All Chapters of When Heart Beats: Chapter 41 - Chapter 50
63 Chapters
Kabanata 40
CAHAYA POV“Aya, nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap nila Nanay," mahinahong sabi ni Belle sa akin. Pero gaya ng lagi kong ginagawa, malungkot at matamlay na tingin lang ang sagot ko. “Ano ba naman, Aya, walang mangyayari kung puro lang pagmumukmok ang ginagawa mo. Hindi pa naman katapusan ng mundo," dagdag pa nito sabay upo sa tabi ko. Buntong-hininga lang ang sagot ko. Paano akong hindi magmumukmok, hindi ko pa kasama si Ancel. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makasama; gustong makita. Pakiramdam ko parang may pumipigil sa hinga ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, ngayong hindi ko kasama si Ancel. “Aya naman, mas malala pa ang inaakto mo ngayon kaysa noong bago ka pa lang dito. Umayos ka naman oh. Nawala nga si Ancel sa buhay mo, ‘wag mo naman hayaan na pati buhay mo ay mawala rin.” Napapikit ako. Gusto kong sabihin kay Belle na ngayong wala si Ancel sa piling ko, parang nawalan na rin ako ng buhay. Wala na akong gana sa lahat. Pero ayoko naman na lalo silang
Read more
Kabanata 41
Pagod na pagod at nanghihina ako na umupo sa gutter ng daan. Nanginginig na rin ang mga paa ko sa kalalakad. Ilang araw na kasi akong naglilibot sa bayan. Sinusuyod ang bawat sulok ng lugar na ‘to mahanap ko lang si Ancel. Lahat ng police station, hospital, clinic, pati morgue ay pinuntahan ko na. Wala na nga rin akong pakialam, mapagkamalan man akong baliw. Pero walang bakas ni Ancel sa mga lugar na pinuntahan ko. Wala ni isang nakakakilala sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko pa siya hahanapin. Ayoko na rin sana munang umuwi sa El Canto, dahil ayaw na akong payagan nila Nanay na umalis. Kulang na nga lang ay ikulong na nila ako, hindi lang ako makaalis. Kahit ayaw ko pa sana na umuwi, hindi naman pwede, ayaw ko naman kasi na mag-alala sila, lalo’t hindi ako nagpaalam na aalis na naman ako. Sumalisi lang ako ngayon, kaya alam ko sermon na naman ang sasalubong sa akin mamaya. Naintindihan ko naman kung bakit ayaw nila na umalis pa ako. Nag-aalala lang sila sa akin. Inaalala lang
Read more
Kabanata 42
ANCEL POV Nag-aapoy sa galit ang mga mata ko habang nakatingin sa kubo na naging tahanan ko sa loob ng isang taon kasama si Aya. Ang kabo na naging saksi sa unti-unting pagbabago ng ugali ko. Dito ako natutong magmahal, ngunit dito rin pala mawawasak ulit ang puso ko. Dito ko rin pala maramdaman ang muling pagkabuhay ng galit at puot ko. Galit na binaon ni Aya sa puso ko. Hindi ko akalain na magagawa niya sa akin ‘to. Umasa ako sa mga salita niya. Umasa ako na maghihintay siya. Mapait akong ngumiti kalaunan. Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Gusto kong magwala; gusto kong makita ng lahat kung gaano ako kabangis. Kung gaano ako kagalit ngayon. Pero para saan pa? Para kanino pa? Bakit ko sasayangin ang lakas ko sa babae na wala naman palang kwenta. Si Aya—ang babae na akala ko ay makakasama ko hanggang sa huli. Makakasama ko habangbuhay, pero isa palang malaking sinungaling. Akala ko mahal niya ako. Akala ko kaya niyang maghintay kahit gaano katagal, pero hanggang salita lang pala
Read more
Kabanata 43
