Share

Chapter 4

Tatlong oras bago  magbukas ang club. Nagpatawag ng meeting ang may ari ng club.Ayon  kay boss Genesis eh big night daw mamaya kaya kinakailangang tumebol ng lahat. Nagtaas ng kamay si Juliana na hindi siya pwede pero binalaan siya ng may ari na hindi na siya papayagang sumampa pa sa entablado kapag hindi siya kasama sa mga tumeybol.

Bukod doon ay hiniling din na may aari sa lahat na siguraduhin nilang makakabenta ng maraming ladies drinks so, ang ibig sabihin nun maging mas malambing sila sa costumer at mas mang uto pa. At kung may mag take out pa daw sa kanila ay payment first.

Kinausap ni Juliana si Renzo ng gabing iyon na baka hindi siya makasampa sa entablado ngayong gabi dahil sa ginawang bagong policy ng may ari ng club. Desidido na si Juliana na hindi sasampa. Titiyagain na lang niya ang kikitain sa paglalampaso ng sahig.

"Ano? big night ngayon Babe nababaliw ka ba? Maraming tao mamaya at balita ko kay boss may mga politiko dito mamaya at dito  daw mag cecelebrate ng kaarawan malay mo ikaw ang makursunadahan"

Sabi ni Renzo.

"Pero ayoko tumeybol  Babe.Skaal na lang ako saspa ng stage kapag hindi big night" Reklamo ni Juliana.

"Tiba tiba tayo mamaya nito babe kaya sundin mo na lang si Boss" Sabi  ni Renzo.

"Babe! ibinubugaw mo ba ako? puno ng hinanakit na sabi ni Julianan.Isa si Renzo sa bukod sa respeto sa sarili ang dahilan kaya ayaw niyang tumeybol. Nirerespeto niya ang kahihiyan ni Renzo na kasama pa  naman niya sa trabaho.Alam niya ang pakiramdam ng medyo mahihipuan atababatos ang kasontahano ngga lasing. Pagkatapos ay tititigan na para bang hinuhubaran ang kasintahan.

Pero bakit ganito si Renzo?bakit mas mahalaga ang pera para dito?" Tanong ni Juliana sa sarili.Bagamat hindi naman maisa tinig o maitanong kay Renzo. Pero si Renzo mismo ang nagbigay ng sagot.

"Bugaw.. o eh di tawagin mo ng ngang ganun pero practikal tayo Juliana. Hindi tayo makakaipon pang pakasal sa pagsasayaw mo lang na halos napupunta sa gamot ng tatay mo.Kailangan mo ng extra pang kita"

Paliwanang ng kanyang kasintahan.

"Pero mababastos ako nun Renzo mahihipuan at kung ano ano pa" sabi ni Juliana.

"Eh ano naman, para yun lang di ka naman na virgin sus.Wag mo akong intjndihin alam mong hindi ako seloso saka trabaho mo yun iisipin ko na lang malaking tip yun pagkatapos" sabi nito na pinaglandas ang daliri sa braso niya.

"Saka balit ang arteo naman para konting himas at tsansing lang yun malayo sa bituka yun at saka alam nating lahat na mas may magaganda pa sayo kaya masuwerte ka na kung makaisa kang ka teybol ngayong gabi"

Sabi pa ni Renzo na pakiramdam ni Juliana ay may kasama pang pang iinsulto.

Sa banyo dumeretso si Juliana matapos ang usapang iyon.Bukod kase sa iniisip sana niya ang kapakanan ni Renzo, labag din sa kalooban niya ang lahat ultimo nga pagsasayaw ng seksing seksi ang kasuotan ay labag sa prinsipyo niya eh, si Renzo lang din ang angtulak sa kanya gamit ang kunwaring pagtatampo nito at ang pangungunsenaya sa kalagayan ng ama.

Ngayon naman gamit nito ang plano pagpapakasal. Oo pangarap niyang makasal at makapagsuot ng magandang trahe de boda pero bakit dapat siya ang magsakriposyo?

Iniyak na lamang ni Juliana ang frustration at disappointment sa nangyayari.Pagkatapos ay unti unti ng lumalalim ang galit sa puso niya para kay Renzo. Pakiramdam na niya hindi siya totoong mahal ng lalaki. Ginahawa lamang siyang gatasan. Ginagawang uto uto at higit sa lahat ginagawang tanga.

Sa namumuong inis at galit ni Julianan sa kasintahan ay nagtungo siya sa opisina ni Boss Genesis at sinabing hindi muna siya magso show ngayon. Maglilinis na lang siya ng sahig at ng cr.Pero dumagondong ang galit ni Boss Genesis.

"Anong kalokohan ito Juliana.Ngayon ka lang magsasabi kung lelan gabi na? sinong isasalang ko sa stage  ngayon. Ikaw ang hinahanap ng mga tao" Galit na sabi ni Genesis.

"Pero kase boss ayaw ko talaga tumeybol. Katwiran ni Juliana.

"Ano bang iniaaarte mo dyan payag naman si Renzo ah saka  hindi  na pwede kase nag advance yung kaninang hapon. Kailangan daw ng gamot ng tatay mo kaya binigyan ko na kaya kung tutuisin ay bayad ka na sa sayaw mo ng kalahati"

"Ho? nag advance  na si Renzo?.. pero...."

