Lahat ng Kabanata ng Chasing Athena: Kabanata 21 - Kabanata 30
34 Kabanata
Chapter 21: Interactions
Wait! Naguguluhan ako. Hindi ko inaasahan na gano'n ang sasabihin niya.So ibig sabihin niyan, 'yong file na pinapahanap niya sa'kin kanina ay hindi 'yong na delete ni Paula?Eh, pa'no 'yong file na nahanap ko kanina? Wala lang? Walang sense gano'n?Pinagtitripan niya ba 'ko? O gusto niya lang talagang sukatin ang patience ko at kung hanggang saan ang kaya kong gawin dito sa kompanya niya?"Marriage Proposal?! Ibig sabihin ba niyan ikakasal na si Sir Zach?" Gulat na sambit ni Maurice.Bigla namang tinakpan ni Paula ang bibig niya. Napalakas kasi ang pagkakasabi nito pero buti na lang walang nakarinig kasi unti-unti na ring nagsilabasan ang mga kasama namin dito sa office para mag-lunch."Shh! Hinaan mo lang ang boses mo, baka marinig pa tayo ng kabilang department. Pero hindi naman ako sigurado kung para sa kan'ya 'yon, eh," saad ni Paula.Hindi na 'ko nakinig sa pinag-uusapan nila. Kasi iniisip ko pa rin 'yong file na pinapahanap niya sa'kin kanina.Hindi ko pa rin talaga maintindiha
Magbasa pa
Chapter 22: Stuck
Akala ko umuwi na siya pero hindi pa pala. Siguro may ginagawa pa siya sa office niya. Pero pakialam ko ba?Ngayon nagkaroon na 'ko ng dahilan para umuwi na.Ayoko na siyang makausap o makasama. Buong araw ko na siyang nakikita at nakakausap. At sobrang na iimbyerna na 'ko."Uuwi pa lang po, Sir," sagot ko at kaagad ng tumayo para ayusin ang mga gamit ko sa mesa.Akala ko aalis na siya pero hindi. Nasa labas pa rin siya ng office at nakasandal sa pinto habang nakatingin sa akin.Ano balak niya 'kong panuorin? Wala siyang balak umalis?"S-Sir, may kailangan po kayo sa'kin?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kan'ya.Hindi kasi ako maka-concentrate sa pag-aayos ng mga gamit ko dahil sa presensiya niya. Lalo pa ngayon na pinapanuod niya ang bawat galaw ko.Ewan ko ba sa lalaking 'to. Ang weird niya ngayong araw at nagtataka na 'ko sa mga kinikilos niya mula pa kaninang umaga."Nothing, uhm.. take care," tugon nito nang mag-angat ako ng tingin. At agad na rin siyang umalis.Take care?Hay
Magbasa pa
Chapter 23: Alexander Esquivel
Napahiga ako sa table matapos kong gawin ang pinapautos sa'kin ng supervisor ko. Saktong-sakto na before lunch saka ko natapos. Ayoko kasing magmadali sa pagkain lalo na kapag may iniisip na gawain na kailangang tapusin before the deadline. Mabuti ngayon natapos ko, wala na 'kong iisipin mamaya habang kumakain.Dalawang araw na ang lumipas at gano'n pa rin naman ang ginagawa ko sa trabaho. Paggawa ng report, pag-aayos ng computer network, pagre-retrieve ng mga naburang files, at kung anu-ano pa. Nakakapagod pero kakayanin para sa pinanghahawakan kong trabaho at para sa pamilya ko.Dalawang araw ko na ring hindi nakikita si Sir Zach simula no'ng ma-stuck kaming dalawa sa elevator. Siguro na busy lang din siya sa pagtatrabaho. Sabi sa'kin ni Maurice kanina, marami raw nagsidatingan na mga investors, media, at business associates kahapon. At ilang beses din siyang nagpatawag ng meeting sa finance at marketing department mula kaninang umaga.Mabuti na nga lang na naging busy siya para hin
Magbasa pa
Chapter 24: Care
