***Junstine’s POV***Tuwing binabalot ng lungkot ang puso ko, parang awtomatiko na lang akong humahanap ng brush at canvas. Sa pagpipinta ko natatakasan ang sakit—kahit panandalian. Mabuti na lang, maaasahan ko ang mga empleyado sa boutique at syempre, si Jill. Kung hindi dahil sa kanya, baka matagal na akong gumuho.Nasa loob ako ng boutique gallery ngayon, mag-isa, habang pinagmamasdan ang mga obra ko—mga likhang isinantabi ko noon, takot na makita muli ang sarili sa bawat stroke. Pero ngayon, unti-unti ko silang ibinubunyag. Isa-isa, binibigyang muli ng liwanag.Sa pinakadulong sulok ng silid, naroon ang isang painting na matagal kong tinago—isang babaeng buntis, yakap ang tiyan, nakatingala sa mapusyaw na kalangitan. "Pilit kong nilimot… pero bakit parang ang hirap?" mahina kong bulong habang nakatitig sa obra. Hindi ko napansin ang kanyang paglapit.Si Richel.Tahimik din na pinagmamasdan ang painting, tila may kung anong gumugulo rin sa kanyang isipan. Dahan-dahan niyang iniuna
Last Updated : 2025-06-02 Read more