All Chapters of IKAW SA AKING MGA KAMAY: Chapter 21 - Chapter 30
101 Chapters
Chapter 21
KULANG na lang ay maipikit ni Cataleya ang mga mata nang masamyo pa niya ang mabangong hininga ni Lukas. Tila nanadya ito sa malapit na pagitan ng kanilang mga labi. May kung anong kakaibang init ang binubuhay nito sa bawat himaymay niya.“Inayos ko lang ang pagkakabit mo ng seat belt mo. Maluwag eh at delikado sa mga unexpected circumstance,” sabi nito. Napababa ang tingin niya sa abalang kamay nito.Inayos nga nito ang pagkasuksok ng latch plate sa buckle ng seat belt niya. Isang bagay na hindi niya napansin kaagad. Nakadama naman siya ng pagkapahiya sa sarili, pero hindi niya ipinahalata iyon sa boss niyang kasama. “Sorry, nagmadali kasi ako sa pagsakay dito sa SUV mo. Hindi ko na napansin ‘yan.”Inilayo nito ang sarili sa kanya at umayos muli ng upo sa driver’s seat. Natuon muli ang atensyon nito sa muli sa pagpapaandar ng kinaluuanan nilang sasakyan.“It’s alright, time to go again,” ani nito na hindi na siya nilingon pa. Naramdaman nila ang kanilang pag-andar sa gitna ng kalye.
Read more
Chapter 22
“MAY ipapakiusap sana ako sa’yo, Ma’am Cataleyah,” muling sabi ni Conchita. Mababakas sa mga mata nito ang kislap ng pakikiusap.“Ano naman poi yon?” Nanatiling ang diretsong tingin niya sa ginang. “S”ya nga po pala, Cat na lang po ang itawag ninyo sa akin. Huwag n’yo na po akong tawaging Ma’am dahil hindi naman na kayo iba sa akin ni Aya.”Para kasi siyang nakasumpong ng bagong pamilya sa mag-ina na kasama niya ngayon sa bahay niya. Kung ayaw ni Lukas sa mga ito, sa parte niya ay hindi siya magdadamot ng pagmamahal at pagutulong. Magkataliwas ang mga desisyon nila ng kanyang boss. At least siya ay puso ang pinapairal niya.“Huwag mong sukuan ang anak kong si Lukas, Cat,” malumanay na sabi ni Conchita. “Sa pamamagitan mo kasi, kahit paano ay nagiging updated ako sa nangyayari sa buhay ng anak ko.”Hindi niya malaman ang magiging reaksyon niya. Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Kaya ko naman hong pakisamahan at tiisin si Lukas sa trabaho, pero hindi ko po sigurado kung ma
Read more
Chapter 23
PAGKAPIKIT ni Cataleya ng mga mata ay kaagad din siyang nagmulat. Pakiramdam niya ay napunta siya sa ibang dimensyon. Nawala ang pagka-antok sa diwa niya. Nanatili siyang naroon sa mamahaling sa silid sa hotel na iyon pero hindi na siya nag-iisa. May kasama siyang isang lalaki na hindi niya makita ng malinaw ang itsura. Nakatayo ito sa may gilid ng kama at alam niya na masuyong nakatingin ito sa kanya.“Hindi ka totoo,” aniya na napailing pa ang ulo niya. “Panaginip lang ang lahat ng ito.”Ang blangkong expression ng mukha nito ay kaagad na napalitan ng pagkaaliwalas. Hindi niya ganap na makita ang malagkit na tingin sa kanya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, but you are beautiful in my eyes tonight.”Sa boses pa lang ay naghatid ng kakaibang epekto sa katawan niya. Hot and sexy ang dating sa pandinig niya.Hindi pa rin makapaniwala na bumangon siya buhat sa pagkakahiga sa kama. Lumapit siya sa lalaking kasama niya sa silid na iyon. At ganap na ngang magkaharap silang dalawa.Halos hin
Read more
Chapter 24
