Share

#15

"HINDI ba sinabi ko na sa 'yo na ayaw na kitang makita?" lakas loob kong wika kahit na nagsisimula na namang mabuo ang kaba sa dibdib ko.

"As if I care?"

Napalunok ako nang makita ang galit sa kanyang mga mata. Ang kaninang kapilyuhan ay nawala na. Napakurap ako nang mapansin ang halatang pamumula ng kanyang pisngi. Halos bumakat ang palad ko roon. Suminghap ako, ramdam ang pangangatog ng aking mga tuhod.

Bahagya akong umatras. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari pero hindi ko pinakita iyon. Tinaliman ko ang paninitig sa kanya.

"Umalis ka rito!" pagtataas ko ng boses.

Ngumisi ito nang mapait dahilan para lumabas ang dalawa niyang dimples. Lumunok akong muli at kinunot ang aking noo.

"Alam mo bang hindi pa ako nasasampal kahit kailan?" saad niya sa aroganteng boses.

"D-Dapat lang sa 'yo 'yon!"

Naningkit ang mga mata niya. Mas lalo akong nakaramdam ng matinding kaba nang maglakad siya palapit sa akin. Halos mapatid ang paghinga ko nang sa isang iglap ay maramdaman ko a
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status