SA LOOB ng isang tinted SUV na nakaparada sa gilid ng isang pribadong subdivision sa San Juan, tahimik na nakaupo si Olivia, nakasuot ng malalaking sunglasses at may scarf sa leeg. Sa tabi niya, isang lalaking nasa late 30s, balbas-sarado, at tahimik na inabot ang isang brown envelope.“Ma’am, ito po ang latest,” ani ng lalaki, sabay bukas ng envelope at inilabas ang ilang letrato.Isa-isang sinipat ni Olivia ang mga ito—litrato ni Justine habang namimili ng school supplies, kasama nito ang isang batang lalaking , napakunot ang noo nya ng mapansin ang angulo ng bata na may hawig kay Richel. Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan ngunit saglit din nyang pinalis. “It can’t be!” tanggi ng isip nya.“Alam mo na ba kung sino ang batang ’yan sa buhay ni Justine?” malamig ang boses na tanong ni Olivia.“Base po sa records na nakuha namin, siya po ang anak ni Justine. Ang pangalan ay Gabriel Lucas, nasa kindergarten na. Lima o anim na taon ang edad.”Nanigas ang katawan ni Olivia.“Halos kas
최신 업데이트 : 2025-06-04 더 보기