Share

Kabanata 40

Penulis: sweetjelly
last update Terakhir Diperbarui: 2023-01-19 21:15:38
Arrianne POV

"Arrianne, halika na. Kain na," tawag ni Ate Mercy.

"Nand'yan na po," matamlay kong tugon.

Buntong-hininga ang kasabay ng pag-upo ko.

"Alam mo, Arrianne ang OA mo na, lagi ka na lang gan'yan. Nakakalito ka rin. Dapat nga ay natutuwa ka dahil mabait na si sir Danny sa'yo," dada' niya habang inaabot sa akin ang ulam. "Ang tamlay mo. Kapag gan'yan ka, iisipin ni sir na hindi ka pa nga magaling. Ikaw din, mas matatagalan ang pahinga mo."

Napasimangot ako. "Paanong hindi ako magiging ganito. Wala na akong ibang ginawa rito kun'di umupo at tumunganga. Mas magkakasakit ako nito, Ate Mers!" maktol ko.

"Kita mo 'yang ugali mo, ikaw na nga ang inaalala ng mga boss natin. Ikaw pa ang may ganang magmaktol. Kami nga, e gusto na ring magkasakit para maranasan din namin ang umupo at tumunganga na lang," sabi niya.

Buntong-hininga na lamang ang tugon ko. Kahit kasi anong sabihin ko, pareho pa rin ang kalalabasan. Lagi nilang sinasabi na dapat magpasalamat na lang ako dahil mababait an
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nako! ano Naman kaya Ang Gawing ni sir Danny Kay Arrianne? excited Ako sa next update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Arrianne's Door   Wakas

    " 'Be ko, bilisan mo," sabi ng asawa ko, habang hila-hila ako."Bakit ba, 'Be ko?" Bigla na lang niya kasi akong hinila palabas ng pool area. Nag-celebrate ka nga kasi kami dahil sa wakas ay buo na ulit ang aming pamilya. Nakabalik na rin kami sa mansyon sa wakas at kasama ko na rin ang mga kaibigan ko at ang mga kuya. Muli nang bumalik ang sigla at saya ng mga buhay namin. Lalo na kami nitong asawa ko na walang humpay kung maglambing. Bumabawi at pilit pinupunan ang mga araw na hindi kami magkasama. "May ipapakita nga ako," sabi niya pero huminto naman sa paghakbang at niyapos ako. "Akala ko ba, may ipapakita ka o gusto mo lang lumandi?" Hindi maalis ang malagkit na titig namin sa isa't-isa. "Hindi naman kita nilalandi, 'Be ko, nilalambing lang." Halik sa leeg at haplos sa likod ko ang kasabay ng salita niya. "Hindi pa ba landi 'tong ginawa mo, 'Be ko?" Sumabay ang tanong ko sa paglapat ng likod ko sa malamig na dingding dito sa hallway, papuntang pool area. " 'Be ko—"Hindi ko

  • Arrianne's Door   Kabanata 69

    "Dad!" sabay naming bulalas ng asawa ko."Hanggang ngayon pa rin ba, Danny, hindi mo pa rin tanggap na aksidente nga 'yong nangyari sa dati mong asawa at sa Mama mo?" gigil na gigil na tanong ni Daddy.Tumayo si Danny habang kapa ang ulo niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dad. Bigla ka na lang na nanakit," reklamo nito."Biglang na nanakit! Buti nga at batok lang ang ginawa ko." Duro na niya si Danny. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Napisil ko nga rin ang sintido ko. Hindi na kasi matapos-tapos ang sermon. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa'yo? Iuntog iyang ulo mo, sakaling umayos at makapag-isip ka ng tama. Kung ganito rin lang at hindi pa rin pala tuluyang umayos 'yang utak mo. Hindi ko na sana binigay ang address ng pamilya mo," dismayang sabi ni Daddy.Kung kanina ay napisil ko ang sintido ko. Ngayon ay pigil na buntong-hininga naman ang nagawa ko. Panira kasi 'to si Daddy, e! Papunta na kami sa sweet moment. Sinira niya naman. "Dad, 'yan din ang hirap sa'yo.

