Lahat ng Kabanata ng When Heart Beats: Kabanata 11 - Kabanata 20
63 Kabanata
Kabanata 10
"Belle naman, ayoko ng naiisip mo. Ilayo mo na lang ako, please." Hawak ko na ang kamay niya habang ang mga luha ay patuloy sa pagpatak. "Aya, tumahan kana. Alam mo ba na kung hindi dahil sa kaniya ay pinaglalamayan ka na ngayon?" Pinahid niya ang mga luha ko saka hinaplos ang dibdib ko. "Sana nga at 'yon na lang ang nangyari. Mas gugustuhin ko pa na tuluyan na lang mawala kay sa makasama pa ang lalaking 'yon. Pagod na kasi ako, Belle. Puro na lang sakit at hirap ang nararanasan ko." I can't utter the words I want to say because I'm sobbing at the same time. Para akong bata na hindi matigil sa pag-iyak.Ang sikip na ng dibdib ko. "Ayoko na, pagod na pagod na ako, Belle. Pagod na ako sa lahat.""Aya, ano ba? Tumigil ka nga," tarantang pag-alo sa akin ni Belle, kasabay ang pagbangon sa akin. Kinapos na kasi ako sa paghinga. Feeling ko, k'unti na lang ay mawawalan na ako ng malay. Yakap na niya ako, at walang tigil sa pagtapik at paghaplos sa likod ko. Hinang-hina na ang katawan ko. Gu
Magbasa pa
Kabanata 11
Bakit ko pa ba tinatanong? Kahit pa sabihin na si Ancel ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon, hindi pa rin niyon mababago ang katotohanan na siya ang dahilan kung bakit ako umalis ng ganoong oras. Siya ang dahilan kung bakit ako napahamak."Ano ba ang pumasok sa utak mo, Aya at umalis ka nang ganoong oras, ha? Gano'n ka ba ka desperada na makalayo sa hayop na 'yon? Alam mong delekado ang lugar natin lalo na sa gabi pero umalis ka pa rin." Nauwi sa sermon ang pagtatanong ko."Oo, Belle, desperada nga akong lumayo. Hindi ko na kayang makasama sa iisang bahay ang lalaki na 'yon. Sawa na akong makita ang mga pinaggagawa nila ng Telay. Ayokong magtiis na lang na gawin nila akong utusan." Marahas kong pinahid ang mga luha ko. "Tahan na, Aya. Alam ko naman na galit ka nga sa Ancel na 'yon pero kung hindi dahil sa kan'ya. Baka hindi lang 'yan ang inabot mo." Pinahid niya rin ang mga luha ko. Mapait akong tumawa. "Belle, siya ang dahilan kaya nangyari sa akin 'to. Kung hind
Magbasa pa
Kabanata 12
My grip on Ancel's nape tightened as he nearly toppled. I yelled out of fear. The path we were walking on was covered with rocks, making it extremely difficult to walk. Fortunately, he kept his balance and we didn't tumble totally."Ang likot mo kasi," paninisi niya. "Kumapit ka nga lang ng mabuti at 'wag nang dumadal" dagdag niya pa.Tarandado talaga. Kumulo ang dugo ko. Ang sarap pagtatampalin ang mukha. "Ikaw ang nagdala sa akin dito, kaya 'wag kang magreklamo kung nahirapan ka," irita kong sabi."Sabi na ngang tumahimik ka na lang." Tumiin ang labi niya matapos sabihin 'yon at sandaling sumulyap sa akin. Nakagat ko rin ang labi ko dahil sa inis. Nagmistulang kuko ng pusa ang mga kuko ko na bumaon sa batok niya. Gusto ko pa nga sanang katagatin ang leeg niya. Sira-ulo siya. Dinala-dala ako rito, puro naman pala reklamo."Gusto mo bang madagdagan ang bali' mo?" sikmat nitong tanong. "Tigilan mo na ang ginagawa mo ngayon bago pa kita ibagsak." Sandali siyang huminto. Pinaling-p
Magbasa pa
Kabanata 13
