Share

KABANATA 14

Apolonia

Natigil ako sa ginagawa at kaagad na napalingon sa telepono na nakapatong sa table ko noong magsimulang tumunog iyon.

Umikot ang mata ko nang makita ang caller, walang iba kundi si Druskelle.

Makalipas ang dalawa pang pag-ring ay dinampot ko rin iyon, kapag hindi ko kasi iyon sinagot ay paniguradong lalabas ito pamaya-maya para puntahan at i-check ako rito katulad nang ginawa nito kahapon nang hindi ko tanggapin ang tawag nito sa telepono dahil ayoko itong makausap at baka kung ano pa ang masabi ko dahil sa taas ng emosyon ko.

Himala nga at hindi ako pinagalitan, katulad nang madalas nitong gawin kapag may hindi ito nagustuhan sa ginawa ko, nilapitan na lang ako nito at personal na sinabi ang nais nitong ipagawa sa akin, mukhang nakahalata na bad mood ako at hindi na iyon ginatungan pa, palibhasa ay mukhang alam at aminado ito na ito ang pangunahing dahilan kaya wala ako sa mood.

Kahit na alam kong nasa kabilang linya na ito ay hindi ako nag-abalang bumati at hindi nagsalita,
Meowpyyyyy

Mayroon po bang nagbabasa nito? 😞

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status