Hermano Mansion.Madilim ang paligid. Parang isang pelikula sa isipan ni Richel ang bawat tagpong unti-unting muling bumabalik. Hindi niya maintindihan kung paano nagsimula, ngunit sa bawat pintig ng puso niya ay may sumisigaw na sakit—isang sakit na galing sa nakaraan.Nasa loob siya ng lumang silid ni Donya Leticia, kung saan natagpuan nila ni Rafa ang mga lumang files—mga dokumentong itinago, litrato nila ni Justine noong magkasama pa sila, pati ang marriage certificate, medical report. At doon, parang bomba sa kanyang isipan, bigla na lang dumaloy ang isang rumaragasang alaala.“Rich, sige na kahit sandali kausapin mo naman ako!” Nakikita niya si Justine, nakatayo sa labas ng kanyang sasakyan, halos magmakaawa habang umiiyak.“Pwede ba Justine, saka na tayo mag-usap!" Ang tinig niya noon—matigas, malamig, at tila walang pakiramdam. Kabababa pa lang niya sa sasakyan noon, suot ang mamahaling suit, ngunit tila walang damdaming nilingon ang babaeng nagmahal sa kanya nang buo."Rich
Terakhir Diperbarui : 2025-06-05 Baca selengkapnya