"Kapag hindi ka sumampa sa entablado at tumeybol na rin Juliana hindi ka na makakapasok at nakalaapak sa club na ito. Ultimo pagiging janitress mo bawal na.

"Gusto mo ba pati si Renzo mawalang ng trabaho? wag nyo akong subukan?" Banta ng kanilang boss.

Naiiyak na lamang si Juliana sa kapalaran. Kuyom ang palad na hinanap si Renzo.Nakitan niya itong nakikipagusap sa isang receptionist sa club. Ilang besss na niyang nakikitang magkausap si Renzo at Devy pang lima na ata ngayon.Nilapitan niya ang katipan.

"Renzo, bakit ka naman bumale kay Boss at gi... " Hindi na nasabi ni Julian ang sasabihin dahil tinakpan ni Renzo ang bibig niya at hinatak siya palabas ng exit door.

"Ano ba?" Sigaw ni Juliana ng bitawan siya sa wakas ni Renzo.

"Tumahimik ka kase. Doon ka pa nagdadakdak sa may ibang tao eh" Inis na sabi ng kanyang katipan.

"Eh ano naman kung marinig niya pare parehas lang naman tayo ng likaw ng bituka" Sabi n Juliana.

"Ano bang pinagpuputok ng butsi mo?" Walang interes na tanong ni Renzo

"Bakit ka bumale kay boss at ginamit mo pa ang sakit ng tatay ko.Bibili mo na ba ng gamot si Tatay?"

Sabi ni Juliana.

"Eh hindi naman ako pagbibigyan nun kung hindi ko sabihin na para sa tatay mo eh alam mong kiropot yun"

"Asan na ang pera malaki yun kalahati ng buong kabayaran ko daw yung kinuha mo.Kelan ka bumilu ng gamot ni Tatay?"

"Hindi ko binale yun para sa tatay mo noh.Binale ko yun kase kailangan ni mama ng pera.Uuwi daw ito saglit sa bahay namin  ipapaayos ang kusina dahil nagbabaha na dahil sa tagas sa tubo ng gripo" Hindi maasikaso kase wala nga kami dun diba?

"Ano?" Halos madismaya si Juliana na ganun lamang ang dahilan ng pag bale nito.Bukod pa sa malaking halaga iyon para sa pagaayos  lang ng tubo.

"Pero sobra sobra ung bale mo para sa tubo lang" Sabi ni Juliana.

"Masyado ka naman makuwenta Juliana para akong ibang tao ah. Syempre may pasobra dahil baka kung ano pang sira meron dun saka wag ka magalala nsa akin ang ibang pera.Saka teka ano bang masama dun. Asawa mo ako hindi ba.Inaalisan mo na naman ba ako ng karapatan sa pera mo?"

"Nangsisimula ka na namang magyabang ganun ba? Dyan ka na nga umiinit lang ulo ko sayo eh" Sabi ni Renzo na iniwan nga siya sa labas ng exit door.

Nagpapatong patong ang inis hinala at kawalang pagasa ni Juliana. Hindi na niya gusto ang mga nangyayari. Ayaw na niya sa sitwaayun.Gusto na niyang umalis sa sitwasyung iyon pero paano?

Paano siya aalis sa putik na kinasadlakan kung naroon ang taong hindi niya maintindihan kung bakit hinahanap ng puso niya. Paano niya tatakasan ang lugar na nagbigay sa kanya ng oportunidad na matulungan ang ama.

Paano niya tatakasan ang mundong wala mang rehas na harang pero meron namang parang invisible na pader na nagbubukod sa kanila at sa totong mundong ginagalawan. at si Renzo.. hanggang kaylan mamahalin ng puso niya?

Hanggang kelan siya magpapakatanga...?

hanggang kelan siya magiging bulag sa katotohanang nakikita naman niya araw araw?

Hanggang kaylan nga ba?

Nanatili pa si Juliana sa likod ng bar. Sa madilim na lugar na iyon ay ibinuhos ninJuliana ang luha. Natauhan lamang ang dalaga ng marinig ang masiglang togtog mula sa loob hudyat na bukas na ang club.

Kuyom ang palad na pumasok si Juliana. saka nagbihis. Tinanggap ni Juliana ang kapalaran na wala na siyang matatakbuhan pa. Kailangan niya ng trabaho at hindi rin naman siya papayag na mawalan ng trabaho so Renzo dahil sa kaartehan niya.

Kaya muli nilunok ni Juliana ang respeto sa sarili, niyakap ang katotohanan saka  hinandang muli ang sarili. Ngayong gabi ang unang gabing gagawin niya ang lahat para nakawala sa hawlang ito. At gagawin niya iyon magisa.... unti unti pero magisa"

Bulong ni Juliana habang nakatitig sa salamin at naglalagay ng perdible sa costume na may kalumaan na. Matapos  makapaglagay ng lipstick at nag spray ng pabangong inorder niya online. Lumabas na ng  silid sa gilig ng bar si Juliana kasabay ng ilang babae at iplinaster ang nakakaakit na ngiti hangang ganap ng binuksan ang nagsasalimbuyang  ibat ibang uri ng ilaw sa loob ng club.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rina Nicolas
d Ako mag sasawang basahin Ang kwento na to
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
iwan muna renzo na yan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status