All Chapters of One Hot Night With The Billionaire: Chapter 11 - Chapter 20
69 Chapters
#11
Elle’s Point of View RAMDAM ko ang hapdi sa gitna ng mga hita ko nang magising ako. Nanghihina ang katawan ko dahil sa pagod at parang lutang din ang kaisipan ko. Napatulala na lamang ako habang nakatingin sa side table na nasa gilid ko habang mahigpit na hawak ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Tila ba ngayon lang sumiksik sa utak ko ang katotohanang pinagkaloob ko ang sarili ko sa kanya nang gano'n gano'n lang. Ni hindi ko nagawang manlaban at halatang ginusto pa ang nangyari... Kinagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa malasahan ko ang dugo mula roon. Nag-iinit ang mga mata ko habang iniisip na naging mahina na naman ako pagdating sa kanya... sa hindi malamang kadahilanan. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa nagawa. Alam kong mali iyon at labag sa prinsipyo't aral na nakagisnan ko... Alam kong malaking kasalanan 'yon sa mata ng dakilang Ama. Suminghap ako at hindi na napigilan ang maiyak nang tahimik habang nakahiga sa malambot na kama. Maiinit ang bawat luhang nag
Read more
#12
ILANG oras lang din ay sumikat na ang araw. Umuwi si Auntie Levi pasado alas nuebe na ng umaga. Nilagay ko ang pinagkainan ko ng almusal sa lababo at pagkatapos ay sinalubong siya. "Auntie!" tawag ko sa kanya nang makita itong naghuhubad ng sandals pagkapasok palang ng pinto. Binaling nito ang tingin sa akin. Namumula ang mga pisngi nito at namumungay ang mga mata. Naamoy ko ang alak sa kanya at base sa ngisi siya sa akin, hindi makakailang lasing ito at wala sa sarili. "Nandito na pala ang pinakamaganda kong pamangkin!" bulalas niya. Nagulat ako nang mabilis itong yumakap sa akin. Ilang beses niyang hinalikan ang mga pisngi ko at para bang tuwang-tuwa na makita ako. "Auntie, bakit naman po kayo naglasing?" nag-aalala kong tanong sa kanya at inalalayan siya para makatayo nang maayos. "Because I'm happy!" Bumungisngis ito. "Alam mo ang dami ko talagang natatanggap na swerte sa buhay simula nang dumating ka rito, Elle! Ikaw na yata ang lucky charm ko, e. Yayaman ako nang bon
Read more
#13
"KILALA mo ba 'yong Zendejas?" "Ah, 'yong lalaki na kasama mo kagabi?" Tumango ako at kuryoso siyang tinitigan. Mukhang may alam si Bart dahil matagal na siyang nagtatrabaho rito at gusto kong makakuha ng kahit na anong impormasyon tungkol sa lalaking ‘yon. "Isa siya sa mga mayayamang kliyente ng boss natin, Elle. Isang hiling niya lang ay binibigay agad ng boss at ni Levi. Pati ang mga kaibigan niya, gano'n din. Alam mo naman ang nagagawa ng pera." aniya. "Kung gano'n ay madalas siya rito?" Umiling si Bart at ngumiti. "Minsan lang siya magpunta rito, Elle. Mas madalas ang mga kaibigan niya rito. Nitong mga nakaraang gabi ko lang siya napansin na panay ang dalaw kaya naisip ko na baka may dinadalaw..." makahulugan nitong sabi kaya napakunot ang noo ko. "Nagbabayad ba siya para sa escort, Bart?" kuryoso kong tanong. "Sino ba namang lalaki ang aayaw sa masarap na putahe, Elle? Ang alam ko ay oo," sagot ni Bart at saka nagkibit-balikat. Parang may bumara sa lalamunan ko n
Read more
#14
