Semua Bab The Casanova CEO want's me: Bab 11 - Bab 20
151 Bab
CHAPTER 11 - Undescribable Feelings
Sa isang exclusive villa sa resort ay mag-isang umiinom ang isang lalaki sa isang malawak at madilim na silid, tanging ang desk lamp lang ang pinagmumulan ng liwanag. Pinagmamasdan n'ya ang pag-galaw ng alak sa wine glass habang inikot-ikot n'ya ito.Hindi n'ya maunawaan ang sarili... matapos ang gabing 'yun ay lagi na lang sumasagi sa isipan n'ya ang maamong mukha'ng 'yon kapag gabi, lalo na ang mga mata nitong tila may bahid pa ng kainosentihan. Para bang gusto niyang abutin ito at ikulong sa mga bisig n'ya't pupugin ito ng halik.Napangisi si Chardon at lumagok ng alak. Naaalala pa n'ya ang natural na samyo ng babae. Wala s'yang naamoy na kahit na anong pabango nang lumapit s'ya dito, maging ang buhok nito't balat, lalo na ang naka-expose nitong leeg, ang mga 'yon ay natural lahat.Ngunit... Mayroon nga yata talagang nauuna at mayroon din namang mga nahuhuli, at doon sa nahuhuli s'ya nabibilang. Hindi nga yata lahat ay makukuha n'ya. Oo. Isa s'yang Casanova, ngunit hindi s'ya gan'u
Baca selengkapnya
CHAPTER 12 - Gossip
Maliwanag na nang magising si Chardon. Nang mapatingin s'ya sa gilid ay wala na s'yang katabi.Hindi na n'ya inintindi kung nasaan ang bagong girlfriend. Pagbangon n'ya ay napahilot s'ya sa kanyang sumasakit na sentido. Saka n'ya naalalang uminom nga pala s'yang mag-isa kagabi.Unti-unti ring bumabalik sa alaala n'ya ang mga nangyari sa Patio: nang mahuli n'yang pumitas ng bulaklak si marigold, ang mga itinanong n'ya dito at ang mga naging kasagutan nito, at higit sa lahat ay ang naunsyami niyang paghalik sa dalaga nang makita n'ya ang mukha ng babaeng gumugulo sa kanya dito.Napasabunot si chardon sa sarili sa sakit ng kanyang ulo. Tumawag s'ya't nag-utos ng gamot sa room service.Bigla n'yang naalala ang salamin ni marigold. Kinuha nga pala n'ya ito kagabi at hindi n'ya naibalik nu'ng nagpa-akay s'ya sa kuwarto.Hinanap n'ya ang salamin sa malaking desk. Nang hindi makita ay hinanap naman n'ya ito sa mga drawer, ngunit hindi pa rin n'ya matagpuan ang salamin.Nang mapadako s'ya sa ni
Baca selengkapnya
CHAPTER 13 - Malicious Schemes
"Iisa!... Iisa lang sila, ayos na ba? Gusto ko nang umalis!" Wika ni jonas na parang konti na lang ay iiyak na ito.Nang tumayo na si jonas ay bigla s'yang hinatak paupo ni chardon."Explain it clearly! What do you mean exactly?" Malamig na tanong ni Chardon.Napalamukos na sa kanyang mukha si jonas, mukhang kaawa-awa na ang hitsura nito. "Kuya chardon, ano pa bang paliwanag ang gusto mo? Akala mo ba madali sa 'kin'g ibulgar ito? Nakasalalay dito ang katahimikan ng buhay ko! Naiintindihan mo ba 'yon? Tapos, gusto mo pang ulitin ko.""I promise, I won't tell it to anyone... Lalo na kay Chesca if that's what you want. I-explain mo lang nang malinaw sa 'kin."Tila nabingi si Chardon sa sinabi ni Jonas kanina at parang hindi nag sink-in sa utak n'ya ang narinig n'ya. Bagaman may ideya na s'ya ay gusto n'ya pa ring makasiguro.Ipinaliwanag muli nang dahan-dahan at malinaw ni Jonas ang sinabi n'ya.Nagkaroon ng Kinang sa mga mata ni chardon nang maunawaan na rin sa wakas ang totoong sitwasy
Baca selengkapnya
CHAPTER 14 - Clueless