AYA POV“Nasaan si Cahaya?" Hindi pa man ako nakapasok ng bahay, narinig ko na ang umalingawngaw na boses ni Jax—ang lalaking walang hiya na pinagkakautangan ng mga magulang ko. Matapos ang mahigit tatlong taon ay nakita rin nila ako. Wala akong nagawa. Hindi ko na nailigtas ang sarili ko dahil sa mga kapitbahay kong madadamay kapag hindi ako sumama sa mga tauhan niya. Napilitan akong pumasok sa motel kasama ang isa sa mga tauhan niya dahil sa baril na nakatutok sa mga ulo ng kapitbahay kong nakakita sa akto nang harangin ako ng mga tao Jax. Sinundan pa kasi nila ako. At ayokong madamay sila. Ayokong magbuwis sila ng buhay dahil sa kapabayaan ko. Kung hindi ako umalis ng El Canto; kung sinunod ko lang sana ang sinabi ni Ancel, wala sana ako rito ngayon. Hindi sana ako hawak nitong walang puso na si Jax. Hindi sana ako nakakulong dito sa rancho na parang preso. “J-Jax…” Utal at abot-abot ang kaba ko sa tuwing makikita ko ang pagmumukha niya. Hindi lang kasi ang ugali niya ang pangit
Read more
Kabanata 44
“Anong sabi mo?" gigil na tanong ni Jax kay Angie, pero nasa akin naman nakatutok ang matalim nitong tingin. Hindi naman ako nagpatalo. Tinumbasan ko rin ang matalim niyang tingin. Ayokong isipin ng animal na ‘to na takot ako sa kanya. Pero matapos akong makipagtitigan sa kanya, nilingon ko naman si Angie. Makahulugan na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Ayoko na magsalita pa siya tungkol sa pagbubuntis ko. Ayoko na siya ang komprontahin ni Jax, at tatanggap ng galit nito. Problema ko ‘to, walang ibang dapat madamay, at kung mayro’n mang dapat sumagot sa animal na si Jax, ako lang ‘yon! “Answer me, Angie!" singhal niya na ikinataranta ni Angie. Nanginginig itong tumayo habang ang mga kamay ay pinagsiklop sa harapan niya. Maluha-luha na rin mga mata nito. Alam ko kung bakit ganito ka takot si Angie, dahil kung mayro’n mang nakakaalam kung gaano ka animal si Jax, siya ‘yon—sila na naunang dumating rito. “Boss Jax…” nanginginig nitong sabi at hindi na makatingin kay Jax. “Angie, lumab
Read more
Kabanata 45
Napahigpit ang paghawak ko sa kamay ni Angie. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko, si Camille ang babae na nakatitig na rin sa akin ngayon. Kahit puno pa ng kolorete ang mukha niya; kahit iba na ang pananamit niya at ayos ng buhok niya; alam ko si Camille siya. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong magtanong kung paano siya napunta rito—kung paano siya napasama sa mga babae ni Jax. “Cahaya, teka lang. Bakit ka ba nagmamadali? Kita mo nga na kausap pa ni Jax ang mga babae,” pabulong na sabi ni Angie. Hawak-hawak na rin niya ang braso ko para pigilan ako na lumapit sa kanila ni Jax. Maging si Camille ay bahagyang umiling, tanda na ‘wag akong lumapit. “Angie… kaibigan ko ‘yong babae na katabi ni Jax,” mangiyak-ngiyak kong sabi habang nakatingin pa rin kay Camille na ngayon pinaikot-ikot ni Jax sa harap niya. Nagmistulang musika naman ang tawanan ng mga tauhan ni Jax na ngayon ay parang hinubaran ng damit si Camille sa tingin lang nila. Hindi ko na rin napigi
Read more
Kabanata 46
“Hindi lang ‘yon, Aya, kamukha nga rin niya ang larawan na nakita ko sa bahay ng amo ko noon. Hindi lang ako sigurado no’ng una dahil medyo bata-bata pa siya sa larawang ‘yon.” Pero sa ilang buwan ko roon, ni minsan, hindi ko siya nakita na nagpupunta sa bahay na ’yon. Caretaker ng bahay at mga kasambahay lang ang naroon.” Pagtuloy ni Camille sa kwento nito na lalong nagpagulo sa utak ko. Pero mapait akong ngumiti kalaunan. Wala na naman kasing saysay ang mga nalaman ko; ang mga sinabi ni Camille, dahil hindi ko na kasama si Ancel, at hindi ko alam kung magkikita pa ba kami o hindi na. “Aya, wala ka man lang bang sasabihin?" nag-aalalang tanong ni Camille. Hinawakan din nito ang kamay ko at hinaplos-haplos iyon. "Camille, hindi ko na kasama si Ancel, kaya wala na ring saysay ang sinabi mo,” malungkot kong sabi. “Umayos na kayo, parating na ang hayop," sabi ni Angie at dali-dali akong nilapitan. Giniya niya ako papunta sa banyo. Agad namang nilugay ni Camille ang buhok at halos iluw
