Share

HTGT:18

Nandito ako sa loob ng kwarto ko habang naghahanda para sa pagpunta sa bahay ng mga magulang ni Harris. Medyo napahaba ang pag- uusap namin ni Stella. Hindi siya pumayag na hindi kami pumunta ni Harris at ang sabi niya ay kahit ako na lamang ang pumunta kahit huwag na ang kuya niya. Gusto niya daw akong makausap at makamusta. Kaya ngayon ay nag-aayos ako ng sarili, nakasuot lamang ako ng black ng t-shirt na maluwag at maong na short.

Hindi ko na kailangang mag- taxi dahil ipapasundo daw ako ni Stella sa driver niya kaya pumayag na rin ako. Habang abala ako sa pag-aayos ng sarili narinig ko ang malakas na busina mula sa labas ng bahay namin. Kaya kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas ng kwarto. Siguro ay ang driver na ni Stella ang bumubusina sa labas, nagtaka ako dahil masyado pang maaga para sunduin ako.

Pagbukas ko ng pintuan napatigil ako ng makita ko ang sasakyang itim. Akala ko ay ang driver na ni Stella ang bumubusina para sunduin ako pero ang nadatnan ko sa labas ng gate
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status