Naalimpungatan ako nang may tumamang mainit-init na liwanag sa mukha ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan ang pinagmumulan ng liwanag. Nang makita ang sikat ng araw sa labas ng bintana ay napabalikwas ako ng upo. tanghali na! Male-late na naman ako!Biglang sumakit ang ulo ko na may kasamang hilo. Para itong pinupukpok o binabarena. May sumalbahe ba sa 'kin kagabi at pinalo ako sa ulo?Hindi puwede 'to, male-late ako sa trabaho, kailangan ko ng gamot.Nang paalis na sa kama ay saka ko lang namalayan na parang may mali. Nang iginala ko ang paningin ko ay nakita ko na lang na nasa ibang kuwarto ako!Anong nangyayari? Hindi ito ang kuwarto ko, bakit ako nandito?Ang naaalala ko lang bago ako makatulog ay umaten kami sa birthday ng kaibigan ni Jonas tapos ay nagkaayos kami ni Chesca at uminom kami. Tapos n'un.... Wala na akong maalala.Mamaya ko na lang iisipin ang sitwasyon ko. Tumatakbo ang oras, kailangan ko nang umalis dito.Napatingin ako sa sarili ko. Ngayon ko
Baca selengkapnya
CHAPTER 15 - Her Dead End/His Starting Point
"Ay! Palakang bato!" Sigaw ni marigold nang gulatin ito ni carla.Tawa nang tawa si carla. Nang mahimasmasan na ay iniabot niya ang isang files kay marigold."Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Kanina pa kita tinatawag e. Bakit ka ba natutulala d'yan?""Um..." Napakamot na lang ng ulo si marigold. Hindi mapigilang mag-isip at mag-alala ni marigold tungkol sa sinabi sa kaniya ni Vivian kahapon sa elevator.Nag-aalala siya'ng baka maging banta na naman ito sa pananatili n'ya sa kumpanya.Napabuntong-hininga na lang si marigold. Minsan ay naiisip niyang maghanap na lang ng ibang kumpanyang mapapasukan para makaiwas sa mga katulad ni Vivian.Isa pa, pakiramdam niya'y anumang oras na makagawa s'ya ng pagkakamali ay baka sisantehin na s'ya nang tuluyan ng Ceo katulad ng banta nito sa kanya. "O bakit napabuntong-hininga ka d'yan? Parang ang laki ng problema mo a?""W-wala.... Kulang lang siguro ako sa tulog."Nang araw ring iyon ay may bago na namang pinagkakaguluhang chismis sa C.A.Meron na la
Baca selengkapnya
CHAPTER 16 - Making A Move
"She's my... my girlfriend; marigold." Napangiti si Chardon nang sabihin ang mga katagang iyon."H-ha?" Tila hindi naman makapaniwala ang doktor sa sinabi ni Chardon. Sa siyam na taon ng pagiging magkaibigan nila ay ngayon pa lang 'ata nakita ni Henry'ng nagpahalaga ng ganito si chardon sa isang babae na pati ang investment nito sa hospital n'ya ay nanganganib mawala dahil dito. Sa pagkakaalam n'ya kay chardon ay palipas oras lang nito ang pag ge-girlfriend at hindi n'ya siniseryoso ang mga ito. Ngunit tila matimbang sa puso ng kaibigan ang girlfriend nito ngayon.Tiningnan ni Henry ang kalahating tulog at kalahating gising na si marigold sa sofa at sinuri ang ayos at hitsura nito."What are you looking at on her? Treat her now!" Sinamaan ng tingin ni chardon ang doktor nang makitang hinahaguran nito ng tingin si marigold."Well, sorry Mr. Ceo pero, kailan pa nag-iba ang taste mo sa babae? This one here looks p-""Enough! If you don't want to treat her, then scram! But I will
Baca selengkapnya
CHAPTER 17 - Uncertain Kindness
Anong nangyayari sa dalawang ito? Bakit parang naiipit ako sa dalawang nag uumpugang bato? Saka, anong nangyayari kay Mr. Atanante? Bakit bigla na lang n'ya akong gusto ihatid? Nakukonsensiya pa rin kaya s'ya sa nangyari kanina? "No!" Sagot ni Jonas.Nagkatitigan si jonas at si Mr. Atanante, ngunit si Jonas ang unang nagbawi ng tingin nang dumilim ang mukha ni Mr. Atanante."K-kasi... Hindi pa kami nag-uusap e, may sasabihin pa 'ko kay marigold. Saka ako na ang bahalang maghatid sa kanya." Salit-salitan ko silang tiningnan habang hawak pa rin nila ang tig-isang kamay ko. "Fine." Binitiwan na ni Mr. Atanante ang kamay ko at naupo uli. Napatingin ako sa kamay ko'ng hinawakan ni Mr. Atanante at pasimple kong hinaplos iyon."Anyway kuya Chardon, ano nga ba talaga ang ginagawa mo dito? Hindi ako naniniwala na pumunta ka dito para kumain, marami namang restaurant d'yan sa tabi. Saka..."Lumingon sa 'kin si jonas. "Bakit parang ang bait mo yata kay marigold ngayon, at gusto mo pa s'yang