“KUNG pinapalayas mo na ako bilang secretary mo Sir Lukas,” matapang na sabi ni Cataleya sa bagong dating na boss. “Willing naman ho akong umalis. Kaya wala na tayong dapat pag-usapan pa.”Umiling ang ulo nito kasabay ang pagkunot ng noo. “It’s not about that, Miss Domingo!”“Then, diretsahin na ako Sir!” napatayo na siya na may kasamang pagkainis. Pilit niyang hinahabaan ang pisi ng pasensya para dito. kailangan pa rin na maging magalang siya kay Lukas.“Have you seen it?” Iniharap nito sa kanya ang screen ng mismong cellphone nito. Minsan pang nanlaki ang mga mata niya sa nakitang picture doon.Pamilyar sa kanya ang nasisilayan niyang imahe. Bigla tuloy niyang naalala ang cellphone niya. Kaagad niyang pinulot sa sahig at nagulat siya sa bumulagang video doon.“Hindi ito totoo!” Nagpalipat-lipat ang tingin niya screen ng cellphone niya at sa mukha ni Lukas. At ganap na niyang naunawaan ang lahat sa tila ma-intrigang araw na iyon.Isang intimate video ang naroon, kung saan siya napa
Read more
Chapter 25
“NAKU frenny, paano na ‘yan?” nag-aalalang sabi ni Ria habang ka-video call ito ni Cataleya. “Malalagot ako nito kay Madam Wanda. Inaasahan na niya sa akin ang bayad sa mga alahas na kinuha ko sa kanya.”Napabuntong-hininga si Cataleya. Bakas pa rin sa mukha niya ang matinding panglulumo dahil sa nanyari. Nabigo siyang mabawi ang nahablot na bag sa kanya kung saan naroon ang mga alahas. Nai-report na niya sa police ang nangyari. Kaso ang masaklap, walang CCTV camera sa lugar na naging biktima siya ng riding and tandem.“Naghahanap na ako ng pwede kong pagbentahan nitong bahay ko,” sabi niya, labag sa kalooban niya ang naiisip niyang plano. “Then, may pera pa naman ako sa bangko para pandagdag bayad din.”“Pero, paano ka frenny? Saan ka titira n’yan?” ani ng kaibigan niya na mas lalo pang nag-alala. “Kulang din ang pera ko ngayon, maliit lang pero pwede ng pandagdag.”Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Bahala na, mas mabuti pang makitira ako kung saan kaysa makulong ako
Read more
Chapter 26
“SANA ito na nga ang answered prayer mo sa akin,Lord,” napatingalang sabi ni Cataleya pagkalabas niya ng bahay. Punong-puno siya ng umaga ngayong araw. Muli niyang nagamit ang bag na pang-opisina niya pero sa pagkakataong iyon, hindi siya papasok sa trabaho. May imi-meet lang siyang possible buyer ng beach house niya sa town proper ng El Nido. Sa isang sikat na kainan sa bayan sila magkikita.Nilapitan na niya ang naka-paradang motorcycle saka sumakay na siya doon. Nakabukas naman na ang gate sa bakuran niya na nakasanayan ng gawin ng katiwala niya.Pagkasuot ng helmet at inihanda na niya ang sarili sa pag-alis ng bahay. Subalit, hindi pa man siya nakakalabas ng garahe ay may humarang na isang sasakyan sa drive way sa labas ng gate niya. Bumusina pa ito nang paulit-ulit.Nakadama siya ng pagkainis pero natigilan siya dahil pamilyar sa kanya ang naturang sasakyan. At hindi siya maaaring magkakamali. May hinala na siya kung sino ang may-ari ng SUV.Wala n asana siyang balak pansinin pa
Read more
Chapter 27
I will pay you as Party A, a total amount of five hundred thousand pesos to Party B.We should act mutually as couples. We must show it in the public. It is our main obligation for this contract.There should be no emotional attachment especially before this contract end.Party A nor Party B should not be fall in love with each other.“Asa naman na mangyayari ito,” napalakas na sabi ni Cataleya pagkabasa sa last condition ng relationship contract. Never sumagi sa isip niya ang mahalin at mahulog sa isang Lukas Adriatico.“May sinasabi ka ba Miss Domingo?” ani Lukas na hindi nakaligtas sa pandinig nito ang sinabi niya. “It seems you have a violent reaction ka d’yan sa contract.”Napalipat ang tingin niya dito. “Ang weird lang kasi ng nakalagay dito sa contract. Kahit ang imposible ay narito rin. As if naman magugustuhan kita.”“And even me,” kaagad na singit dito. “Never in my dream na ikaw ay magugustuhan ko. Naipit kasi tayo ng sitwasyon kaya no choice ako pagdating sa’yo.”“Ayan, ib
