Semua Bab Hiding The Gordion Triplets: Bab 11 - Bab 20
56 Bab
HTGT:11
Tanghali na ng makarating ako sa bahay namin ni Harris. Mabuti at may dala akong sariling kotse para sa mga pinamili ko. Bukas dadating ang mga inorder kong gamit sa bahay at kakatapos ko lang ilagay sa ref ang mga pagkain na kailangang ilagay sa freezer. Nakapag libot na rin ako sa palibot ng bahay may swimming fool sa likod ng bahay namin. Ang akala ko na hindi malawak ang bahay na ito nagkamali ako dahil malawak ang garden sa likuran. May mga halaman na maraming bulalak kaya masasabi kong napaka- ginhawa kung tatambay sa garden.Hindi pa rin bumabalik si Harris wala naman akong number niya para matawagan at alamin kung nasaan siya at kung anong oras siya uuwi. Gusto kong pumunta sa bahay nila mama hindi ako sanay na walang nakakausap. Kahit katulong ay pwede kong makausap para naman malibang ako kung kukuha naman ako ng katulong ay iniisip ko na wala namang masyadong gagawin dito. Kaya ko naman ang mga gawaing bahay ang paglalaba, paglilinis, paghuhugas ng mga kubyertos, pagluluto.
Baca selengkapnya
HTGT:12
KINAUMAGAHAN maaga akong nagising upang magluto ng lugaw, tulog pa si Harris sa living room. Habang hinihintay kong kumulo ang niluluto kong lugaw may biglang nag doorbell kung kaya hininaan ko muna ang apoy upang hindi masunog ang ilalim. Lumabas ako ng bahay at doon ko nakita ang kulay itim na sasakyan. Bigla kong naalala na pupunta nga pala dito ang kaibigan ni Harris. Lumapit ako sa gate at binuksan ito.“Tuloy ka, ” sabi ko ng makalapit ito sa akin. Nakabukas ang tatlong bitones ng polo niya at para bang nagmadali itong magbihis.Nginitian naman ako nito bago nagsalita.“Good morning Ms. Gordion.”“Good morning din, tuloy ka.” Sabi ko at gumilid upang makadaan siya. Naiilang ako dito sa kaibigan ni Harris, sa tuwing tumutingin sa akin ay lagi na lamang ako nginingitian. Pero ayos lang naman na ngumiti siya dahil lalong nakikita ang dimple niya sa magkabilang pisngi.Ako na ang unang naglakad papasok sa loob ng bahay at nasa likuran ko siya. Ng tumigil ako sa paglakad hinarap ko si
Baca selengkapnya
HTGT:13
(One week Later)Isang linggo na kaming kasal ni Harris at sa loob ng isang linggo naming pagsasama walang pinagbago dahil lalong lumala ang ugali ni Harris. Lagi itong lasing at laging nag-uuwi ng babae sa mismong bahay namin. Wala akong magawa kung hindi manahimik na lamang sa isang tabi. Gusto kong maiyak dahil sa ginagawa niya ipinamumukha niya sa akin na hindi niya ako mahal. Hindi niya nga ako sinasaktan pero sa kalooban ko winawasak niya ako ng dahan- dahan. Iniintindi ko siya dahil broken siya minsan ay ako pa ang naglilinis ng mga ginamit nila ng mga babae niya.Hindi ko masikmura na kaya niyang gawin iyon. Matatanggap ko pa kung sa ibang lugar sila gumagawa ng milagro ng mga babae niya pero sa mismong bahay namin niya ginagawa. Hindi ko na kilala si Harris ang laki ng pinagbago niya. Siguro kung hindi kami kinasal ay hindi kami magkaka-ganito. Maayos pa sana ang pakikitungo niya sa akin at hindi ako nahihirapan ng ganito.Sa tuwing tinatawagan ako ni Cindy ng magulang ko hin
Baca selengkapnya
HTGT:14