Napailing at napangisi ako dahil sa sinabi ni Belle. Pakiramdam ko ay hinuhuli niya kung ano ang magiging reaksyon ko.Humarap ako sa kanya, saka ko siya tinitigan. "Do you really think I'm concern about your friend? Your imagination is so vast, Belle. But sorry for bursting your bubble; I don't care about her or anyone else," mariin kong sabi."Talaga?" Belle folded her arms and turned away. "All right, e-deny mo lang ng e-deny, at lokohin mo ang sarili mo hangga't gusto mo, kaya lang kasi, 'yang action mo ay hindi nagsisinungaling; it's undeniable that you care about my friend."Nilingon niya pa ako at mapang-asar na ngumiti.Sekreto kong nakamot ang ulo ko. Ang talas din kasi ng pakiramdam nitong si Belle. Kahit anong bangis ng ugaling pinapakita ko sa kan'ya ay huli niya pa rin ang kahinaan ko. Paanong hindi. Nakita niya ako na halos mabaliw sa kahahanap kay Aya no'ng gabing nawala siya. Naabutan niya pa ako sa hospital na nasa tabi ng kaibigan niya. Halos walang kurap na nakatit
Magbasa pa
Kabanata 14
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang sigaw at pagdaing ni Aya. Walang sabi-sabi na tinalon ko ang bakod na kawayan, kaagad ko lang marating ang kubo."Telay, tigilan mo na nga 'yan, ano ba? Wala ngang kalaban-laban si Aya," rinig ko ang boses ni Mica."Oo nga naman, Telay. Kailan ka pa naging gan'yan ka bayolente at nagawa mong saktan ang taong wala namang ginawang masama sa'yo?" Si Ason naman ang narinig kong boses.Nakuyom ko ang kamao ko sa tindi ng galit, lalo't sumasabay ang pagdaing at pagsigaw ni Aya sa pag-saway ng mga kaibigan ni Telay. "Pabayaan niyo nga ako." Gigil na sigaw ni Telay. "Bakit n'yo ba ako inaawat? Hindi ko talaga titigilan ang babae na 'to hangga't hindi siya tumayo." Malakas na da¡ng na naman ang kasabay no'n."Hindi na nga tama ang gigawa mo, Telay."Rinig na rinig ko ang sagutan nila. Habang papalapit ako."Tumahimik nga kayo. Lahat gagawin ko sa babaeng tamad na 'to. Alam ko, nagkukunwaring pilay lang 'to para makuha ang atensyon ni Ancel." S
Magbasa pa
Kabanata 15
Ang angas ko habang sinasabi ang salitang 'yon. Pero nang makita ko ang nanlaki na mga mata ni Aya, bigla akong nahiya. Nilamon ako ng hiya. Pero pinanindigan ko pa rin ang pagiging gago. Ang pagiging hayop ko. Hindi ako nagpatinag sa nararamdaman kong hiya na si Belle lang ang nakakahalata. Nagtakip na kasi ito ng bibig, at sandaling nag-iwas ng tingin sa kaibigan niya. Lalo tuloy na dagdagan ang hiya ko dahil dito kay Belle na nagpipigil na namang tumuwa. Sinabayan pa niya ng mapang-asar na tingin at bahagyang pagyugyog ng balikat niya. "Sabi ko naman sa'yo, Belle, hindi aalis ang hayop na 'yan," sikmat ni Aya matapos ang sandaling pagkagulat. “Hindi mangyayari na kusa siyang aalis. Ang sarap nga ng buhay niya rito. Libre lahat, pati katulong,” nangagalaiting dinuro-duro niya ako. Nanlilisik pa ang mga mata sa puntong hindi na niya napinsan ang pagpipigil na tawa ng kaibigan niya. Ngumisi ako ng kakaiba. Sumandal sa hamba ng pinto at pinag-ekis ang mga paa. Ang angas ko pa rin tin
Magbasa pa
Kabanata 16
"Hayop ka! Ibaba mo ako! Ano ba ang kasalanan ko sa'yo? Bakit mo ba ako ginaganito? Bakit mo ba ako pinahihirapan?" pasigaw nitong tanong kasabay pa rin ang paghampas sa mukha ko. "Gusto mong ibaba kita? Tapos ano ang gagawin mo? Gagapang ka pabalik sa kubo o palayo sa lugar na 'to?" Nginisihan ko na naman siya. "Tingin mo magagawa mo 'yon? Hindi mo nga nagawa noong nakakalakad ka pa ng maayos, ngayon pa kaya?""Wala kang pakialam! Wala kang pakialam kung ano man ang paraan na gagawin ko makalayo lang sa'yo," hagulgol pa rin niya. Pero bakas na ang medyo panghihina sa boses niya, at ang mga suntok at hampas niya ay hindi na rin ganoon ka lakas. Habang ako humigpit pa lalo ang paghawak ko sa kanya dahil kaunti na lang ay mababagsak ko na talaga siya, mabibitiwan ko na siya. Hindi dahil sa galit ako, at gusto ko siyang saktan, kung hindi dahil sa pagpupumiglas at paghampas niya sa akin kanina pa. Unti-unti na siyang dumaosdos sa mga bisig ko. Idagdag pa ang sigaw niya na parang bumaba
