"Tunay bang ikaw ay aalis na ng Guzen at magpupunta ng Edoma Forest, Deborah?" agad na tanong ni Zillah habang papalapit sa kanila ni Arahab.Nagtinginan muna sila ng kaibigan.Tumango siya at sumang-ayon, "Tama ang iyong narinig, Zillah. Nais ko sanang pormal na sabihin kay Reyna Milcah matapos ang inagurasyon ang tungkol doon.""Kinakailangan na ngang magtungo ng Edoma Forest ang aking kapatid bago umuwi ng Gypto," nakatingin sa kaniyang pagsegunda naman ni Arahab."Hindi ko intensyong umalis nang walang paalam, Zillah. Kung may pagkakataon ay ako mismo ang magpapaalam sa mahal na reyna." Paliwanag niya."Isa na ring younger sister ang turing sa iyo ni Reyna Milcah, Deborah. Natitiyak kong malulungkot siya sa iyong pag-alis ngunit mauunawaan naman niya ang dahilan niyon." Mahinahong sambit ni Zillah."Kung iyong mamarapatin, Zillah, sana ay pahintulutan ninyo ni Lexie ang tuluyang pag-alis ko ng palasyo." Paalam niya.Tumango ito. Yumuko at tipid na ngumiti. "Walang problema, Debor
Last Updated : 2025-11-11 Read more