Hindi lang naman ako ang IT sa kompanya niya pero ako ang inuutusan. Hays, oo nga pala, humingi sa'kin ng pabor si Mrs. Montero na ako ang tutulong sa anak niya kapag nagkaproblema ito sa opisina niya. Wala pa rin pala akong kawala at hindi ko siya matatakasan.Akala ko pa naman tuloy-tuloy na hindi ko siya makikita pero mangyayari pa rin pala at ngayon kasama ko siya na naglalakad patungo sa opisina niya. Nasa likuran niya 'ko at tahimik na nakasunod sa kan'ya."What Alexander do in your department?" Tanong nito na ikinagulat ko.Ba't niya tinatanong? Pati 'yon kailangan pa niyang malaman?"Nothing, sir .. nag-stay lang siya ro'n at nakipag-usap sa amin," sagot ko habang pinagmamasdan ang katawan niya.Ewan ko bigla lang akong napatingin. Ang laki na kasi ng pinagbago niya ngayon. Mas lalo siyang tumangkad at nagbago na rin ang pangangatawan niya. Kagaya ng sinabi ni Maurice na, "hot and daddy figure" gano'n siya ngayon.Well-defined physique, broad shoulders that give him a strong a
Magbasa pa
Chapter 25: Crush
Bakit bigla siyang nagtanong? 'Tsaka paano niya nalaman? Wala akong sinabi na kahit ano kay Doc. Matteo para tanungin niya 'ko ng ganito.'Di kaya na halata ni Doc. Matteo na may kinakatakutan ako?"Sir--""N-Nevermind, just go now and take some rest," aniya sabay na tumalikod. "I'll just tell my secretary to bring the foods in your office," dugtong nito at naglakad papunta sa table niya.Hindi na 'ko sumagot, tumalikod na lang din ako at lumabas na sa opisina niya.Nang maihatid ko sa ground floor si Doc. Matteo ay kaagad na rin akong bumalik sa department ko at pinagpatuloy ang naiwan kong trabaho. Dumating na rin sa opisina ang in-order na mga pagkain ni Sir Zach na nagkasya naman sa aming lahat."Anong meron? Ba't nagpadala ng pagkain sa office si Sir Zach?" Nagtataka na tanong ni Maurice. Nagkibit-balikat lamang si Paula dahil hindi nito alam ang sagot."Baka nasa mood kaya binigyan tayo ng pagkain," tugon ni Paula.Kasalukuyan kaming tatlo na nandito sa CR, nag-aayos ng mga sari
Magbasa pa
Chapter 26: Unexpected Parent
Friday na ngayong araw at ngayon na rin gaganapin ang meeting sa school ni Aaron. Kaya maaga akong nagising at nag-asikaso para do'n. Mabuti na lang day-off ko ngayon kaya hindi ako mag-aalala at hindi ko iisipin ang mga naiwan kong trabaho sa office. At hindi ko makikita buong araw ang boss ko.Ang sarap lang sa pakiramdam ng gano'n. Kaya sana ibigay na sa'kin ni lord ang araw na ito para hindi siya makita. Kasi gusto ko muna siyang iwasan at huwag isipin kahit ngayong araw lang.I need to focus sa meeting kasi para 'to sa kaligayahan ng anak ko. At ayokong masira ito dahil lang sa kakaisip sa lalaking 'yon."Mommy, okay lang po ba na makipaglaro ako sa mga classmates ko habang nasa meeting ka po?" Tanong ni Aaron habang naglalakad kaming dalawa papunta sa classroom niya.Kararating lang namin sa school at med'yo napaaga ang punta namin. Parang ako pa lang 'ata ang parent dito pero ayos lang kesa naman teacher pa ang maghihintay sa amin."Oo naman, anak, basta huwag kang lalayo at ma
Magbasa pa
Chapter 27: Father & Son Interaction
Bigla kong hinarap si Sir Zach na ngayon ay nakatingin sa akin pero wala akong makitang emosiyon sa mukha niya. Binalot ng kaba ang puso ko nang mapatingin siya kay Aaron na ngayon ay nakatingin din sa kan'ya.Bigla kong hinawakan sa braso si Aaron at dinala sa likod ko bago pa nito mapansin na magkamukha sila."S-Sir Zach, nand'yan po p-pala kayo," nauutal ngunit kinakabahan na sambit ko. "H-Hindi na po kami magtatagal, may k-kailangan pa kasi akong asikasuhin sa bahay tapos-""But your son still wants to play with his friends," putol nito sa akin. Natahimik ako at napatingin kay Aaron na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin kay Sir Zach.Jusko! Meron siyang napapansin at panigurado mamaya marami siyang sasabihin o itatanong sa akin."Mommy, sino po siya?" Nagtatakang tanong ni Aaron nang pumunta siya sa tabi ko at sabay na humawak sa braso ko. Ngunit hindi pa rin maalis ang tingin niya kay Sir Zach."Umm.. anak, siya ang boss ko-""Iyong boss mo na masungit, mommy?" Putol n
