All Chapters of Between Lust and Love (Tagalog/Erotic): Chapter 11 - Chapter 20
25 Chapters
KABANATA 11
Isinama siya ni Clayton isang araw para bumili sila ng pwede niyang maisuot sa office. Ito ang talagang namimili ng mga iyon. Binabalik nito ang mga damit na binibigay ng sales lady kapag above the knee ang mga iyon. Kulang na lang ay puro slacks na pambabae ang bibilhin nito sa kanya.Pinag-shopping siya nito ng mga damit, sapatos at pati underwear. Hindi niya ito nakitaan ng pagod habang nagsusukat siya ng mga damit. Hindi sila halos magkandaugaga sa mga pinamili nito sa kanya.Nang sumunod na linggo ay dinala siya nito sa opisina. Pinakilala siya nito sa secretary nito na si Mrs. Dominguez, kasing-edad yata ito ng inay niya. Mabait ang babae sa kanya kaya't medyo napapalagay ang loob niya. Marami pala itong empleyado do'n. Halos hindi naman siya tinatantanan ng mga kumikilatis na tingin ng mga babaeng empleyado sa kompanya ng lalaki. Nagtataka marahil ang mga ito nang kasama niyang dumating si Clayton. Ang mesa ni Mrs. Dominguez ay nasa loob mismo ng opisina ni Clayton. Malaki ang
Read more
KABANATA 12
Napag-alaman niyang lagi palang hindi naglalagi sa office si Clayton dahil kabi-kabila ang meeting nito with the clients. Minsan pa ay pumupunta rin ito sa iba pa nitong office. Ni hindi na nga siya nito nakakausap kapag nasa office ang lalaki.Ang ikinagalak lang ng puso niya ay kahit gaano ito ka-busy at kapagod ay lagi itong bumabalik ng office para maIhatid siya sa kanila pauwi. Sa umaga naman ay lagi siya nitong dinadaanan sa bahay para sabay silang pumunta ng opisina. Alam niyang lagi siyang laman ng usapan ng iba pang mga empleyado roon dahil lagi siyang nakikitang kasabay ng boss nila. Hindi na lang niya iyon pinapansin. Hindi rin siya masyadong nakikipag-usap sa ibang mga katrabaho dahil alam niyang mangangalap lang ito ng impormasyon tungkol sa kanya.Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng building at hinihintay si Clayton. Tumawag ito kanina na pabalik na ito ng office kaya't pinapahintay siya nito sa labas. Hindi niya napansin ang isang babae na lumapit sa kanya." Hi! D
Read more
KABANATA 13
Seryoso siya sa ginagawa niyang reports nang bigla siyang kausapin ni Mrs. Dominguez. Wala na naman kasi si Clayton sa office." Alam mo ba'ng kinausap ni Clayton ang lahat ng tauhan sa labas?" panimula nito.Clayton lang ang tawag nito sa lalaki kapag walang ibang nakakarinig sa kagustuhan na rin ni Clayton.Napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa matanda." May bago pa bang rules sa company?" nagtatakang tanong niya." Ay naku, meron!" parang kinikiliting sabi nito.Tuluyan na siyang humarap dito." Ang sabi ni Clayton, kung sinumang maririnig niyang nakikipagtsismisan tungkol sa iyo ay diretsong matatanggal sa kompanya. Kaya pala natanggal iyong si Catherine, noh? Source iyon ng tsismis dito, eh," parang tuwang-tuwang pagbabalita nito sa kanya.Kaya pala laging umiiwas ng tingin ang mga empleyado roon kapag nasasalubong siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig." Umamin ka nga, nililigawan ka ba ng boss natin?" nanunuksong tanong nito.Pareho pa silang napatingin sa may pi
Read more
KABANATA 14
