"Ginang," sambit ni Reyna Milcah, "paano mo ba mapatutunayan ang iyong sinabi? Isa iyang mabigat na paratang.""Mabigat na paratang? Hindi isang paratang ang aking sinabi kundi pagkasira ng aking dangal, Mahal na Reyna." Lumuluhang sagot sa kaniya ni Linosa."Maaari mo bang isiwalat ang lahat ng iyan sa paglilitis sa mga high priest? ""Ngunit, Mama," pigil naman ni Hannah."Wala kang dapat na ipag-alala, anak ko." Saad naman ni Linosa.Agad na iminungkahi ni Reyna Milcah kay Haring Chezedek na payagang magpatotoo si Linosa laban kay Eldest High Priest Ellai sa kalagitnaan ng paglilitis.Pinahintulutan naman ng hari ang kaniyang iminungkahi bagamat nakatutok ang paglilitis sa mga high priest.Maraming miyembro ng elders council ang umalma na pakinggan si Linosa. May mga tutol sapagkat ilang taon na ang nakalilipas mula nang maging usap-usapan ang nangyari rito at high priest pa lamang noon si Eldest High Priest Ellai. Ang ilan naman ay iginigiit na walang katotohanan ang sinabi nito.
Read more