pa sana siyang kausapin, pero parang wala naman siyang balak na magsalita. Kapag ganito siya, lalo lang akong nasasaktan. "Sa totoo lang, Danny," halos pabulong niyang sabi.Sumandal uli ako sa dingding. Babalik na kasi sana ako sa silid, saka naman siya nagsalita. "Noong una ay nag-aalala ako para kay Arrianne. Ang init kasi ng dugo mo sa kan'ya. Kunting mali niya lang, galit ka na kaagad. Awang-awa ako sa kan'ya sa tuwing pagagalitan mo siya na madalas wala sa lugar." "Sinabi ko na naman sa'yo, Nay, kung bakit gano'n ako ka init kay Arrianne," tugon ko sa tunong nagtatampo." 'Yon na nga, mas lalo akong nag-alala, dahil hindi mo na lang basta pinag-iinitan si Arrianne. Iba ka na kung makatingin! Tingin na parang hinuhubaran mo na siya." Palo sa braso ko
Читайте больше