Pangatlong beses na siyang sinamahan ni Clayton sa pagbisita sa inay niya. Sinasamahan siya nito kapag Linggo dahil walang trabaho. Pinakilala niya ito bilang boss niya sa ina. Masayang-masaya ang inay niya nang malamang sa opisina na siya nagtatrabaho. Panay ang pasasalamat nito sa lalaki. Ang laki na ng improvement sa pananalita at pagkilos ng ina. Parang bumalik na ito sa normal at ang tanging indikasyon na lang na na-stroke ito minsan ay ang konti pang ngiwi sa mga labi nito.Pagkatapos nilang bisitahin ang ina ay pinapasyal siya ni Clayton kahit saan. Sweet at thoughtful ito sa kanya kaya't hindi niya masisisi ang sarili kung may umusbong na konting pag-asa man lang sa puso niya.Kasalukuyan silang nakaupo no'n sa isang bench sa park nang tumunog ang phone niya. Nakita niyang kumunot agad ang noo ni Clayton habang nakatingin sa kanya. Nakita niyang si Red ang tumatawag. Nakangiting sinagot niya iyon." Red! Mabuti at napatawag ka. Kumusta ka na diyan?" masayang bungad niya sa taw
Read more
KABANATA 15
Bilang na bilang na niya ang mga araw sa piling ni Clayton. Sa buwan na iyon ang balik ni Faith, naikwento na sa kanya ni Red. Hindi binabanggit kailanman ni Clayton ang tungkol sa babae. Iyon na rin ang huling buwan ng pagtatrabaho niya rito bilang "private entertainer" nito. Iyon ang bansag niya sa sarili dahil iyon naman talaga ang silbi niya sa lalaki gamit ang katawan niya.Malaki-laki na rin ang naipon niya. Sa tingin niya ay sapat na iyon para makapagbagong buhay silang mag-ina kapag uuwi na sila ng Olongapo. Hindi pa niya nabanggit sa ina ang plano niya.Isang buwan na rin mula nang maiuwi niya sa bahay ang inay niya. Nakakakilos na ito nang maayos. Hindi na rin ito hirap sa pagsasalita. Laking pasasalamat niya sa lalaki sa lahat ng naging tulong nito sa kanilang mag-ina.Mula nang makauwi ang ina niya sa bahay ay sa bahay muna ni Clayton siya inuuwi nito galing sa opisina. Hinahatid lang siya nito sa bahay bago mag-alas onse ng gabi. Sinasabi niya lang sa ina na laging may ov
Read more
KABANATA 16
Kinausap siya ni Clayton kinabukasan sa opisina habang wala si Mrs. Dominguez. Nakaupo siya sa upuan sa harap ng mesa ng lalaki.Tumikhim pa muna ito bago nagsalita." As what I've said before, our deal will end once dumating na si Faith. Hindi na kita mahahatid at masusundo sa work. I will always cherish the moments we shared together. Thank you for making me a man again," madamdaming sabi nito na hinawakan ang kamay niya.Gusto niyang maiyak. Pigil na pigil talaga siyang huwag bumuhos ang luha niya. Ngumiti siya nang tipid sa lalaking natutunan na niyang mahalin." Hindi rin kita makakalimutan, Clay," andami niyang gustong sabihin pero iyon lang ang kaya niyang ipagtapat dito.Bigla itong tumawa nang mahina at binitiwan ang kamay niya." Why are we getting emotional na para bang hindi na tayo magkikita? Everyday pa rin naman tayong magkikita sa opisina and we can remain as friends, right?" nakangiting sabi nito.Tumango siya kahit alam niya sa sarili niyang hindi na niya kayang mama
Read more
KABANATA 17
Alam niyang suntok sa buwan ang tahimik na pag-aasam niya na tatawagan pa rin siya ni Clayton o kaya naman ay pupuntahan sa bahay nila at sasabihing hindi nito kayang mawala siya sa buhay nito. Nangangarap siya na sasabihin nitong minahal na pala siya nito at siya ang pakakasalan at hindi si Faith. Siya na siguro ang magiging pinakamasayang babae sa mundo kung magkagano'n. Pero kahit titigan pa niya ang phone niya buong araw at gabi ay walang paramdam si Clayton.Tahimik na umiiyak siya kada gabi mula nang tumigil siya sa pagtatrabaho sa kompanya nito. Tumitigil lang siya kapag naaalala niyang may anak na siyang dapat isipin. Napapakalma niya ang sarili kapag hinahawakan niya ang sinapupunan niya.Birthday ni Red. Ang sabi nito ay hindi naman ito magpapa-party. Magkakaroon lang daw sila ng munting salo-salo sa bahay at ang tanging bisita ay siya at si Faith. Gusto niya sanang umatras pero alam niyang sasama ang loob ni Red kung magbabago ang isip niya.Hindi niya alam kung paano niya
