Nabagabag si Datu Nebunizar dahil sa werewolf na napuna ni Deborah na nagmamanman sa Edoma Forest. Inaalala niya na marahil ay marami nang nakalap na impormasyon ang espiya tungkol sa mga miyembro ng kanilang werewolf clan."Armida!" tawag niya sa babaylan nang dumating ito."Ano po iyon, mahal na datu?""May bagong pangitain ka na ba tungkol sa aking apo at sa infected werewolf?""Mahal datu, pigilan man nating mangyari ang mga kapahamakang maaaring sapitin nina Adult Ram Luiz at ni Binibining Deborah ay hindi tayo magtatagumpay.""Kung ganoon pa rin ang iyong nakikita, kailangan ko nang ipaalam sa kanilang dalawa ang totoo."*****"Binibining Deborah," tawag kay Deborah ni Carlos.Napatingin siya rito."Adult Ram Luiz," pagbati pa nito kay Ram Luiz."Ano iyon, Carlos?""Adult, mabuti at naririto pa si Binibining Deborah. Siya at ikaw ay pinatatawag ng mahal na datu."Nagtinginan sila ni Ram Luiz sa isa't isa.Labis ang kaniyang pagtataka sapagkat noon pa man ay hindi siya pinatatawa
Terakhir Diperbarui : 2025-12-03 Baca selengkapnya