Magbasa pa
Kabanata 17
Napanganga ako nang marinig ang garalgal na boses na 'yon. Boses ni Aya. Hindi ko alam kong haharapin ko ba siya o hindi. Akala ko hindi na siya magsasalita. Iiyak na lang siya ng iiyak hanggang maubos ang mga luha niya. Kaya lang dahil sa sinabi ko, natigil ang mahabang paghikbi niya. At heto nga, nagawa na rin niya na magsalita pero may panggigigil pa rin. Bakas pa rin ang galit, at sa tingin ko ay malapit na siyang sumabog. Dahan-dahan akong lumingon. Narinig ko kasi ang mahina nitong tawa. Nakakakaba na tawa. Kabado ako na baka kung ano na naman ang sasabihin niya. Kung anong kalokohan na nga ang sinasabi ko, mabura lang ang masamang iniisip ng mga tsismosang matanda na kaharap namin ngayon na parehong nakataas ang mga kilay. "Talagang tinanong mo pa, Aya? Parang hindi mo naman alam at hindi ramdam." Sandali kong nakagat ang labi ko. "Umangat din kasi ang kilay niya. "Pamangkin nga kasi kita, hindi ba? Kapamilya at kadugo. Syempre mahal kita–" sagot ko, pero nasa dalawang matan
Magbasa pa
Kabanata 18
“Pasaway ka talagang bata ka! Pagtataguan mo pa talaga ako? Talagang malinlintikan ka sa akin!” Napapikit ako sandali nang makita ko ang bata na nagtatago sa isang puno habang papalapit naman ang nanay nito na may dalang pamalo at galit na galit.Napahawak rin ako sandali sa dibdib ko at tinapik-tapik pa. Bakit hindi ako kakabahan ng ganito? Pangalan ko ang sinigaw no’ng nanay ng bata. Pangalan na ginagamit ko sa magulong mundo. Akala ko kasi ay magtatapos na ang tahimik kong buhay kasama si Aya. Akala ko, dumating na ang panahon na kailangan ko na siyang iwan. Bukod sa kinabahan nga ako, nakaramdam din ako ng lungkot. Ma mi-miss ko kasi si Aya, panigurado ‘yon. Ang tagal na rin kaya naming nagsama. At sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Kahit hindi kami magkasundo at madalas pa rin kaming nagbabangayan. Pero kahit gano'n, ramdam ko pa rin naman ang kapayapaan sa piling niya. Syempre, masaya rin ako na kasama siya. At isa pa, kahit sino naman sigurong tarantado na mabigyang ng gani
Magbasa pa
Kabanata 19
CAHAYA’S POVHindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, hindi ko kasi agad nasagot ang tanong ni Ancel. Tama siya, ito na nga ang matagal ko nang hinihintay—ang mawala sa siya sa buhay ko at bumalik sa dati ang lahat. Pero bakit nakakaramdam ako ng kakaiba? Bakit parang nalulungkot ako? "Kung iyon ba talaga ang gusto mo, at kung sigurado na magiging maayos ka, aalis ako, Aya," seryoso nitong sabi na hindi ko pa rin magawang sagutin. Ewan ko kung bakit walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong magsalita, gusto kong sabihin na hindi ko alam kung kaya ko na ba na kumilos mag-isa. Pero hindi ko nga masabi. Hindi ko yata talaga kaya na umalis na siya dahil nasanay na ako na kasama siya. Nasanay na ako sa pag-aalaga niya. Binibi-baby niya kasi ako. Kaya kasalanan niya kung bakit ganito na ang nararamdaman ko. Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang buntong-hininga niya. "Ma-mi-miss ko ang lugar na 'to." Kasabay ng sinabi niya ang paglibot ng paningin niya sa buong paligid. Napatit
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status