All Chapters of The Billionaire's False Secretary: Chapter 11 - Chapter 20
32 Chapters
KABANATA 11
Apolonia"A-Ano po ba ang nangyayari, Boss?" pabulong ko ring tanong, naguguluhan sa mga ganap.Maloloka ako sa boss kong ito, kung anu-ano na lang kasi bigla ang sinasabi at ginagawa."Shut up and just hug me back," madiin na utos nito sa akin, may pagkataranta pa at mahina ang tinig.Luh? Baliw ba ito? Ba't ko naman ito yayakapin? Sakalin baka puwede pa. Mas gusto ko iyon.Sa halip na sumunod, mula sa pagkakasandig ng ulo ko sa dibdib nito ay nagtaas ako ng tingin, nasalubong naman agad ng aking mata ang singkitin nitong mata na kanina pa yata nakatuon sa akin.Sht. Bakit ang cutie ng mata nito? Dati sa kilay lang ako nito naku-cute-an tapos ngayon pati na ang mata. Ano pa ang susunod, self? Umayos ka.At dahil hindi ko naman inaasahan na nakatutok sa akin ang mata nitong cutie ay tila ba nalunok ko na ang mga gusto kong sabihin, nalimutan ko na pati na ang pagtutol sa nais nitong ipagawa sa akin at nauntol ang balak sanang paglayo ko rito.Binundol ba naman kasi ng kakaibang kaba a
Read more
KABANATA 12
Apolonia"Hi, Apol," masigla at nakangiting bati kaagad sa akin ni Draken pagkapasok nito, pagkatapos ay tumingin sa gawi ng opisina ng pinsan nito na kasalukuyang nakasarado ang pinto, maging ang blinds."Hello po, good afternoon po, Sir Draken," magalang na bati ko rito at nahawa sa ngiti nito nang balingan ako nitong muli.Pinagsawa ko ang mata ko sa mukha nitong kay sarap talagang titigan at napakaaliwalas, 'di tulad noong pinsan nitong ang sarap binatin ng mukha."Good afternoon. Is Druskelle in his office now? Kinokontak ko pero hindi sumasagot, dumiretso na ako rito at hindi na kita tinawagan pa, naisip ko kasi na baka wala na naman kayo pareho," usisa nito.Kasalanan po ni Boss, 'di tuloy ako nakasilay sa iyo kahapon."Nandito po si Boss. Kausap lang po niya ngayon 'yong HR Director," nakangiti pa rin na tugon ko."Oh, kaya pala. Tungkol sa naging result ba ng meeting with audit noong nakaraan ang pinag-uusapan nila?" usisa nito."Hindi ko po alam, e. Baka po, Sir. Kanina pa p
Read more
KABANATA 13
Apolonia"Hmm? Ano pa ba ang kulang?" pagkausap ko sa aking sarili habang nakapameywang na nakatingin sa mga putaheng nakalapag sa mesa na ako mismo ang personal na nag-asikaso at nagluto.Kasalukuyan kasi akong narito ngayon sa bahay ni Druskelle, pero wala itong kaalam-alam na narito ako at ipinaghahanda ito ng almusal.Maaga akong gumising upang magpunta lang rito, ilang araw na rin kasi akong nag-iisip kung ano ang puwede kong gawin para rito since naantig ako nang bongga sa kuwento ng pinsan nito tungkol sa masalimuot na bahagi ng buhay nito. Dahil nag-iisa lang din akong anak, iba ang dating sa akin noong mga narinig at nalaman ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot at simpatya, lalo na kapag naaalala ko iyong pagsubok na dumating sa buhay ko recently, 'yong panahon na wala akong makaramay na pamilya o kapatid man lang sana na alam kong makakaintindi sa bigat ng dinadala ko. Oo, sinasamahan ako ni Vi at dinadamayan, grateful ako roon, sa mga tulong at presensiya nito. Per
Read more
KABANATA 14