“Kamusta ka naman sa bahay niyo, Elle? ” Tanong sa akin ni Cindy pagkarating ko sa bahay nila.“Ayos lang naman ako, ” sabi ko.“Ayos ka ba talaga? Teka nga, Elle. Lagi ba kayong nagpupuyat ni Harris? ” Kunot noong tanong niya.“Anong klaseng tanong iyan? ” Kunot noong tanong ko, napairap naman ito.“Hindi ba obvious? Nangingitim iyang ilalim ng mata mo imposible naman na hindi ka nagpupuyat, ” nagtataka niyang sabi.“Naninibago lang naman ako dahil magkasama na kami ni Harris sa iisang bubong kaya hindi ako makatulog ng maayos, ” sabi ko.“Hindi ba ang sabi mo ay ayos ka naman? Tapos ngayon hindi ka pala kumportable sa bahay niyo ni Harris, ” naguguluhan nitong sabi.“Oo, hindi ako kumportable kahit na isang linggo na kaming magkasama sa iisang bubong mas kung pwede nga lang na tumira ako sa bahay ng magulang ko ay mas ikagagaan ng loob ko,” sabi ko.Namaywang ito sa harapan ko at tumingin sa akin ng mapaghinalang tingin. “Nag-away ba kayong dalawa ni Harris? Kilala kita Elle kaya hu
Baca selengkapnya
HTGT:15
Pagkatapos sa bahay nila Cindy ay napagpasyahan ko ng umuwi sa bahay namin ni Harris. Pagkauwi ko sa bahay ay wala akong makitang bakas niya ibigsabihin ay hindi pa siya umuuwi. Nakapag luto na rin ako ng pagkain para sa ngayong dinner namin pero mukhang masasayang lamang ang mga niluto ko dahil sigurado naman ako na hindi niya kakainin ang mga niluto ko. Wala naman akong inilagay na lason sa mga pagkain kaya hindi ko alam kung bakit ayaw niyang kainin ang mga niluluto ko dito sa bahay.***KINAGABIHAN, nagising na lamang ako ng makarinig ako ng magkakasunod na hakbang at sa tansya ko ay papasok ito sa kwarto ni Harris. Nangunot ang noo ko ng mapansin na hindi lang dalawa ang tao sa labas kaya napagpasyahan kong bumangon mula sa pagkakahiga. Nakakaisang hakbang pa lamang ako patungo sa pinto ng biglang bumukas ito at ang bumungad sa akin ay ang isang babae na nakasuot ng maiksing kasuotan.Dahil maliwanag sa kwarto ko ay kitang kita ko ang kabuuan ng babaeng ito. Umarko ang kilay niya
Baca selengkapnya
HTGT: 16
“Harris!” Ganoon na lamang ang matinding pagkagulat ko ng hilahin ako ni Harris papalapit sa kaniya. Bigla niya akong siniil ng halik na ikinagulat ko.“Nanatiling dilat ang mga mata ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Harris na ngayon ay nakapikit. Bakit hindi ko siya magawang itulak? Bakit hinahayaan ko lamang siyang halikan ako?Mali ito! Hindi niya ako mahal kaya hindi dapat ito nangyayari.“H-harris!” Nagitla ako ng bumagsak ako sa malambot na kama dito sa kwarto ko. Hindi ko namalayan na natangay niya na pala ako sa kama. Namalayan ko na lamang na hinahayaan ko na lamang itong halikan ako sa labi. Hindi ko magawang sumabay sa ginagawa ni Harris.“Let me taste you! ” Paos na sabi niya habang nakapikit ito. Lasing siya, hindi niya alam ang ginagawa niya. Matino ang pagiisip ko kaya dapat pigilan ko siya habang maaga pa.“Hmm!”Tanging sabi ko ng dumapo ang kamay niya sa hita ko. Naka- bistida ako kaya malaya niya itong nahawakan. May pumipigil sa akin na huwag ko siyang
Baca selengkapnya
HTGT:17
Nagising ako dahil sa malakas na boses na nagmumula sa gilid ko. Naupo ako at nilingon siya na may nagtatakang tingin, inayos ko muna ang kumot na nakatakip sa hubad kong katawan bago nagsalita.“Anong problema, Harris?”“Get out!”Nagitla na lamang ako ng pagtaasan niya ako ng boses. Napahigpit ang paghawak ko sa kumot na nakapulupot sa akin. Ganoon na lamang ba iyon? Pagkatapos niyang angkinin ang buong pagkatao ko kagabi ganito na lamang ang sasabihin niya.“Hindi mo ba ako naririnig? Get out of my room, now!” walang emosyong sabi niya. Parang dinudurog ang puso ko dahil wala din palang mangyayari.Nang hindi ako kumilos nagulat na lamang ako ng bigla niyang hawakan ang magkabilaang braso ko at hinawakan g mahigpit.“H-harris! Nasasaktan ako!” daing ko.“Kalimutan mo na nangyari ito. Hindi kita mahal at wala lang ito sa akin,” nakangising sabi niya. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya ang mga salitang hindi ko inaasahang maririnig ko mula sa kaniya.Napaiwas ako ng tingin dahil