Magbasa pa
Chapter 28: Encounter
"Hindi naman ba siya nagtaka no'ng nakita niya si Aaron?" Tanong ni Vanessa sabay lapag ng isang basong juice sa ibabaw ng mesa."Thanks, Van. Umm, hindi ko alam pero parang naging interesado siyang kilalanin si Aaron," sagot ko.Nakarating na kami sa bahay ni Vanessa at naikuwento ko na rin sa kan'ya ang mga nangyari kanina sa school. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa may sala samantala si Aaron nasa kwarto niya at nanunuod ng cartoons. Si Vanessa ang nagpapunta sa kan'ya ro'n para malaya kaming makapag-usap at hindi marinig ng anak ko ang pag-uusapan namin."Masamang pangitain na 'yan, Athena. What if naging interesado siyang kilalanin si Aaron kasi napansin niya na magkamukha sila? Pati nga anak mo napansin niya, eh. Kaya posible talaga na mapapansin niya 'yon. Alam mo 'yong lukso ng dugo? Baka dahil do'n kaya naguguluhan at nagtataka ang anak mo."Natahimik ako at napahawak sa ulo ko. Kanina pa 'ko nag-iisip at nag-aalala para sa kalagayan ng anak ko. Ngayon na nagkita na s
Magbasa pa
Chapter 29: Friends
Napabuntong hininga ako ng malalim nang muli ko na namang maisip ang mga nangyari kahapon. 'Yong pagkikita namin ni Sir Lim at ang mga napag-usapan namin na nakaiwan ng maraming katanungan sa akin.Nagtataka pa rin ako, at naguguluhan sa mga sinabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwala roon sa sinabi niya tungkol kay Zachariah. Na bigla na lang itong hindi nagpakita sa kan'ya.Bakit? Bakit bigla siyang hindi nagpakita?Hindi ko na dapat isipin ang tungkol do'n pero .. gusto kong malaman kung bakit nangyari 'yon. Pero paano ko malalaman kung hanggang ngayon takot at ayoko pa ring sabihin sa kan'ya ang mga nangyari sa pagitan namin noon, at tungkol sa anak naming dalawa?"Tsk! Huwag mo nang isipin 'yon, Athena. Huwag na," biglang sabi ko sa sarili sabay na napatihaya sa upuan.Nandito na 'ko ngayon sa office at ginagawa ang ipinag-uutos ni Miss Lina, ang supervisor ko. Hindi naman gaano kahirap ang pinapagawa niya dahil tungkol lang naman ito sa bagong software ng department namin. Pero hi
Magbasa pa
Chapter 30: Lunch With Him
Akala ko kapag natapos ko nang ayusin ang internet niya ay makakaalis na 'ko pero hindi pa pala. Kasi inutusan pa niya 'kong i-sort ang mga files sa laptop niya by year. Hindi na 'to parte ng trabaho ko kasi trabaho na 'to ng secretary niya pero dahil sa boss ko siya at empleyado niya lang ako ginawa ko ang ipinag-uutos niya.Nandito pa rin sa office ang mga kaibigan niya. Mga isa't kalahating oras na 'ata silang nandito. Wala rin naman silang ibang ginawa kundi ang mag-usap about business.Napagtanto ko na mayayaman at kilalang mga personalidad din pala 'tong mga kaibigan ni Sir Zach. Silang tatlo ay mga CEO at tagapagmana rin ng kompanya ng mga pamilya nila. Hindi lang talaga ako makapaniwala na gano'n ang katayuan nila sa buhay. Akala ko kasi mga simpleng mamamayan lang din sila ng Pilipinas pero hindi pala."Sh*t! Ano 'yon?" Usal ko nang maramdaman kong biglang kumulo ang sikmura ko. "Tsk! 'Di pa pala ako kumakain," sabi ko nang mapagtanto na inutusan pala ako ni Sir Zach no'ng ka
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status