Read more
KABANATA 18
Kita niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Clayton habang nagmamaneho ito. Nakayuko lang siya at panay ang pahid sa mga luha niya. Hindi niya alam kung saan sila huminto pero madilim sa parteng iyon at walang mga tao." Now talk. Paano kitang nabuntis?" galit ang boses nito na nakatutok lang ang tingin sa manibela." H-hininto ko na ang pag-inom ng pills two months ago," hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa ng sagot." So, ginusto mo ang nangyari?" saka lang ito tumingin sa kanya.Hindi siya umimik bilang pag-amin na rin." Bakit? Alam mo ang kasunduan natin. Sinadya mo ba ito para mapanagutan kita? Nakikita mo ba kami ni Red bilang solusyon sa sitwasyon ninyong mag-ina? Sinabi ko naman sa iyo, di ba? I'm willing to help you but not like this."Ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay tila insulto at pananakit para sa kanya. Tinigilan na niya ang pag-iyak at pinunasan ang mukha." Walang nagsasabing gusto kong panagutan mo ang anak ko. Ginusto ko itong mag-isa at wala akong planong m
Read more
KABANATA 19
Buo na ng desisyon niya. Hindi siya magpapakasal kay Clayton at alam niyang hindi papayag ang lalaki. May kontak pa ang ina niya sa kapatid nitong nasa Tagum City sa Davao del Norte. Imbes na sa Olongapo sila uuwi ay nagbago ang isip niya. Mabilis silang matutunton ng lalaki kung sa Olongapo sila babalik dahil iyon ang alam nitong plano nila dati.Nagpa-book na siya ng ticket nilang mag-ina. Ibinenta niya sa katabing bahay ang iba nilang mga gamit kahit sa mababang presyo para wala na silang maraming dadalhin pag-alis.Kinausap na rin niya si Red nang puntahan siya nito sa bahay nila. Halos hindi ito makatingin sa kanya nang magkaharap sila." I know kahit ilang beses akong humingi ng tawad ay hindi gano'n kadaling tanggapin iyon. Ngayon lang ako nagpakita dahil nahihiya pa akong humarap sa iyo," nahihiyang sabi nito sa kanya.Nasa loob sila ng bahay at nakaupo nang magkaharap habang ang ina niya ay hinayaan muna silang mag-usap kaya't pumasok ng kwarto." I also confronted Kuya about
Read more
FINALE CHAPTER
Naglalakad siya sa palengke habang kumakain ng manggang hilaw. Malaking-malaki na ang tiyan niya dahil kabuwanan na niya. Nagiging routine na niyang maglakad-lakad sa palengke tuwing hapon kapag hindi na mainit ang sikat ng araw.Natutuwa siyang tumingin-tingin sa paligid at sa mga busy na bumibili do'n pati na sa mga tindera't tindero. Mayroong pwesto silang mag-ina sa palengke. Katulong ng ina ang Tita niya sa pagtitinda ng gulay at karne do'n. Pumupunta naman siya kapag nababagot na sa bahay. Wala kasi siyang kasama lagi dahil ang nag-iisang anak ng Tita niya na nasa College na ay laging busy sa school.Pinapapak niya ang isang hilaw na mangga. Mahilig pa rin siya do'n kahit tapos na ang paglilihi period niya. Natigilan siya sa paglalakad. Nakatayo kasi sa di kalayuan sa kanya si Clayton. Hindi ito kumikilos sa gitna habang nakatingin sa kanya.Iniiwas niya ang mga mata. Hindi na bago sa kanya na laging nakikita kung saan-saan si Clayton. Alam niyang pinaglalaruan na naman siya ng i
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status