Bumalik si Harvan sa palasyo ni Reyna Milcah. Nagtaka sina Lexie at Zillah sapagkat labis ang kaniyang pagngiti."Bakit ba tila ikaw ay tuwang-tuwa, Harvan?" tanong sa kaniya ni Zillah."Ikaw ba ay nakapag-alay na ng susunuging insenso sa templo?" wika naman ni Lexie.Masigla siyang sumagot, "Nanggaling na nga ako sa templo at ipinag-alay ng temple priest doon. Tinanggap naman ng Lord Father Adonai ang insenso kaya masaya ako."Nagkatinginan ang dalawa na mas lalong nagtaka."Kaya ka nakangiti nang ganiyan?" usisa pa ni Lexie."Gayon na nga. Nakatutuwa lamang na mababait sa akin ang mga temple priest na naroon maging ang bagong eldest high priest.""Bumisita roon ang eldest high priest?""Iyon na nga, Lexie," pagsang-ayon niya. "Habang ako ay paalis, nadaanan ko siya sa himpilan ng mga temple scribe. Nagpahayag ako ng paggalang at binati niya rin ako. Hindi niya nga lang naaalala ang aking pangalan kaya tinanong niya iyon.""Bata pa ang bagong eldest high priest at hindi pa nag-aasawa
Magbasa pa