بيت / Fantasy / The Chosen Werewolf Wife / Chapter Eighty-seven: Espiya sa Edoma

مشاركة

Chapter Eighty-seven: Espiya sa Edoma

last update تاريخ النشر: 2025-12-03 20:13:21

Dahil gumaling na si Ram Luiz ay nakapagdesisyon na si Deborah. Magtutungo na siya sa Gypto upang tumulong sa kaniyang witch clan at sorcerer clan.

"Maraming salamat sa pag-aalaga mo, aking binibini. Ikaw ang dahilan ng mabilis na paggaling ko." Pasasalamat sa kaniya ni Ram Luiz habang inihahatid siya.

Nagtinginan naman sina Sharina at Loisa na pinipigilang mapangiti dahil sa sinabi ni Ram Luiz.

"Walang ano man iyon, Ram Luiz. Sayang naman ang mga natutuhan ko sa paggawa ng healing ointment kun
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-nine: Ang Pagbabalik Sa Gypto

    Dalawang taon na ang nakararaan sa Edoma Forest matapos ang pag-iisang-dibdib nina Leandro at Sharina..."Leader! Leader!" tumatakbong sigaw ni Severus nang makapasok sa Wuluf Cave kung saan nakikipag-usap si Ram Luiz sa kapatid na datu.Kumunot ang kaniyang noo at napailing bago harapin ang kagrupo. "Anong balita, Severus?"Napahawak ito sa dibdib dahil sa sobrang pagkahingal. "Si Binibining Deborah ay nagising na."Nagkatinginan muna sila ni Datu Siviro bago niya nilisan ang Wuluf Cave.Lumakad sila papunta sa toldang tinutuluyan ni Deborah upang makita ang kabiyak.Matagal ding nakatulog ito na lubos na ikinabahala ng kanilang werewolf clan at ng Gypto."Adult Ram Luiz," sambit ni Loisa nang makapasok sila ng tolda.Tumango lamang siya kay Loisa at bumaling kay Deborah na nakatalikod sa kaniya."Aking binibini," malakas ang pintig ng puso niyang pagbigkas.Dahan-dahang lumingon sa kaniya ang kabiyak. Napuna niyang naahit na ang mga balahibo nito sa katawan."Magtungo na tayo sa Gyp

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-eight: Ang Pagbabalik Sa Fukused

    "Mama?" pabulong na tawag ni Hannah habang nakasakay sila sa karwaheng sinasakyan ng heneral. "Tama po bang sumama tayo kay Heneral Jesi?"Napangiti ang kaniyang ina. Mahina lamang ang tinig nito habang nagsasalita. "Alam kong hindi pa natin sila lubusang kilala, aking bunso. Marahil ay nangangamba kang may masama silang pakay. Ngunit ang Haring Jehu na mismo ang nag-utos na isama nila tayo papuntang Fukused."Pasimpleng sinipat niya ng tingin ang kinaroroonan ng heneral. Hindi niya mawari kung may masama itong intensyon o mabuti ang kalooban.Muli siyang bumaling sa ina. "Ano ba sa palagay mo, Mama, magkasinggulang ba sila ni Big Sister?"Pasimpleng napangiti ang kaniyang ina at bumulong, "Pakiwari ko ay nakapagdiwang na siya ng kaniyang ikaapatnapung kaarawan.""Tulad ng Eldest Sister?"Napahagikgik ito at tumango.Sinipat naman niya si Hadassa na tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ng karwahe. Naalala niyang hindi man lamang sila nakapagpaalam kay Emmanuel.Matagal na niyang hind

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-seven: Pagtatago Ng Karamdaman

    Nang makaalis si Inang Reyna Liana, muling nagtungo sa kaniyang silid si Haring Jehu."Mahal na hari, ipatatawag na ba namin ang inyong lung doctor?" nababahalang tanong ng eunuch.Nakahiga na siya sa higaan at umuubo nang malala.Tumango na lamang siya sapagkat hindi pa niya kayang magsalita nang maayos.Oras na ng pag-inom niya ng gamot kaya bigla na lang siyang umubo nang malala."Mabuti na lamang at nakaalis na ang inang reyna bago ka sinumpong ng iyong karamdaman, mahal na hari." Saad ng eunuch habang pinaiinom siya nito ng gamot.Uminom muna siya ng asul na likido bago bumalik sa pagkakahiga.Unti-unting bumuti ang kaniyang pakiramdam. Natigil ang kaniyang pag-uubo."Kumusta ang iyong paghinga at lalamunan, mahal na hari?" tanong ng eunuch."Bumuti na. Mabilis tumalab ang gamot na ipinainom ninyo sa akin.""Narito na ang manggagamot, mahal na hari!" anunsyo ng isa pang eunuch.Napabuntong-hininga siya nang pumasok ang manggagamot.Nagpakita naman ito ng paggalang sa kaniya bago