NAGUGULUHAN ang isip ko habang nakatingin sa mga mata niya. Tila ba walang awa ang mga 'yon at handang-handa sa isang matinding laro; Isang laro na hindi ko alam kung paano kokontrolin dahil wala akong maliit na ideya kung paano 'yon lalaruin. Para siyang bugtong na hindi ko maintindihan. Parang kahapon lang ay matino at seryoso siya habang kinakausap ako pero ibang-iba ang emosyong pinapakita niya sa akin ngayon. Hindi pamilyar ang ugaling pinapakita niya kaya hindi ko maiwasang magtaka. Mapaglaro at mapaghamon... bagay na hindi ko kayang tagalan. "Are you scared of me, Calys?" nanunuya niyang tanong sa akin habang magkalapit pa rin ang mga mukha namin. Nanginginig ang kalamnan ko sa pinapakita niyang ugali. Hindi ko matagalan ang titig niya sa akin kaya marahas ko siyang tinulak palayo. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko habang galit siyang pinakatitigan. Ni hindi man lang siya nagulat o kung ano. Animo'y mas natuwa pa siya sa nangyayari dahil lumapad ang ngisi sa kanyang m
Read more
#15
"HINDI ba sinabi ko na sa 'yo na ayaw na kitang makita?" lakas loob kong wika kahit na nagsisimula na namang mabuo ang kaba sa dibdib ko. "As if I care?" Napalunok ako nang makita ang galit sa kanyang mga mata. Ang kaninang kapilyuhan ay nawala na. Napakurap ako nang mapansin ang halatang pamumula ng kanyang pisngi. Halos bumakat ang palad ko roon. Suminghap ako, ramdam ang pangangatog ng aking mga tuhod. Bahagya akong umatras. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari pero hindi ko pinakita iyon. Tinaliman ko ang paninitig sa kanya. "Umalis ka rito!" pagtataas ko ng boses. Ngumisi ito nang mapait dahilan para lumabas ang dalawa niyang dimples. Lumunok akong muli at kinunot ang aking noo. "Alam mo bang hindi pa ako nasasampal kahit kailan?" saad niya sa aroganteng boses. "D-Dapat lang sa 'yo 'yon!" Naningkit ang mga mata niya. Mas lalo akong nakaramdam ng matinding kaba nang maglakad siya palapit sa akin. Halos mapatid ang paghinga ko nang sa isang iglap ay maramdaman ko a
Read more
#16
PUMASOK si Auntie Levi kinagabihan sa bar at dahil tanggal na ako sa trabaho ay naiwan ako sa apartment. Mabuti na lamang ay pinahiram niya sa akin ang kanyang laptop kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Sinimulan kong maghanap ng trabaho sa internet habang nasa kusina. Ang laptop ay nasa countertop katabi ng mainit na kape. Mabilis ang pag-scroll down ko sa isang website na nabuksan ko. Puro pang-propesyunal na mga trabaho ang nasa listahan. Binasa ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy sa ginagawa. Sa huli ay sinampal na lamang ako ng isang katotohanan— ang katotohanan na mahirap humanap ng trabaho lalo na at hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo. Naninikip ang dibdib ko habang tulalang nakatingin sa screen ng laptop. Alam ko kung ano ang halaga nang makapagtapos ng pag-aaral pero nasasaktan pa rin ako sa katotohanang maliit pa sa daga ang oportunidad para sa mga kagaya kong hindi nakapagtapos ng kolehiyo, na para bang nalimitahan na ang pangarap ng isang gaya ko
Read more
#17
FATIMA: Elle! Great news! Nakausap ko na si Ma’am Eisha! Binigay niya raw ang resume mo sa kapatid niyang nangangailangan ng katulong sa bahay at ang sabi ay tanggap ka na raw! Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mensahe ni Fatima kinagabihan. Ang buong akala ko ay hindi ako tatanggapin dahil buong araw akong naghintay ng balita mula sa kanya. Akala ko ay wala akong pag-asa pero umaagos na ang saya sa dibdib ko dahil mali ako! Ako: Totoo ba, Fatima? Naku, pakisabi naman sa amo mo na salamat ng marami! Malaking tulong ‘to para sa akin! Salamat din sa ’yo! Fatima: Ano ka ba! Syempre tayo lang naman ang magtutulungan dito! Saka sa kapatid ka niya magwo-work, ha? Malapit lang naman ‘yong mansyon ni Ser Eionn. Halos magkakapitbahay lang silang magkakapatid dito sa malaking subdivision sa BGC. Kailan ka pwede magsimula? Ako: Kahit bukas ay ayos lang! Fatima: Uy, talaga? Matutuwa niyan si Ma’am Eisha. Kailangan na raw kasi ng matinding linis no’ng mansyon ng kapatid n
