Katatapos lamang mag-alay ng Qanna sheep ni Reyna Milcah nang pumasok si Lexie sa silid ng pag-aalay."Mahal na reyna," tawag ni Lexie sa kaniyaNilingon niya ito, "Ano iyon, Lexie?""Si Prinsesa Anarah ay dumating po sa palasyo upang bisitahin ka, mahal na reyna.""Si Arahab!" nakangiti niyang sambit.Agad na nilisan niya ang silid ng pag-aalay upang harapin ang bumisita. Nagagalak siya na makita ito."Nasaan siya?" nasasabik niyang tanong."Nasa bulwagan ng palasyo, mahal na reyna."Dali-dali siyang humakbang patungong bulwagan."Nakatutuwa na binibisita niya tayo, Lexie.""Siya nga, mahal na reyna!"Labis ang kaniyang tuwa nang maratnan si Arahab sa bulwagan habang naghihintay sa kaniya."Prinsesa!" tuwang tawag niya.Lumingon si Arahab at ngumiti. "Reyna Milcah!"Niyakap nilang dalawa ang isa't isa na tila matagal nang nagkahiwalay.*****Nanggaling na si Harvan sa templo ng Locust City. Papasok na siya ng palasyo ngunit hindi pa rin maalis sa kaniyang isipan ang hindi kanais-nais
Read more