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-six: Ang Pagkahimbing

    "Chai," tawag ni Prinsesa Nayacah sa isang tagapaglingkod."Prinsesa Nayacah, nagugutom ka na ba? Nais mo bang maghanda ako ng makakain mo?"Umiling siya. "Hindi na, Chai. Nais ko lang malaman kung nasaan si Mama.""Si Prinsesa Samerah? Siya ay nasa kaniyang silid, Prinsesa.""Gayon ba? Kung gayon ay pupuntahan ko siya. Hindi pa kami nagkakausap mula nang ako'y magising.""Mabuti pa nga, Prinsesa Nayacah. Bigla na lamang siyang nabalisa nang dahil lamang sa pagbisita ni Dukesa Linosa at ng mga anak nito." "Si Dukesa Linosa? Siya ba iyong dating tagapaglingkod na paborito ng grandmother na inang reyna?" usisa niya."Siya nga, Prinsesa." Nababahalang sagot ng tagapaglingkod."Bakit naman siya nababahala sa pagbisita ng dukesa? May hidwaan ba sila?""Wala namang hidwaan, Prinsesa. Itinuring na rin na parang tunay na anak ng inang reyna si Dukesa Linosa noong tagapaglingkod pa lamang siya. Maging ang Haring Jehu at Duke Jabez ay malapit ang loob sa kaniya."Napabuntong-hininga siya. "M

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-five: Agarang Pagbisita

    Habang naghihintay si Hannah kasama ang ina at nakatatandang kapatid sa harap ng palasyo ni Haring Jehu..."Mama," tawag niya sa atensyon ng ina at itinuro ang nagbubukas na tarangkahan ng palasyo.Nagsitinginan sina Linosa at Hadassa sa tarangkahan.Nagsilabasan doon ang mga royal guard at mga palace guard."Bakit nagsilabasan sila? Papalabas na ba ang Inang Reyna Liana?" pagtataka ng mama niya."Ang mahal na Haring Jehu," bulong ng big sister niya sa kanila.Sa paglabas ng hari ay agad namang napansin nito ang kanilang presensya."L-linosa," tila pagtataka ng hari, "ikaw ba ay naparito?"Nagsiyuko silang tatlo sa harapan nito at bumati, "Masayang pagbati sa iyo, Haring Jehu!""Iangat na ninyo ang inyong mga ulo. Isang masayang noon hour sa inyo!""Isang masayang noon hour din sa iyo, mahal na Haring Jehu!" ganting pagbati rito ng mama niya. "Kami ay nagtungo rito upang magbakasaling makita ang Inang Reyna Liana.""Si Mama?" napapaisip na tugon ng hari."Mahal na Hari, ang karwahe ng

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter One Hundred Twenty-four: Nakayayamot Na Nakaraan

    Gamit ang batong Crisante ay muli na namang binisita ni Hannah ang Guzen. Isinama niya si Hadassa at ang inang si Linosa.Napagkasunduan nilang alamin kung ano ang kinalaman nina Prinsesa Samerah, Inang Reyna Liana, at Haring Jehu sa panaginip ni Hadassa.Agad silang nagtungo sa palasyo ni Inang Reyna Liana. Ang pagbisita sa inang reyna ang naisip nilang paraan upang makagalaw sa Guzen."Ipagpaumanhin po ninyo, Dukesa Linosa, ngunit kaaalis lamang ng Inang Reyna Liana." Pagbibigay-ulat ng tagapaglingkod na tinawag ng palace guard upang umistima sa kanila.Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa nasabi ng tagapaglingkod."Ganoon ba?" tanong naman ng mama nila."Opo, Dukesa.""Kung gayon ay babalik na lamang kami sa ibang panahon." Paalam pa ng mama niya.Nagkatinginan na lamang sila ng big sister niya. Tinitimbang nila kung ano ang susunod na gagawin base sa sitwasyon."Sayang naman po ang inyong inilakbay, Dukesa. Ang mahal na inang reyna ay nagtungo lamang po sa palasyo ng Mahal n

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter Forty-three: Light Kingdom

    Dumating na ang itinakdang panahon nang pagtatalaga kay Yusef bilang panibagong hari ng Light Kingdom. Ang lahat ng mga mamamayan ng Light Kingdom ay saksi sa paglalagay sa kaniya ng korona at ang pormal na pagtatalaga bilang ama ng buong kaharian. Ang lahat ng kaniyang mga

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter Thirty-one: Masamang Pangitain

    Habang nangangaso si Haring Nimrod sa isang Grey forest sa kanang bahagi ng Light Kingdom ay batid niya ang mga nagliliparang Qanna reyvens sa himpapawid. "Masamang pangitain ito..." mahinang sambit niya dahilan upang magtinginan sa kaniyang direksyon ang mga anak na sina Prinsipe Mahalaleel

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter Thirty: Pag-iwas at Pagpapahalaga

    . "Isang masiglang Melyntor day mga ginoo at mga binibini! Alam ko na karamihan sa inyo ay marami na ang nalalaman tungkol sa metal alchemy," pagsisimula ni Master Alchemist Jung. "Ngunit mayroon din naman sa inyo ang nagsisimula pa lamang pag-aralan ito." Nagtinginan ang mga mag-aaral

  • The Chosen Werewolf Wife   Chapter Twenty-nine: Kaibigang Matalik

    ****** Matamlay na bumalik ng palasyo si Deborah. Tipid lamang ang pagbating ibinabahagi niya sa mga kapwa tagapaglingkod. Nagtataka man ang mga kasamahan ay hindi na siya inusisa pa ng mga ito. Nang makapasok siya sa kaniyang silid ay agad na napahiga siya sa kaniyang higa

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status