Share

Chapter 30: Lunch With Him

Akala ko kapag natapos ko nang ayusin ang internet niya ay makakaalis na 'ko pero hindi pa pala. Kasi inutusan pa niya 'kong i-sort ang mga files sa laptop niya by year. Hindi na 'to parte ng trabaho ko kasi trabaho na 'to ng secretary niya pero dahil sa boss ko siya at empleyado niya lang ako ginawa ko ang ipinag-uutos niya.

Nandito pa rin sa office ang mga kaibigan niya. Mga isa't kalahating oras na 'ata silang nandito. Wala rin naman silang ibang ginawa kundi ang mag-usap about business.

Napagtanto ko na mayayaman at kilalang mga personalidad din pala 'tong mga kaibigan ni Sir Zach. Silang tatlo ay mga CEO at tagapagmana rin ng kompanya ng mga pamilya nila. Hindi lang talaga ako makapaniwala na gano'n ang katayuan nila sa buhay. Akala ko kasi mga simpleng mamamayan lang din sila ng Pilipinas pero hindi pala.

"Sh*t! Ano 'yon?" Usal ko nang maramdaman kong biglang kumulo ang sikmura ko. "Tsk! 'Di pa pala ako kumakain," sabi ko nang mapagtanto na inutusan pala ako ni Sir Zach no'ng ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status