Baca selengkapnya
HTGT:18
Nandito ako sa loob ng kwarto ko habang naghahanda para sa pagpunta sa bahay ng mga magulang ni Harris. Medyo napahaba ang pag- uusap namin ni Stella. Hindi siya pumayag na hindi kami pumunta ni Harris at ang sabi niya ay kahit ako na lamang ang pumunta kahit huwag na ang kuya niya. Gusto niya daw akong makausap at makamusta. Kaya ngayon ay nag-aayos ako ng sarili, nakasuot lamang ako ng black ng t-shirt na maluwag at maong na short.Hindi ko na kailangang mag- taxi dahil ipapasundo daw ako ni Stella sa driver niya kaya pumayag na rin ako. Habang abala ako sa pag-aayos ng sarili narinig ko ang malakas na busina mula sa labas ng bahay namin. Kaya kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas ng kwarto. Siguro ay ang driver na ni Stella ang bumubusina sa labas, nagtaka ako dahil masyado pang maaga para sunduin ako.Pagbukas ko ng pintuan napatigil ako ng makita ko ang sasakyang itim. Akala ko ay ang driver na ni Stella ang bumubusina para sunduin ako pero ang nadatnan ko sa labas ng gate
Baca selengkapnya
HTGT:19
Nandito kami ni Stella sa Veranda habang nakatingin sa kalangitan na kumikinang dahil sa mga bituin. Katatapos lamang namin kumain at kaagad na akong hinila ni Stella dito. Gusto niya raw akong makasama at makipag- kwentuhan. Si Harris ay kasama ng Daddy niya sa Office ng Daddy niya dito sa mansyon nila. Si Mommy Emy naman ay nasa kwarto niya dahil may kukunin lang daw at babalik rin dito sa veranda.“Ate!”“Hmm!” Tanging sabi ko at nilingon siya. “May sasabihin ka sa akin, Stella?” Mahinahon kong tanong.“Gusto lang kitang kamustahin, ate. Ayos ka lang ba sa bahay niyo ni kuya Harris?” Tanong niya at tumingin sa buong katawan ko. “Tell me, ate.” Sabi niyang muli.“Ah. Ayos lang naman ako, kahit papaano ay nakakapag- adjust na rin ako.” Sabi ko.”I don't believe you, ate.Akala mo ba hindi ko alam na hindi kayo okay ni kuya? Napapansin ko na hindi pa rin kayo magkasundo.Look, your body is losing na.” Sabi niya, napayuko ako upang tignan ang katawan ko. Tama siya, ang laki ng ipinayat k
Baca selengkapnya
HTGT:20
”Harris Point of View”My dad tell me na gusto na niyang magka-apo. And he wants to be the mother of my future child is Elle. Fuck, elle is not my type. Nag-iisa lang ang babaeng mahal ko at gusto kong maging asawa habang buhay walang iba ay si Serah. I can't imagine Elle is my wife now at magiging nanay ng mga anak ko.“You need a grandson, dad? Are you joking, dad? ” I asked, dad sat on the soft sofa while holding a wine glass.“Mahirap ba ang hiling ko, Harris? Tayong mga lalaki ay madali lamang makabuntis ng babae kaya ano pa ang hinihintay mo? Matanda na ako kaya kailangan ko ng apo,” dad said. I gasped because the frustration to my dad.“Paano kung hindi ko kayo bigyan ng apo? May magagawa ka ba, dad?” I asked in sarcastic tone.“I can do something, son. Just give me a grandson, ” dad looked at me.The heck! Talagang gusto nila ang babaeng 'yon? I can't believe it. “You can? Ano ang gagawin niyo? ” I asked to in sarcastic tone.“Hindi ko sa'yo ipapamana lahat ng ari- arian ko la
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
DMCA.com Protection Status