Read more
#18
HALOS mapanganga ako nang makarating kami sa bahay ng magiging amo ko. Napakalaki nito. Tila ba isang glass house dahil sa mga naglalakihang glass window. Para bang tatlong malalaking bahay na pinagdikit-dikit at maganda ang kinalabasan, nakakaakit dahil din sa kulay na napili para sa mga haligi nito. . . puti at kulay abo ang mga pader samantalang kulay kayumanggi naman ang mga naglalakihang pinto. Ang mga berdeng halaman at bermuda grass naman na nasa harapan ng bahay ay nagdadala ng lamig sa aking mga mata. Inikot ko ang aking paningin. Animo'y ginto ang malaking gate samantalang may malawak na parking space na halos kasya ang limang kotse. "We're here!" bulalas ni Ma'am Eisha. "A-Ang laki naman po ng bahay ng kapatid mo, Ma'am. . ." Hindi ko napigilan ang bibig ko habang patuloy ang pagkamangha sa mga nakikita. Tumawa sina Ma'am Eisha at Fatima marahil ay dahil sa reaksyon ng mukha ko. Sino ba namang hindi mamamangha sa ganitong kagandang bahay? Sa pelikula lang ako naka
Read more
#19
NAGISING ako pasado alas dos ng madaling araw nang makaramdam nang pagkauhaw sa tubig. Nanunuyo ang lalamunan ko dahilan para bumangon muna ako at lumabas ng kwarto. Tumikhim ako at saka naramdaman ang sakit sa aking lalamunan pagkatapos ng ilang pagkalunok. Huwag naman sana akong magkaubo. Huminga ako nang malalim at naglakad sa madilim na pasilyo. Naglakad ako pababa ng hagdan at napatingin sa kabilang parte ng bahay kung saan makikita ang malawak na kwarto kung saan galing si Sasha kanina. May kaunting ilaw akong naaaninag galing do'n kaya baka nakauwi at nagpapahinga na ang amo ko. Sinikap kong maglakad ng tahimik at dumiretso sa kusina. Kumuha lamang ako ng baso sa cabinet at maingat na nagsalin ng tubig mula sa water dispenser nang maramdaman ang pagpasok ng kung sino galing sa aking likuran. Hindi ako nakagalaw at natigil sa pag-inom ng tubig. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng fridge kaya naisip ko na baka ang amo ko 'yon! Dahan-dahan akong lumingon sa gawi niya.
Read more
#20
UMAHON ang matinding kaba sa dibdib ko. Napatingin ako sa kanyang mukha at kitang-kita ko ang lamig sa kanyang mga mata, pirming nakatikom ang mapupulang labi at kalmado ang perpektong panga. Tumagal ang titig niya sa akin na animo’y binabasa niya ang nasa isip ko. Agad akong napayuko nang hindi makayanan ang mga titig na ‘yon. Masyado akong kinakain ng kaba na hindi ko na alam kung ano'ng dapat gawin. “I made a breakfast for you because you cooked for me last night,” saad niya. Naramdaman ko ang paglakad niya na mas lalong nagpatigas ng mga paa ko mula sa kinatatayuan ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng fridge. Narinig ko rin ang pagkuha niya ng baso at pagsalin dito ng tubig. Pigil ang bawat hininga ko habang nakayuko at tahimik na pinapakinggan ang kanyang bawat galaw. Hindi ko rin napigilan ang pagkagat sa aking ibabang labi. “I’m glad that you already stopped working in that freakin' bar," pahayag niya pagkatapos ay sunod kong narinig ang pag-inom niya ng tubig. T
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status