  • Arrianne's Door   Kabanata 68

    "Aso nga, asong ulo!" gigil na sabi ni Nanay.Saka niya hinarap ang lalaking tinawag niya na asong ulol. Matalim ang mga titig niya at hindi pa kaagad nagsalita. " 'Wag mo akong matawag-tawag na mahal dahil matagal ka nang may ibang mahal," sikmat ni Nanay, duro niya pa ang matandang aso. "Teka nga lang!" awat ko sa dramang nagaganap. Hinarap ko si Maribel. "Maribel, sila ang sinasabi mong mga aso na humabol sa'yo?" Tumango siya. "Sila nga, Ate." Kilala n'yo pala sila?" tanong niya, kasabay ang pagkamot sa ulo. "Pasensya na po, akala ko kasi mga baliw."pahapyaw na tawa ang narinig ko mula kay Danny, na bakas ang inis kay Maribel. "Tinawag pa kita, Maribel, pero tumakbo ka pa rin." Napapailing pa siya. "Kung hindi ka sana tumakbo no'n. Noon pa sana naayos ang lahat," dagdag niya pa. "Pasensya. Kayo kaya ang sigawan ng taong hindi kilala at mukhang baliw? Hindi ba kayo tatakbo?" iritang tugon din ni Maribel. "Pero teka nga lang, bakit n'yo ho ba ako kilala?" Napakamot uli siya sa u

  • Arrianne's Door   Kabanata 67

    Tuluyang nawala ang puwing sa mga mata ko, naanod yata. Bigla na lang kasing pumatak ang mga luha ko nang makita ang bayolenteng lalaki na sumugod kay Joel. Hawak na rin nito ang kwelyo ng kaibigan ko. Si Danny. Ang asawa ko na nagmukhang sinaunang tao dahil sa mahabang buhok at balbas. Puro paglalasing na nga lang yata siguro ang ginagawa niya, kaya pati ang pagiging tao ay nakalimutan na niya. Tingin ko nga sa kanya ngayon ay leon na malnourish. Kawawa, gusto ko tuloy agad siyang yakapin. Pakainin at paliguan. Ang dugyot kasi. "Walang hiya ka! Matapos ng ginawa mo kay Arrianne, may lakas ka pa talaga ng loob na lumapit sa kanya," nang gagalaiti nitong sabi. "Isa ka rin namang walang hiya!" tugon ni Joel. Hawak-hawak niya na rin ang kwelyo ni Danny. " 'Wag kang umasta na matino!" "Galing mo, nawala lang ako sa buhay niya, pumasok ka agad! Nakaabang ka lang palang hayop ka!" Marahas kong pinahid ang mga luha ko. Uminit bigla ang ulo ko sa narinig. Talagang iniisip niya n papatol u

  • Arrianne's Door   Kabanata 66

    Hindi maalis ang ngiti ko habang tanaw ang kambal na masayang naglalaro sa dalampasigan. Kaarawan kasi nila ngayon. Seven years old na sila. Nakakalungkot dahil hindi pa rin namin kasama ang Daddy nila sa araw na ito. Ang dami na talaga niyang na missed na kaganapan sa buhay namin. Ano pa nga ba ang magagawa namin. E, 'di magpatuloy sa buhay, kahit wala siya. Ang sarap pakinggan ang mga tawanan nila. Mabuti na lang at dito sa beach naisipan naming mag-celebrate ng kaarawan nila. Sakto naman kasi na walang pasok dahil sabado. Bonding na rin namin 'to, kasi nga, hindi na kami madalas makakalabas dahil mayro'n na kaming bungisngis na baby na inaalagaan. Napatingin ako sa baby ko na kasalukuyang dumedede. Parang kilan lang nong nanganak ako at puro iyak pa lang ang naririnig ko na ginagawa ni baby. Ngayon napaka-bungisngis na. Tatlong buwan na kasi siya, kaya marunong nang maglaro. Kahit lagi akong puyat sa pag-aalaga sa kanya. Masaya pa rin ako. Bawing-bawi ang pagod ko dahil nag-uumap

  • Arrianne's Door   Kabanata 65

    "Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masayang mukha ni Mama ang bumungad sa akin pagdilat ng mga mata ko. Ngumiti ako pero napangiwi nang makaramdam ng pananakit sa tiyan ko. "Masakit, Ma," sabi ko. Kapa ko na rin ang tiyan ko. "Ang baby ko po, Ma?" tanong ko at akmang babangon." 'Wag ka munang bumangon, Anak, baka bumuka ang sugat mo," pigil ni Mama. Hinawakan niya ang balikat ko at inayos ang kumot ko. Napangiti na rin lang ako habang pinagmamasdan si Mama. Talagang ang saya kasi niya. Hindi pa rin nawala ang ngiti. Syempre, lola na kasi siya. "Maayos ang baby mo. Nasa nursery. Nando'n nga silang lahat. Hindi na magsawang tingnan ang baby n'yo ni Danny.""Napangiti ako pero kaagad din namang napalis ang ngiti ko. Nakaramdam kasi ako ng lungkot at awa sa baby ko. Sinilang ko ba naman siya na hindi man lang namin kasama ang Daddy niya. Kainis din ang Danny na 'yon. Ang tagal matauhan. Imbes na siya ang nataranta kanina nang pumutok ang panubigan ko, si Felly tuloy ang halos pumuto

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status