Read more
Kabanata 47
“Ancel…” pabulong kong sabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nandito na siya malapit sa akin o malungkot dahil sa nakikita ko ngayon. Ang lalaking mahal ko—ang lalaki na minahal ko ng buong-buo, at dahilan kung bakit ako nandito sa impyerno lugar na ‘to ay kasama ang lalaki na kinamumuhian ko. Hindi lang basta kasama, masayang nag-iinuman, nagtatawanan, at naglalandian kasama ang mga babae ni Jax. Natapik ko na lang ang dibdib ko, unti-unti na kasing bumigat ang paghinga ko. Dahil sa babaeng malandi at walang hiya na kumadong sa kanya. Gusto ko nang sugurin sila. Gusto kong kalbuhin at balatan ng buhay ang babae na lumalandi kay Ancel. Kaya lang, ang tingin ko, parang gustong-gusto pa nito ang ginagawa ng babae na ngayon ay pinulupot na ang mga kamay sa leeg niya. Nasa hindi kalayuan lang kami nakatayo at kaharap pa nila, pero hindi man lang niya kami napansin—hindi niya ako napansin. “Cahaya, ano na naman ba ang nang
Read more
Kabanata 48
“I’m glad you like her, bro! But you shouldn’t kiss her.” Tapik at pisil sa balikat ni Ancel ang kasabay ng sinabi ni Jax. Pilit din ang ngiti nito at matalim ang tingin sa kapatid. Sa nakikita ko, hindi lang gulat ang naramdaman ni Jax sa ginawang paghalik sa akin ni Ancel; galit din ito. Patunay ang matalim na tingin nito sa akin. Si Ancel ang humalik sa akin, pero sa akin siya galit. Pero kung galit ang nararamdaman ni Jax, ako naman ay nagtataka; nagulat din, hindi ko kasi alam kung sinadya ba ni Ancel na galitin ang kapatid, at gusto niya akong ipahamak. Tingin ko kasi ay parang natutuwa pa siya sa naging reaksyon ng kapatid. Ngising-ngisi ito, pero kuyom naman ang mga kamao. “Bro, parang hindi mo naman ako kilala! " Tinapik din nito ang balikat ng kapatid, kaya napalingon sa kanya si Jax, at sinamantala iyon ni Ancel na titigan ako. ‘Yong titig na tagos hanggang kaluluwa. Mainit, matalim at puno ng galit. Alam ko na pati si Jax ay nakikita ang galit sa mga mata ng kapatid. Al
Read more
Kabanata 49
“Ancel, mag-usap naman tayo, please.” Pa simple akong lumapit kay Ancel habang mag-isa siya sa kusina at nagkakape. Ilang araw ko nang sinusubukan na kausapin siya. Ilang araw na akong kumukuha ng tyempo, pero sa tuwing makita niyang papalapit ako, umiiwas siya. At sa kada iwas niya ay hindi pwedeng hindi siya mag-iiwan ng kakaibang ngisi at matalim na tingin. Sa tuwing ginagawa niya ‘yon, unti-unti akong pinanghihinaan ng loob. Unti-unting nawawalan ng pag-asa na maging maayos kami, at masabi ko sa kanya ang totoo. “Ancel, bakit ba ayaw mo akong kausapin? Bakit ayaw mong makinig?" Hinawakan ko siya sa braso nang akmang iiwas siya. “Ano ba ang nangyari sa’yo? Bakit mo ba ako tinatrato ng ganito?" desperada kong tanong. "Hindi ko gusto na nandito ako, Ancel. Ayoko rito.” Luha ko nagbabadya nang pumatak. Pero pinipilit ko pa ring pigilin. Imbes na sumagot. Tumiim ang panga niya at winaksi ang kamay ko. Pagkatapos ay pinunasan niya ang braso na hawak ko kanina. Hindi ko na na
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status