Minabuting ihatid sina Hadassa ng kaniyang amang si Nahor sa isang hardin kung saan nila napagkasunduang mamasyal. Ang lugar ay may maraming tanim na Melyn flowers tulad ng Melyn bells at Orin grass.Tahimik sa naturang lugar at maaliwalas."Uuwi kaagad ako matapos ang digmaan sa Fukused," pangako ng papa niya sa kanila habang nakatingin sa mama nila.Niyakap ito ni Linosa. "Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay, mahal ko."Gumanti naman ng yakap dito ang papa niya. "Pangako, mag-iingat ako."Nagsilapit silang magkakapatid sa kanilang mga magulang at isa-isang yumakap sa papa nila."Ikaw na ang bahala sa fortune teller cabin at sa mga kapatid mo, Hulda," bilin nito sa eldest sister niya.Tumango naman si Hulda. "Makakaasa ka, Papa."Bumaling naman sa kaniya ang papa niya. "Hadassa, anak ko, huwag mong hahayaang makawala sa paningin mo ang youngest sister mo. Palagi mo siyang paaalalahanang huwag hingian ng malaking halaga ang mga dayuhan."Tumingin muna siya kay Hannah bago bumulong sa a
Mehr lesen