Baca selengkapnya
CHAPTER 18 - His/Her First Step
"Sir, this is the financial report from the last quarter that we're going to prepare for the investors....." Habang nagre-report si Mr. Javier, ay tulala naman si Chardon.Nakangalong baba ito habang tinutuktok niya ng kanyang daliri ang desk habang lumilipad sa kung saan ang kanyang isip.Nababagalan s'ya sa nangyayari at hindi n'ya nakikitang umuusad ang pinu-purse n'ya.Sa totoo lang ay hindi alam ni Chardon kung tama ba ang ginagawa n'ya. Ito ang unang beses na naharap s'ya sa ganitong sitwasyon at wala siyang ideya kung ano ang susunod na magiging hakbang n'ya.Dati rati kasi ay ang mga babae ang kusang lumalapit sa kan'ya, ni hindi n'ya naranasan ang manligaw kailanman. "About the revenue, the company make a profit for at least...."Ni isa sa mga sinasabi ni Mr. Javier ay walang naintindihan si Chardon. Tahimik lang siyang nagpa-plano ng susunod niyang gagawin. Bigla n'yang naalala nang makita n'ya si Jonas at marigold sa restaurant. Naisip niya, madalas kaya silang lumabas? B
Baca selengkapnya
CHAPTER 19 - Hidden Envy And Jealousy
"Ibig sabihin... Maaaring nagkaka-interes si Mr. Atanante sa 'yo."Natigilan ako't biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni carla. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko at parang hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. "O bakit tulala ka na diyan? Parang ang hirap paniwalaan no?..... Kung tutuusin, kung related sa trabaho, si Mrs. Valdez ang bahalang mamagitan sa 'tin sa mga nakatataas..... "Humithit s'ya at muli n'yang ibinuga ang usok."..... At lalong, hindi namamagitan ang Ceo sa mga maliliit na empleyadong kagaya natin. Dahil mga executives lang ang mini-meet nila't nagre-report sa kanila sa kumpanya."Bigla akong nagkaroon ng reyalisasyon sa mga sinabi ni carla. Naalala ko kung paano ako tratuhin ni Mr. Atanante nitong huling araw. Nagtataka pa nga ako kung bakit parang bigla na lang siyang naging mabait sa 'kin magbuhat nu'ng nakatulog ako sa office n'ya. Ngayon ko lang naisip, dahil nga kaya iyon sa sinasabi ni Carla? Pero...."H-hindi... imposible. B-bakit mo nam
Baca selengkapnya
CHAPTER 20 - Unexpected Confession
Taas noong naglakad palabas ng opisina si Carla habang hindi mapakali ang mga babae sa department sa kaiisip kung ano ang dahilan ng pagpapatawag ng Ceo dito.Paulit-ulit nilang sinasabi sa sarili na kung alam lang nila ay sana inunahan na nila si carla sa pagpapasa ng report.Kahit mukhang kalmado lang si Carla habang naglalakad, ang totoo ay nasasabik na siyang pumunta sa office ng Ceo at makita ito.Ito ang kauna-unahang beses na makakatapak s'ya sa mala- exclusive suit na office ng amo.Dati, kung meron man'g babaeng nakakapasok sa office na iyon ay mga girlfriends at dating secretary lang iyon ni Chardon. Ngunit ngayon ay isa na s'ya sa mga ito. Habang nagbubunyi ay biglang naalala ni carla'ng mas nauna nga pala si marigold na higit naman'g mas hamak sa kanya.Lumamig bigla ang mga mata n'ya. Sariwa pa sa kan'ya ang naging interaksyon ni Chardon kay marigold kahapon na umani ng mga inggit mula sa mga babaeng kasamahan nila sa department. 'hindi na 'ko papaungos mula ngayon, dapat
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
16
DMCA.com Protection Status