ApoloniaNatigil ako sa ginagawa at kaagad na napalingon sa telepono na nakapatong sa table ko noong magsimulang tumunog iyon.Umikot ang mata ko nang makita ang caller, walang iba kundi si Druskelle.Makalipas ang dalawa pang pag-ring ay dinampot ko rin iyon, kapag hindi ko kasi iyon sinagot ay paniguradong lalabas ito pamaya-maya para puntahan at i-check ako rito katulad nang ginawa nito kahapon nang hindi ko tanggapin ang tawag nito sa telepono dahil ayoko itong makausap at baka kung ano pa ang masabi ko dahil sa taas ng emosyon ko.Himala nga at hindi ako pinagalitan, katulad nang madalas nitong gawin kapag may hindi ito nagustuhan sa ginawa ko, nilapitan na lang ako nito at personal na sinabi ang nais nitong ipagawa sa akin, mukhang nakahalata na bad mood ako at hindi na iyon ginatungan pa, palibhasa ay mukhang alam at aminado ito na ito ang pangunahing dahilan kaya wala ako sa mood.Kahit na alam kong nasa kabilang linya na ito ay hindi ako nag-abalang bumati at hindi nagsalita,
Read more
KABANATA 15
ApoloniaArgh. Ba't ba masyado akong affected sa kung ano mang tingin at iniisip sa akin no'ng nakakainis na lalaking iyon?Kung ayaw ako nitong maka-close at 'di nito ma-appreciate ang ginagawa ko para rito e 'di don't! Hmp! Ano naman sa heart ko? As if naman kawalan ko iyon! Ito na nga ang iniintindi, ako pa ang masama!Natigil ako sa pagsisintir sa aking isipan nang bahagyang tumawa si Draken. "Nakakatuwa na may tao pa palang katulad mo, Apol."Naituro ko ang sarili ko. "Katulad ko po? Na ano? Na may pagka-weird?"Umiling ito. "Hindi. I mean, katulad mo na handang magsakripisyo para sa pamilya," paliwanag nito.Natahimik ako. Hindi ko kasi inaasahan ang sinabi nito."Ang dami kasing tao at mga anak sa ngayon na kapag kaya nang buhayin ang sarili ay nakakaya nang iwanan at abandonahin ang magulang. Pero iba ka, kahit na mahirap ang sitwasyon ay hindi mo iniwan ang father mo, heto at nagtitiis kang malayo sa kanya para may maipangtustos sa tuluyang paggaling niya."Kahit na may nad
Read more
KABANATA 16
DruskelleNasundan ko na lamang ng tingin ang likod ni Apolonia habang papalayo ito sa akin, napabuga na lang ako ng hangin pagkatapos na mawala ito ng tuluyan sa paningin ko at lumapat ang pinto ng aking opisina.Ilang araw nang hindi ito nagkikikibo, ang dating pagiging madaldal nito ay napalitan ng katahimikan, ramdam ko na napipilitan lamang na kinakausap at nilalapitan ako nito kapag kinakailangan lang talaga at tungkol iyon sa trabaho, kung hindi ay hindi ito kikibo. Kapag naman pilit na nagbubukas ako ng paksa para kausapin lang ako nito ay sumasagot naman ito, iyon nga lang, kung kikibo man ito ay napakatipid ng nagiging sagot nito at masasabi kong ang galing nitong pumatay ng usapan, nadadala nito ang paksa sa dulo dahilan para mawalan na ako ng sasabihin pa, palaging dead end na siyang ikinakainis ko.Hindi ko mapigilang manibago, sa bawat araw na lumipas kasi ay halos kabisado ko na ang ugali nito, ito kasi 'yong tipo na hindi nauubusan ng sasabihin, palagi itong may katwir
Read more
KABANATA 17
DruskelleDahil wala na akong hilig sa paglabas katulad noong dati, ang naging bagsak tuloy namin ni Draken ay kasama ko itong umuwi sa bahay."Ang sabi ko isasama kitang mag-relax, pero ako ang isinama mo rito. Ano naman ang gagawin natin dito sa bahay mo?" yamot na litanya nito habang nakasunod sa akin papasok ng bahay."Pumayag ba ako?""Wala kang karapatang tumanggi, automatic na substitute ka ni Apol since ikaw naman ang dahilan kaya hindi niya ako masasamahan dahil busy pa siya at pagod na at the same time sa dami ng ipinapagawa mong trabaho sa kanya."Gano'n ba iyon? "Lumayas ka na lang dito kung puro reklamo na lang ang maririnig ko sa bibig mo, nakakarindi na rin, Draken. Kanina ka pa sa sasakyan, hanggang dito ba naman?" yamot din na turan ko bago ibinagsak ang aking sarili sa sofa at pumikit upang kahit na papaano ay maibsan ang pagod na nadarama ko.Pero duda ako kung maiibsan nga ang pagod ko dahil sa pinsan kong daig pa ang manok kakaputak. Pagod na nga ako sa trabaho ga
