Nasa kalagitnaan na sina Emmanuel at Samuel sa kanilang paglalakbay. Nakatanaw si Emmanuel sa labas ng bintana na malapit sa kaniya. Siya ay namamangha sa kapaligirang nadaraanan ng kanilang sinasakyan patungong Guzen."Tingnan mo, older brother!" akay niya sa nakatatandang kapatid. "Napakaraming bulubundukin sa lugar na iyon."Bahagyan sinilip ni Samuel ang direksyong itinuturo niya. "Iyan ang Mount Gracia, Mount Misericordia, at Mount Bondad. Natatabunan nila ang Edoma Forest na pumapaligid sa Guzen."Nilingon niya ito at nagtanong, "Malapit na ba tayo, older brother?"Umiling ito. "Hindi pa ngunit malayo-layo na rin ang ating nilakbay."Napabuntong-hininga siya at nagwika, "Malayo na nga tayo sa Melyn. Parang kailan lang ay kararating mo lamang doon bilang bagong temple priest.""Nais mo na bang bumalik ng Melyn?"Ngumiti lamang siya at muling tinanaw ang mga kabundukang tumatakip sa kanilang patutunguhan."Lumilipas lamang ang panahon, Emmanuel, kapatid ko. Kapag naordinahan ka n
Terakhir Diperbarui : 2026-02-25 Baca selengkapnya