Read more
Chapter 28
MINASDAN ni Cataleya ang sariling reflection sa harap ng concave mirror sa fitting room na kinaroronan niya. Sa tatluhang salamin, malaya niyang napagmamasadan ang sariling katawan habang suot ang isang black semiformal high neck dress. Bagay na bagay sa kanya ang nasabing kasuotan dahil nagmukha siyang classy and elegant. Umiikot-ikot pa siya parang isang modelo. Inilugay niya palagpas sa balikat niya ang may kahabaang buhok. Isa iyong sa asset niya sa katawan, ang pagkakaroon ng long and silky hair. Lumilitaw ang hidden brown color kapag natatamaan ng liwanag.“You looks more beautiful Ma’am,” puri sa kanya ng kapapasok na sales lady. “Bagay na bagay po sa inyo ang suot ninyo ngayon. siguradong magugustuhan din ito ni Sir.”Isang ngiti na lang ang naging tugon niya. She accepted her compliment for her. Sa sumunod na sandali, pinalabas na siya ng sales lady sa fitting room.Eksaktong nakaupo si Lukas na prenteng nakaupo sa isang single-seater. Kitang-kita niya ang pag-awang ng labi n
Read more
Chapter 29
“CALM down young man,” sabi ni Lukas na pilit pinapatahan sa pag-iyak ang batang lalaki na karga nito. Nagtagumpay naman ito dahil kumalma ang bata. Hinaplos pa nito ang buhok ng bata na nangilala pa rin ang mga tingin sa binata.Isang eksenang kinaaliwang pagmasdan ni Cataleya. Napatigil siya sa paglalakad at hindi muna lumapit sa kanyang contract boyfriend. Kahit pala paano, may father’s love na itinatago si Lukas sa kabila ng personalidad nito. Maybe his soft side. Ngayon ay malaya niyang nasasaksihan. Nawala tuloy sa isip niya kung kaninong anak ang karga-karga pa rin nito.May lumapit na isang babae sa dalawa at kaagad na nakita ito ng bata. “Mommy! Mommy! Mommy!”“Salamat sa Diyos at nakita na kita, baby ko,” mangiyak-ngiyak na sabi ng babae na halatang ito ang ina. “Kinakabahan na ako sa takot at baka kung ano na ang nangyari sa’yo.”Kusa namang ibinigay ni Lukas sa ina nito ang bata. “Next time Mrs. maging responsible kang ina. Huwag kang maging pabaya sa anak mo.”Nagulat ang
Read more
Chapter 30
KUMURAP-KURAP ang mga mata ni Cataleya sa isang magandang babae na papalapit sa kinaroroonan nila ni Lukas. Sa suot nitong damit ay masasabing fashionista ito. At kilalang kilala niya ito. Walang iba kundi si Antonia Salceda, isang sikat na online personality at social media influencer. Isa ito sa may most followed channel sa isang video streaming site. Kahit siya ay naka-subscribe dito.“Lukas, my friend, long time no see ah.” Humalik si Antonia sa pisngi ng binata pagkalapit nito. “Thank you huh, at ako pa rin ang naalala mo.”Gumanti ng ngiti dito sa Lukas. “Of course Tonia, ikaw lang naman ang trusted personality person ko.”“Well I am happy for giving me an exclusive content for my online show,” natutuwang sabi nito. Nakisabay din ang kislap ng mga mata ni Antonia sa nadarama.Napapitlag siya nang walang pasabing inakbayan siya ni Lukas. “I know your integrity. Kaya nga sa’yo kami magpapa-interview nitong girlfriend ko, si Miss Cataleya Domingo.”“Oh nice to meet you, Cataleya.”
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status