Mag-aalas syete pa lamang ng umaga, dumating na ang tatlong magkakasunod na sasakyan; ang sasakyan ng mag-asawang Montenegro, kasunod at ang sasakyan ng mag-asawang Fuentabella, sa likod ang apat na bodyguard na nakasakay sa isa pang sasakyan. Naghihintay si Jorah sa bungad ng Paraiso upang salubungin ang mga bisita upang alalayan kung saan ito dapat na tumungo. “Good morning, Mr. And Mrs. Montenegro, Welcome!” bati ni Jorah. Nakangiting tumango si Kayatana. “Thank you, Jorah!” tugon ni Alejandro at kinamayan si Jorah. “Mr. And Mrs. Fuentabella, welcome!” baling ni Jorah sa dalawa. Parehong nakipagkamay kay Jorah ang mag-asawang Fuentabella. “Tuloy kayo! Naghihintay sa loob si Don Leon,” imporma ni Jorah. Inuwersa ni Jorah ang kamay sa nakabukas na pintuan tanda na pumasok na ang mga ito. Dumeretso na ang mag-asawang Montenegro at sumunod naman ang mag-asawang Fuentabella habang ang kanilang mga bodyguard ay na iwan lamang sa labas. Susunod na sana sa loob si Jorah nang mata
Read more