Tiniis muna ni Juliana ang lahat, sa ngayon kase ay pumapabor na naman sa kanya na may kasama ang ama lalo na sa gabi sa na wala siya.Bukod sa katotohanang mahirap nga naman ang mag alaga ng may sakit lalo pa at hindi kaano ano.Inintindi na lang rin niya ang ang lahat tungkol sa sinabi nito sa pagkatao niya lalo pa at sa uri ng trabaho niya mahirap ang pagkatiwalaan ang galawan sa loob ng club.Pero ang hinanakit at galit sa kanyang katipan ay unti unti nang naiipon. Pero nagulat si Juliana makalipas ang ilang oras sa labas, pagbalik ni Renzo sa bahay ay kasunod din nito ng kanyang ina at dumeretso sa kusina at bigas. Si Renzo naman ay sumunos sa kanya sa siid ng pumasok siya, tumabi ito sa kanya sa kanya sa papag.“Babe, sorry ha, pagpasensyahan mo na ang nanay ko baka na stress lang kanina. Hindi ko kase naabutan ng panggastos niya. Natalo kase ako sa pusta”Sabi ni Renzo na medyo may himas himas pa ng braso at likod niya. Likas na malambot ng puso ni Juliana, madaling magpatawad
Read more