Tatlong araw ang lumipas. . . Ngayong araw, kasalukuyang nasa sementeryo ang lahat upang ihahatid si Zeus Montenegro sa huling hantungan. Sinisimulan na ang seremonya ng pari. Nasa harapan sina Zarchx at Odisza, parehong nakasuot ng purong itim maging ang lahat ng dumalo. Tahimik lamang na nakatayo si Zarchx habang nakatago ang kaniyang mga mata sa likod ng aviator shades. Si Odisza naman ay walang tigil sa pagluha habang tumatagal palakas ng palakas ang iyak at hikbi nito. Dumalo sina Klinton, Cyrus, LV, Lance, Renzi, Scott at ang mag-asawang Montenegro. Naroon rin dumalo na malalapit sa pamilya Montenegro. Bago tapusin ng pari ang seremonya, binigyan nito ng pagkakataon na masulyapan si Zeus sa huling pagkakataon. Hindi magdalawang-isip si Odisza na yakapin ang kabaong ng anak habang umiiyak ng malakas. “My baby, Zeus! I'm so sorry, my baby! I fail to protect you, please. . . Come back to me! I love you so much, baby! Zeus! Bumalik ka na sa akin, parang awa mo na baby ko! H
Read more