Samantala, hinatid ni Manang Lita si Nurse Jerri sa tapat ng p***o ng kwarto ni Zarchx habang pinapaalam ang mga patakaran sa Paraiso. Kung tutuusin ay hindi ito maaaring umakyat sa malapag na ‘yon ngunit dahil si Zarchx Junior ang trabaho nito, makakaakyat ito. Kinatok ni Manang Lita ang p***o, “Little Master?” Binuksan ni Manang Lita ang silid, pumasok sila ni Nurse Jerri. Sabay na inilibot ang paningin sa buong silid; napakalinis, maayos at napakaganda sa mata ng silid. Ngunit wala si Zarchx Junior. Itinuro ni Manang Lita ang sliding door, “Nariyan si Little Master sa silid, ikaw na ang bahala sa kaniya.” Nagtataka man ay tumango pa rin si Nurse Jerri. “Ayaw ni Master Zarchx na nakikialam sa mga gamit niya,” bilin ni Manang Lita bago lumabas ng silid. Nilapitan ni Nurse Jerri ang sliding na tinuro ni Manang Lita at kumatok, “Nix, nariyan ka ba?” “I'm here, Nurse Jerri!” tugon ni Zarchx Junior. Itinulak ni Nurse Jerri ang sliding, bumungad sa kaniya si Zarchx Junior na naka
Read more