Read more
KABANATA 18
DruskelleMagkatulong na nagluto kami ni Draken at pagkatapos naming maghapunan ay kumuha na ako ng maiinom namin upang umpisahan ang session.Sa kalagitnaan ng aming kuwentuhan, nang pansin kong paubos na ang yelo ay tumayo ako kaagad upang kumuha sa ref, ngunit pagbalik ko ay nakangiti na ang pinsan ko na parang timang habang nakatutok ang atensiyon sa telepono nito.Bahagyang tumaas ang kilay ko. "You look stupid. Babae iyan, 'no?" untag ko nang makalapit na ako rito bago inilapag sa gitna namin ang mga dala ko at naupo sa puwesto ko.Lalo itong napangiti. "Kailan ka pa naging tsismoso?"Binato ko ito ng maliit na pirasong yelo, ngunit matapos tamaan ay pinulot nito iyon sa kandungan at kinain."I'm not. Pero aminin mo, babae iyan. Iyang mga ngiti mong ganyan, alam na alam ko iyan."Ibinaba nito ang cellphone sa mesa bago nagtaas ng tingin at napailing-iling. "Well, babae nga, si Apol."Napakurap ako. "My secretary..." mahinang sambit ko."Yes, your adorable and hardworking secretar
Read more
KABANATA 19
ApoloniaNakarinig ako ng mga yabag ngunit hindi na ako nag-abala pang lingunin ang may-ari niyon, marahil ay si Draken lamang iyon dahil nagpaalam ito sa akin na kukuhanin nito ang telepono nito na naiwan sa kuwarto.Hindi ako umalis sa harap ng gas stove at patuloy lang sa paghahalo ng aking isinasangag na kanin na hindi naubos ng dalawang lalaki kagabi."Malapit na ito, Sir Draken. Upo ka na muna, stay put ka lang diyan at 'pag nakatapos ako rito ay ipagtitimpla kita ng kape para naman magising ang kaluluwa mong lasing pa rin," ani ko, halata kasing groge pa ito at masakit din daw ang ulo nito na siyang inirereklamo nito kanina habang kausap ko.Hindi ito tumugon at wala rin akong narinig na ano mang kaluskos tanda na naghila ito ng silya at naupo kaya naman hininaan ko ang kalan at may pagtataka na nilingon ito, baka kasi tahimik na bumulagta na lang pala itong bigla nang hindi ko namamalayan dahil hilo pa rin ito at may tama pa ng alak."Iyan kasi, ino-" Automatic na natigil ako
Read more
KABANATA 20
DruskelleBahagyang nangunot ang noo ko dahil sa tono ng gago at pananalita nitong halatang may laman, ngunit sa halip na patulan ang sinasabi nitong kagaguhan ay pinili ko na lamang na manahimik, gano'n din si Apolonia na nakaalalay pa rin sa akin."Oy, ba't 'di kayo makasagot? Ano talagang ginawa ninyo ro'n, ha?" malala at malawak ang pagkakangiti na sunod na tanong ni Draken sa amin nang wala itong nakuhang ano mang tugon.Gusto kong mapailing.Gago talaga, kung anu-ano ang laman na basura ng utak nito.Bahagya kong nilingon si Apolonia na tahimik lang, nalingunan ko itong namimilog ang mata habang nakatingin sa pinsan ko.Malamang ay na-gets din nito ang sinasabing kagaguhan no'ng kupal.Naiirita at nagtitimpi lang na napabuga ako ng hangin bago nagpasyang kumibo na. "Well, yeah, you're right. Magkasama nga kami roon. Pero tigilan mo 'yang kung ano mang maduming iniisip mo at ang pagiging malisyoso dahil walang gano'n na nangyari, okay?" sikmat ko rito.Lumabi ang gago, nagmukha tu
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status